3. FLORENCE

432 19 1
                                    

Kung totoong crush ako nitong si Geoff, aba, nakaka-flatter naman. I'm sure kung si Imari ang sinabihan ni Geoff nang ganun, malamang nangisay na yun sa kilig. Kaso hindi ako si Imari at nagkataong isa akong dakilang bitter pagdating sa love life na yan.

"Naks, natameme ka na. Hinay-hinay lang sa pagba-blush."

Natauhan ako dun sa panunukso niya kaya lumayo ako agad sa kanya. "Alam mo, unang pagkikita pa lang natin, tumatak ka nga sa utak ko."

"Talaga?"

I nodded. "Grabe, ang presko mo. At napaka-confident mo. I bet bully ka din no? Anyway, good night na talaga at matutulog na ako. Bukas na lang..." Wait, what? Anong bukas, Florence?

"Bukas na lang? Uy, gusto mo pala talaga akong makasama."

"Tumigil ka na. O sige na, babush!"

"Wait!" Habol niya at nilapitan niya na naman ako sa may hagdan.

"O bakit?"

"May gasgas sa binti mo," turo niya sa paa ko. Nakita ko nga yung sinasabi niyang gasgas, na malamang ay nakuha ko sa pagkadulas ko kanina. "Lagyan natin yan ng Betadine---"

Nahiya ako agad. "Ako na. Meron naman ako dun sa kwarto ko."

"Halika, samahan kita dun..."

Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Pwede ba? Umuwi ka na kaya. Wag mo akong pinagtritripan. Alam mo namang nang-aasar ka lang eh. Hindi mo ako crush, at gusto mo lang matawa sa'kin. O sige na, uwi na! Tsupi!"

Pero hindi pa rin siya umalis. Ngiti pa rin siya nang ngiti na parang baliw. "Hindi ka naniniwalang crush kita?"

"Haler? Ikaw? Joke time ka, Geoff..."

May sinabi siya sa'kin pero hindi ko na narinig dahil mas umalingawngaw yung tili ni Tita Debs na nasa may mesa na pala. "Anak, nililigawan mo na ba si Florence? Francine, halika dito, dali!"

"HINDI PO!" Parehas naming sigaw ni Geoff at tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko.

***

Maaga akong pumasok kinabukasan. Wala lang, badtrip kasi sa bahay. Sina Mama at Papa kasi, nag-warning sa'kin na may magsusumbong na daw kapag may gawin na naman akong kalokohan sa school.

Sina Tita Debs at Geoff.

Hay, pag maganda talaga ang anak, strict ang parents no? Chos. Pero ewan ko ba sa mga yun. Para naman nilang sinabi na hindi na ako natuto.

Pero ang mas nakaka-badtrip, ay yung pagkampi nila kay Geoff. Hindi nga sila nagreact nung tinutukso ako ni Tita Debs dun kay Geoff kagabi, when in fact kapag may lalaki lang na sumulyap sa'kin eh inaaway nila. Ganun sila ka-OA. Pero exempted yata dun si Geoff. Teka, hindi kaya boto sila kay Geoff para sa'kin? Yucks!

Kaya ayun, maaga akong nagpahatid kay Kuya sa school kasi nabubweset nga ako. Araw-araw, nagpapahatid ako kay Kuya Timothy sa school. Pareho lang naman kasi ang way namin. Tapos may motorsiklo kasi siya.

Sa Regal Era University nag-aaral si Kuya. Graduating student na siya doon. Ako naman, freshman sa Enigma University. Mortal na magkalaban ang mga schools namin pero chill lang naman kami ni Kuya.

"Si Timothy Jacinto!" sigaw ng isang babae pagkababa ko ng motor. Nasa tapat na kami ngayon ng school ko.

Nagtitilian na naman ang mga fangirls ni Kuya. Ganito lagi ang eksena tuwing hinahatid ako ni Kuya sa school bawat umaga.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon