NOW I KNOW

4 0 0
                                    

SHAWN'S POV

"Hey Shawn, sino yung naghatid sayo? Asan ang kotse mo?"- tanong kagad sakin ni Misty pagkapasok ko ng sala.

"Kinuha ni Kuya, nakakainis hindi manlang nya ako pinauwi muna."- sagot ko sa kanya. Misty is one of my bestfriend, she's three years older than me pero naging magbestfriend na kami since highschool at ngayon kasal na ito sa Kuya Stan ko, yah the mall manager.

"Haha, may ginawa ka na namang kalokohan no?"

"Si Phil, binalya ko, eh kasi naman napakakulit eh, alam mo ayaw na ayaw kong hinahawakan ang kamay ko di ba?"

"Yah, lalo na ng mga boys."- sagot ni Misty while busy eating slice apples. Medyo malaki na din ang tyan nito, magkakapamangkin na ako. "Bakit ba kasi ayaw mo pang magseryuso sa relasyon Shawn?"

"Coz I don't have a serious relationship Mist, you know boys really aren't my type."- I rolled my eyes, umupo ako sa armchair ng couch. "Alam mo naman kung ano ako diba?"

"Yah, but alam ko magbabago ka pa, look at you your so pretty to be a lesbian."

"Mist, bisexual ako I admit that, nagkakacrush din ako sa boys. But for me boys are so boring, walang challenge kasi sila na mismo ang nanliligaw at nag i-effort para sakin."

"Hindi mo pa siguro nakikita ang taong para sayo."- sabi ni Misty sakin.

"I think nakita ko na sya."- nakangiti kong sabi.

Nagulat ako ng bigla itong lumapit sakin at hinawakan pa ako sa balikat. "Talaga? So, who's the lucky guy?"

"Guy?! Duhh diba kakasabi ko lang na boys are boring?"

Bigla itong umupo pabalik sa couch parang dismayadong dismayado. "Babae padin pala."

"This is me Mist, my family needs to accept it, ayoko ng pinapadate ako ni Dad sa kung sino sinong boys para lang maging straight ako. Yah I tried na makipagrelasyon sa mga boys pero lahat failed."

"Lahat din naman ng relasyon mo sa girls puro palpak ah?"

"Yah, but the feelings is different, yung challenge na magustuhan din nila ako."

"Baka talagang nachachallenge ka lang total bata ka pa naman, enjoy your life. So sino itong sinasabi mong babae?"

"Yung naghatid sakin kanina, my pakiramdam ako na hindi pa yun ang huling pagkikita namin eh, pakiramdam ko talagang nakatadhana na magkatagpo kami."- napapangiti ko pang sabi.

Natawa si Misty sakin. "Ang baduy mo Shawn."

"Di nga Mist kasi naman eh wag kang mang-asar kasi sa kanya lang talaga ako nautal. At siya palang ang taong nagawa akong sigaw sigawan except my Dad and my brothers, at take note sya palang ang taong hinayaan kong makahawak sa kamay ko for more than 10 minutes. Haha starstruck yata?"

"Si Shawntell Monette nautal? Haha I need to meet this girl Shawn."

"Don't worry kapag nagkakilala na kami isasama ko sya dito."

Kunot noong napatingin sakin si Misty. "Hindi mo kilala?"

"Kanina ko lang sya nakita at wala akong alam sa kanya bukod sa Gwen ang pangalan nya."

"Tapos mahal mo na?"

"Haha, mahal agad? Basta ramdam ko magkikita pa kami. Malay mo bukas."

•KINABUKASAN•

GWYNN'S POV

After kong ipark ang kotse ko dito sa malawak na parking lot ng Krey Academy ay naglakad lakad muna ako. Dito ako trenansfer ni Dad dahil gusto nya akong ilayo sa mga boys na nanliligaw sakin dun sa dating school na pinapasukan ko. This is an all girls school. Tama naman si Dad mapapalayo nga ako sa mga lalake pag dito ako nag-aral, at gusto ko rin talagang makapag focus sa pag-aaral ko isturbo lang ang mga boyfriend boyfriend nayan.

Bounded by loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon