I Am Ms. Torpe (ONE.SHOT) [REVISED]
"BEST!" Napalingon ako sa tawag niya.
"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. May kwento nanaman ako sayo, Cha! Whoo! Grabe ang saya ko." Sigaw niya sakin habang nakangiti ng malawak, from ear to ear eh.
"Oh ? Bakit nanaman ?"
"Kasi nakasama ko si Ice kanina. Tapos habang naglalakad kami nagkakabanggaan yung kamay namin. Hindi ko maipaliwanag yung feeling, Cha pero shet nakakabakla. Tapos hinawakan niya pa yung kamay ko nung pababa siya ng hagdan. Heaven, best! Heaven."
Eh ako ? Nahahawakan ko din naman kamay mo ah. Hindi ka ba kinikilig sakin? Tanong ko sa isip ko.
"Tss. Yun lang pala." Walang gana kong sagot. Paulit-ulit na kasi. Palagi nalang si Ice yung kinekwento niya. Ang sakit kaya!
"Anong yun lang pala? Alam mo naman best na malakas ang tama ko diyan kay Ice mula high high school palang."
Crush mo siya since 1st year high school, eh ikaw nga mahal ko since grade 4 eh, kinwento ko ba sayo? Di naman ah! Sabi ko sa sarili ko.
"Oh, Best? Bakit natahimik ka? Tampo ka naman. Uyy si bestie nagseselos." Sabi niya habang tinutusok ang tagiliran ko. Hmp.
"Asus." Inakbayan niya ako. "Alam mo, best kahit naman sagutin ako ni Ice ikaw parin ang #2 sa puso ko." sabi niya habang nakatingin sakin tapos biglang kindat. Enebeyen.
Inalis ko ang pagkakaakbay niya at lumayo sa kanya.
"#2 lang? Hmp. Ewan ko sayo."
Muntikan ng magwala yung puso ko nang yakapin niya ako mula sa likod. Bakit ba alam niya ang weakness ko?
"Siyempre, best. #1 si mama eh."
Tinanggal ko yung pagkakayakap niya at lumayo. Di ako pakipot kaso baka atakihin na ako sa puso dahil sa kilig, matuluyan pa ako ng wala sa oras.
"Ewan ko sayo. Ginugulo mo ang tahimik kong mundo, pwede bang magdisappear ka muna? Shu!"
BINABASA MO ANG
I Am 'Ms. Torpe' (ONE SHOT)
Teen FictionPaano kapag nainlove ka sa bestfriend mo na may mahal ng iba ? Tapus nagpatulong pa sayo na ligawan siya .. Anong gagawin mo ? aaminin mo pa ba na mahal mo siya ? o itatago ang nararamdaman at tutulungan siyang manligaw sa babaeng minamahal niya ? H...