"So..."
Biglang humigpit yung kapit ni Ella sa braso ko habang papalabas na kami ng klase. Tinignan lang niya ako, giggling a few times.
"Anong 'so'?" tanong ko.
"Mia naman eh!!" angal niya at halos maiyak na dahil hindi ko siya sinasagot ng matino.
Natawa naman kami Carla sa pinag gagagawa ni Ella.
Kanina pa kasi niya ako kinukulit tungkol kay Nick. Dahil nga hirap siyang makahanap ng guwapo, kanina pa niya akong sinusuway na ipakilala ko man lang daw siya kay Nick.
"He's really popular kaya sa campus!" at pinagpatuloy pa ni Ella ang pag pout sa akin, "Baka kasi may guwapo siyang friends. Sa iyong sa iyon na siya, pero ipakilala mo man lang ako kasi baka may cute friends din siya!!"
"At sino namang nagsabing papatulan ka nung mga kaibigan nun?" pang aasar ni Carla.
Agad namang nilapitan siya ni Carla at mas malakas na ngumawa sa balikat nito.
"Pag ako naging single forever, KAYO SISISIHIN KO!" sabi ni Ella at nagpatuloy pa rin siyang magkunwaring umiiyak.
Pagkadating namin sa entrance ng building, naka park na agad yung kotse ni Nick sa tapat.
Malakas naman akong pinagpipipisil nila Carla at Ella sa gitna nilang dalawa, kilig na kilig dahil lang sa presensya ni Nick.
Nung mas nakalapit naman na kami sa kanya, bumaba yung bintana nung upuan sa likuran at bumungad yung pagmumukha ni Rica.
"Hi Mia!!" masiglang bati niya. Napangiti naman ako, pero ilang saglit lang ay tinulak ni Nick yung mukha ni Rica papasok ng kotse at napahiga si Rica.
"Ayy...siya yung girl sa facebook niya." dismayadong bulong sa akin ni Ella. Siniko ko naman siya, medyo malapit na din kasi kami sa kanila.
"You done?" expressionless na bati sa akin ni Nick. Tumango na lang ako, medyo nahihiya pa sa sitwasyon.
Naramadaman ko namang pinagsususundot ako ni Ella sa tagiliran ko, urging me to introduce her to him.
Pinigilan ko siya at tumango na lang para tigilan na niya ako.
"A-ah...Sila Carla at Ella nga pala, mga kaibigan ko." mahinhin kong sabi kay Nick.
He held out his had, hoping to shake both of their hands, at agad naman itong hinablot ni Ella.
"Ella Fernandez. Sophomore, Advertising major." pagpapakilala ni Ella sa sarili niya.
Medyo napangiti naman si Nick at tumingin sa akin na para bang humihingi ng tulong mula sa akin.
Hinila ko naman palayo sa kanya si Ella kaya binitawan na din niya yung kamay ni Nick.
"Carla Domingo." simpleng pagpapakilala naman ni Carla at kalmadong nakipag kamayan naman si Nick sa kanya.
"Rica Ortega!" sigaw ni Rica, sabay lahad ng kamay kanila Carla at Ella.
Nung una ay ayaw pa talagang lumapit ni Ella, pero tinulak ko siya at binigyan ng tingin, kaya wala na siyang choice kundi makipag kamayan kay Rica at ngumiti.
"Do you guys have class after lunch?" tanung sa kanila nila Rica.
Pareho naman silang napailing.
"Great! Let's have lunch pagkatapos ng klase naming tatlo! My treat!" aya ni Rica.
Hindi naman na nag isip pa sila Ella at Carla at agad agad na pumayag. Basta libreng pagkain, madaling mapapayag, lalong lalo na si Ella.
"Huhu, you're so nice!" at pareho naman kaming natawa nila Nick at Carla sa biglaang pag eenglish ni Ella.
BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomanceDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...