DEADMA
Tinawag agad ng 12 Hades ang Doctor para magamot si Dale
Nandito kaming lahat sa kwarto niya at inaantay siyang gumising
"Kasalanan mo itong lahat eh" sabi ni Phil sa akin
"Alam mo Phil shut up ka na lang dahil sigurado akong pag narinig ni Dale na inaaway mo ang reyna niya baka ipapatay ka niya na now na" asar ni Tyler kay Phil
"Hindi mo naman siya gusto pinaglalaruan mo lang naman siya kasi may kailangan ka sa kanya tapos itataya niya buhay niya para sayo sino ka ba? Hindi ka naman niya girlfriend o asawa" supladong sabi ni Phil
"Sorry na baba na ako sa pwesto kasi tapos naman na yung gusto kung mangyari" sabi ko
"Malabo ata iyon" sabi ni Callix
"Bakit?" Tanong ko
"Mag daraos ng Fiesta de Hadria si Dale pagkagising niya ipapakilala ka niya sa sambayanan hindi lamang sa mga tao na dumating sa birthday niya kung hindi pati sa mga tao sa buong hadria" sabi ni Callix
"Yes! Sister in Law na talaga kita" sabi ni Sid sabay yakap sa akin habang kumakain ng tsokolate
Lumabas ako sa kwarto ni Dale at pumunta sa pool side
"Masaya ka ba?" Tumingin ako sa nagsalita si Adrian
"Masaya?" Tanong ko
"Masaya ka ba na reyna ka? Masaya ka bang nasa tabi ka ni Dale?" Tanong nito
"Hindi ko alam" sabi ko
"Kung hindi ka naman masaya iwan mo na lang siya" sabi ni Adrian
Naalala ko yung sinabi ni Danica
Na ang hari lang pagkatiwalaan ko
"Gusto kita Kath ako na lang ang piliin mo sa akin mas magiging masaya ka hindi magiging komplikado ang buhay mo oo hindi ako ang hari pero kaya kitang gawing reyna ko papasayahin kita" sabi nito sa akin
"Hindi ko mahal si Dale pero hindi ko kayang malayo sa kanya hindi ko alam bakit Adrian pero ganun yung nararamdaman ko" sabi ko sa kanya
Napatigil ito
"Siguro hanggang kaibigan na lang" sabi nito sabay ngiti sa akin
"Sorry" sabi ko
"Bakit bumangon ka agad" pangaral ni Rex sa Hari na pababa na ng hagdanan
Kumuha siya ng gatas sa ref
"Uhaw na uhaw na kaya ako" sabi ni Dale
"Akala namin hindi ka na gigising" sabi ni Phil
"Matagal mamatay ang masamang damo" natatawang sabi ni Jerald
"Bakit kayo magkasama? Na dalawa lang kayo? Kayo na ba?" Tanong ni Dale sa amin ni Adrian
"Hindi ganun kasi ano" pag e-explain ko
"Yeah kami na" sabi ni Adrian na ikinagulat naming lahat
"Adrian ano ba!" Sigaw ko sa kanya
"Ow. GodBless your relationship" sabi ni Dale sabay tumaas ulit
"Totoo ba yun? Adrian" tanong ni Rex
Ngumiti lang ito
"Lagot ka jan" sabi ni Sid
Pumasok ako sa kwarto ko
Nakakakaasar hindi man lang niya pinatapos yung explanation ko
Bakit ba ako naapektuhan kaasar siya
Ilang oras at nakaramdam ako ng pagka gutom
Bumaba ako para magluto
Binuksan ko yung ref. Kompleto naman kaya hindi na ako mahihirapan
Nagsimula na akong magluto ng sinigang
Nang matapos ko iyon nagsimula na akong kumain
Biglang bumaba si Dale
"Sabayan mo na akong kumain" sabi ko sa kanya
"Wala akong gana" sabi nito sabay kuha ng tubig sa ref at tumaas sa kwarto niya suplado
Pagkatapos ko kumain hinugasan ko yung pinagkainan ko at yung mga ginamit kong pangluto nilipat ko sa isang bowl yung sinigang at tinakpan ito at nilagay sa ref
At tumaas sa kwarto ko
--------
Kinabukasan
Nagbihis na ako at nag ayos papasok na ako
"Goodmorning Kath" bati ni Marvin sa akin
"Asaan si Dale?" Tanong ko
"Hindi ko din alam eh kaya nga inaantay ko dito wala naman sa kwarto niya" sabi nito
"Kagabi pa niya ako hindi pinapansin" sabi ko
Natawa ito
"Gusto ka nun tapos bigla niyang malalaman na kayo na pala si Adrian" sabi ni Marvin
"Hindi nga kami ni Adrian hindi ko nga alam bakit niya sinabi yun kahapon eh" sabi ko
Tumawa ulit ito
"Sige na pumasok ka na malalate ka na" sabi ni Marvin kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa university
Pagdating ko sa classroom halos lahat sila hindi ako matignan
"Mmmhh mahal na reyna hindi na po dito pumapasok ang 12 Hades hindi po ba kayo magkakaroon ng private tutor?" Sabi nang prof namin
Ah ganun ba pag reyna
"Ay hindi po dito pa din ako. Sige na proceed na sa lesson" sabi ko at nag turo na ang prof namin
Pagkatapos ay lumabas agad ako sa classroom sinalubong ako ni Aya
"Mahal na reyna" sabi nito sabay bow
"Sira ulo" sabi ko sa kanya at tumawa kaming dalawa habang naglalakad kami sa corridor nakasalubong ko si Dale
"Dale" tawag ko sa kanya
Pero parang walang siyang narinig at nilagpasan ako
"Nag away ba kayo?" Tanong ni Aya sa akin
"Hindi ko alam bigla na lang siyang sumungit sa akin nung sinabi ni Adrian na kami na daw" sabi ko
"Kayo na!" Gulat na sabi ni Aya
"Hindi ewan ko bakot sinabi ni Adrian yun pero mula nun hindi na ako pinapansin ni Dale" sabi ko
"Baka nagseselos siya" sabi ni Aya
"Bakit siya mag seselos hindi naman kami hindi niya din ako nililigawan" sabi ko
"Lahat tayo ay may karapatang magselos kasi may nararamdaman tayo kahit kayo man o hindi" sabi ni Aya
Napaisip ako
"pero bakit siya magseselos hindi niya nga ako gusto eh sabi sabi lang nila Marvin yung gusto niya ako" sabi ko
"Alam mo girl manhid ka" sabi niya sabay pasok sa cafeteria
UNKNOWN'S POV
"Hangga't masaya siya wag na wag niyong hahadlangan"
"Opo mahal na reyna"
"Siguraduhin niyong lagi siyang ligtas kung hindi kayo ang mananagot sa akin"
BINABASA MO ANG
Who Will Kill Me?
Mystery / ThrillerIt was a place ruled by a heartless king and where his 12 knights are feared A place where everyone who's heartless came to live A place described as hell...... Everyone should follow the rules and No hearts can get soft ...