Gab's POV
Tinawagan ko si Terenz, at sinabi nga niyang nasa Reston High University sila Kurt. Nandito kami sa eroplano ngayon, at kasama ko din si Tady.
TADY:"Gab, kamusta na kaya sila Yumie?"
GAB:"Umaasa akong okay lang sila."
TADY:"Ano ba kasing nangyari?"
GAB:"Ginagantihan kami ng Dark Gaze Gang, dating grupo yun na nakasagupa namin. Inggit sila sa amin dahil higit na sikat kami kaysa sa kanila."
TADY:"Dahil lang do'n kaya kailangan nilang maghiganti? Tsk. Napakaisip-bata nila."
GAB:"Alam ko ang mga profiles ng members ng grupo, pero ang leader nila. Yun ang hindi ko alam, dahil hindi nila ipinapakilala sa sino man ang leader nila. In short, silent type ang grupo nila pero palaban sila."
Matapos ang matagal na biyahe ay lumapag na ang aming eroplano sa AIRPORT.
---
Yumie's POV
TREVON:"Gising!! Gising!! Gumising kayo!"
Binuhusan ako ng tubig ni Trevon, ang lamig!
KURT:"Trevon, ano ba? Ba't mo ba siya binuhusan?"
TREVON:"Para magising siya."
DRIX:"Naiinip na'ko...."
TREVON:"Ahh naiinip kana? Tara mag-exercise tayo."
Tinanggal nila ang tali ni Drix, at hindi na nagdalawang isip pa si Drix. Sinuntok niya agad si Trevon sa panga, dahilan para mapaurong siya at mapaupo. Pinukpok niya ng tubo si Trevon, hanggang sa nawalan ito ng malay.
Mabilis na kumilos si Drix at tinanggal niya ang tali namin.
Ang yabang ni Trevon maghamon ng exercise pero tumba pala siya sa isang suntok palang.
Nagulat kami nang biglang pumasok ang maraming kalalakihan, nagpanggap kaming lahat na nakatali. Hanggang sa magulat sila nang makita nilang nakatumba at walang malay si Trevon. Lahat sila ay nag-panic at lumabas silang lahat kasama si Trevon. Ilang oras din silang hindi nakabalik, hanggang sa magulat ako ng may biglang nagbukas ng pinto at iniluwa nito sila Kuya Terenz at Gab kasama pa ang ibang grupo ng kalalakihan.
Sa palagay ko ay nasa 10 sila?
GAB:"Sumakay nalang kayo sa palabas mamaya."
Tumango kaming lahat kahit hindi namin alam ang sinasabi niyang palabas. Nabuhayan ako ng loob sa tingin ko ay makakalabas na din naman kami dito. Bumulong si Drix.
DRIX:"Yan ang dating kasama sa miyembro ng Black Magic."
Tumango nalang din ako sa pagkamangha.
Nagpanggap kaming tulog nang biglang pumasok ang grupo ng Dark Gaze, sinisilip ko ng bahagya ang ginagawa nila at halata sa mukha nila ang pagkagulat.BOY:"Paano kayo nakapasok dito?"
GAB:"Oppss! Wag masyadong magulat men, kakampi kami. Wag kayong mag-alala."
BOY:"Talaga? Paano niyo naman nasabi?"
GAB:"Tignan niyo, hindi namin sila hinayaang makatakas sa halip ay binantayan pa namin sila dito. At kung kalaban kami, dapat ay kanina pa namin silang pinaalis diba?"
BOY:"Sige na, bantayan niyo sila."
TERENZ:"Hindi ba't mas maganda tignan kung sa labas natin sila ipwesto, masayang kulob dito tsaka hindi ko na magustuhan ang amoy. Nangangamoy peste."
BOY:"Sige na kayo nalang din ang maglabas."
Ngumingising humarap sa amin sila Kuya. Si Kuya ay inilabas ako, at may binulong sa akin.
KUYA:"Dumaan kayo sa likod nitong room, may gate doon at nandoon ang mga kasamahan namin. May dala silang kotse at tumakas na kayo."
Lumabas kami ng room, sumenyas si Kuya na maglakad na kami patungo sa likod ng room.
---
Gab's POV
Pumasok kaming muli sa loob ng room.
BOY:"Oh kamusta sila, sinong nagbabantay sa kanila."
Hindi na ako sumagot sa halip ay sinalubong ko na siya ng tadyak at sapak. Naglabas sila ng tubo, kaya kami ay medyo nahirapan sa pakikipagsuntukan dahil masakit kapag lumapat sa katawan mo ang tubo.
Nagtulungan kaming 10 laban sa kanila. Hindi ko alam pero nagulat ako nang may lumitaw na lalaking nakamaskara, sa palagay ko ay siya na ata ang leader ng Dark Gaze.
GUY WITH MASK:"Tama na yan men, paalisin niyo na sila."(tinuro niya kami)
"Umalis na kayo, bago pa magdilim ang paningin ko. Wag niyong hahayaan na magtagpo muli ang landas natin, dahil baka hindi na ako makapagpigil."
BINABASA MO ANG
Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018
Novela JuvenilTibo meets Kings💕 Teen Fic/Fanfic💘 By:Princessang_Boss😍 Inspired by:QUSCIN💞 --- East Bridge University o mas kilala sa tawag na EBU👌Isang paaralan na pagmamay-ari ng pamilya Monteban❤Isang paaralan na pinapasukan at pinaghaharian ng tatlong bad...