CJ's POV
Eto ako ngaun nagbabasa na ng script at takte lang! May kissing scene!! Waaaahh!! Sana di namin eto iano ngaun at for sure sasabog ang buong set ng dahil kay Rake!
"CJ" tawag sakin ni Hope na bestfriend ko. Ang pinaka nangingibabaw sa itsura niya maliban sa maganda siya eh ung auburn niyang mga buhok, it stands out in public tuwing magkakasama kami kase nag iisa lang siyang may ganun na buhok, fiery red.
"Yo Hope! Kararating mo lang?" Tanong ko sa kanya at umupo siya sa tabi ko at binuklat ang kanyang script
"Oo eh. Mejo traffic" matipid niyang sagot sakin
Maya maya pa ay nagsisidatingan na ung mga iba pang kasama sa movie at meyged! Ang iingay nila! Mas lalo na ung si Ean! Sarap itape ang bibig!
"Hoy Ean! Pag di ka tumahimik jan tatahiin ko yang bibig mo!" Sigaw ko sa kanya
"Brutal ka! Brutal!" Sigaw niya pabalik at tumawa siya bigla! Emeyged! May baliw kaming kasama!
Lumapit ako sa kanya na may hawak na tape at bigla siyang natakot at tumakbo palayo sakin! Hahaha!! Ang paranoid niya eh iaabot ko lang naman kay Ashley ung tape.
Si Ashley ay si Ashley alangan namang ako siya di ba? Well pwede rin! Sasapian ko siya ganun! Hahahaha! Pero teka! Di ba pag sasapi dapat patay na? Hala! Jk lang un! Ayoko pang mamatay! Papatayin ko muna ung kambal kong si JC bago ako mamatay!
And yuss! May kambal ako si Jaesee-Cellyne Salvatore or sa mas kilala sa tawag na JC. Missing in action siya ngaun kase… ewan ko! May pinatay ata kaya ayun nag tatago muna, in other words nag papa cool muna siya hahaha!
"Ash asan ung pinsan mong baliw?" Rinig kong tanong ni Safe kay Ashley pero nagkibit balikat lang si Ashley sa tanong sa kanya siguro war sila ni Violet. Hinayaan ko na lang at nakakatamad makisawsaw.
Asan na nga ba ung PA kong si Bubay? Tss! Nag gala na naman siguro un. Bahala nga siya jan! Mag iistart naman na rin daw kami kaya lahat eh biglang nataranta. Nag last minute memorization sila tas nag reretouch ung iba! Tsk! Puro daldalan kase ang inatupag!
=======
Safe's POV
Wala pa akong scene kaya andito ako nakahilata habang nanunuod muna. Nakakatamad, buti na lang at maganda ako.
Ano connect?
Wala. Paki mo ba? Eh sa gusto ko lang sabihin na maganda ako.
Hindi poh ako baliw. Kausap ko ung isa sa mga author. Ayaw daw niya magpakita eh
Weh? Ang sabihin mo baliw ka lang talaga. Nagpapalusot ka pa eh!
Tsk! Ewan! Bwisit!
Ipinikit ko na ang aking mga mata at pinapakinggan ko na lang ung mga gumagawa ng scene ngaun.
"Palabasin niyo ako dito! Hindi ako makahinga" takot na umiiyak na sambit ni CJ. Parang totoong totoo talaga ung acting niya.
"Ayaw bumukas ung pinto" rinig kong sigaw ni Ean
"Safe!! Safe!" Tss! Istorbo naman tong si Ashley patulog na ako eh. Ayun na konti na lang makakaidlip na ako pero ano? Anong nangyare? Wala! Inistorbo ako! Bwisit na buhay!
Tinanong ko siya kung ano problema niya. Eh ayun true to life pala ang nagyayare kay CJ. Putakte yan! Kaya pala totoong totoo ang acting eh hahaha!! Bwisit! Di ko alam kung matatawa ako o ano!
Tsk! Asan na ba ung magaling niyang boyfriend? Kung saan saan na naman siguro nagsusuot suot un! Naghahanap ng malalandi.
Pinanuod ko muna sandali ung kaganapan kay CJ haha. Si Hope tinatry na pakalmahin si CJ pero mukhang di effective, si Ean at ung mga ibang crew eh tinatry buksan ung pinto at si Ashley? Ewan… wala siya dun eh baka hinahanap si Rake?
Tinatamad akong maghanap. Tawagan ko na lang kaya? Nasa akin ba ung number niya? Oo ata?
*tingin* *tingin*
Ayun! Nasa akin nga! Pinindot ko nanung call button thingy.
After 1 million years, tagal sagutin eh, pinick up na niya.
"Asan ka?" Tanong ko sa kanya
"Tss! Pakialam mo" aba matindi! Sapukin ko pag mumukha nito eh
"Lul! Si CJ kelangan ka niya. Leshe!" Binabaan ko na siya ng phone pagkatapos kong sabihin un. Ang kapal ng mukha. My golly! Nakakasira ng ganda ang pagka masungit niya.
Maya maya pa ay eh nakita ko na siyang dumating at dumeretso siya kung nasaan si CJ.
Narinig kong pinalayo ni Rake si CJ sa may pintuan at oh my fucking shit isang sipa niya lang dun sa pinto eh wasak na agad. Dafuq? Rake are you human?
Napanganga ung mga andun kase kanina pa nila tinatry buksan eh di nila magawa tas si Rake isang sipa lang eh wasak agad ung pinto. Weak sila! Weak! hahahaha!
Hayaan na baka may lahing ewan lang si Rake. Bumalik na ako ulit sa pagkakahilata at na drain ang energy ko ng dahil sa kadramahan na un.
[A/N: ang galing no? Ngaun na nga lang nakapag update eh ang ikli pa! Hahaha! Hayaan na! Mag aupdate na naman kami bukas eh hahaha! XD
Ung mga ibang characters sa susunod na update na at ayoko ung andaming characters sa iisang chapter nalilito ako! XD
Tsaka pasensya at korny ung update! Hahaha! Try kong hindi maging korny bukas! XD
Un lang!! Hahahaha! Bleeeeh! :p]
BINABASA MO ANG
Ang BAKLA sa Balete Drive
HumorIsa siyang baklang naghahanap ng katarungan sa kaniyang pagkamatay. Charaught! Interesado lang ang beautiful soul ng gaga sa mga alive and kicking boys. Gusto niya daw sipa-sipain ng mga kalalakihan, kalerki si bakla. So dyan magsisimula ang adventu...