Maraming magagandang bagay sa buhay natin,
kung minsan ay hindi lang natin napapansin.
Lagina lang tayong naghahanap,
Samantalang may mga taong nasa tabi lang
ngunit hindi natin pinahahalagahan.
Taong labis na nagmamahal ngunit patuloy nating sinasaktan.
Bakit nga ba napakadali para sa iyo ang lumayo?
At iwanan ako na parang wala tayong pinagsamahan.
Bakit pilit mong kinakalimutan ang masaya nating nakaraan,
kahit alam kong labis kang nahihirapan.
Bakit hindi mo maamin na hanggang ngayon,
may puwang pa din ako sa puso mo.
Mayroon pa nga ba?
Bakit ka lumayo nang hindi ka man lamang nagpapaalam.
Ganun pala ako kadaling makalimutan.
Sayang ang mga araw at oras na ibinigay ko sa iyo.
Sayang ang tiwala at pagaalala na iniukol ko.
Bakit hindi mo kayang tanggapin
kung ano lang ang kaya kong ibigay sa iyo.
Salamat na din sa pagmamahal mo,
Lagi kang may bahagi sa isang sulok ng puso ko.
Marami mang kaibigang dumaan sa buhay mo,
Sana’y may puwang lagi ako
Tuluyan man tayong magkalayo,
Gusto ko lang malaman mo,
Minahal kita sa paraang alam ko.
Salamat at paalam Dear…