Explaination

73 13 4
                                    

Alas otso ng gabi

"Shena paano na ito?" sabi ni Robert na bakas sa kanyang mga mata ang pag alala.

"Wag kang mag alala Robert. Aalagaan din siya ni Mama. Hindi siya pababayaan ni Mama" kahit sinabi ito ni Shena ay di maipagkakaila na nag aalala din ito sa kanyang anak.

Narinig nilang may kumakatok sa pintuan ng kanilang silid. "Mama Papa, matutulog na po ako." lumapit si Freya sa kanyang mga magulang at hinalikan ito sa pisngi. Napansin ni Freya na parang hinihigpitan ng papa niya ang pagyakap nito sa kanya. Na para bang nagpapa alam ito. "Papa di na po ako makahinga..." biglang nakalas ang pagyayakapan nilang dalawa at nakita ni Freya na may muntik luha sa mata ng kanyang ama. " Papa may problema po ba? Papa wag ka na po umiyak. " sabi ni Freya.

"Anak hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako." pinunas ng kanyang ama ang munting luha.

"Basta ang lagi mong tandaan mahal na mahal ka namin."

"Mahal ko din po kayong dalawa ni mama... at syempre po kasama si Lola at si France" pagkatapos nilang magusap ay lumabas na si Freya sa silid ng kanyang mga magulang at pumunta sa sariling silid.

Napansin nitong may nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Ngumiti si Freya at niyakap ang taong nakaupo sa kanyang kama. "Hoho nandito na pala ang apo kong mabait. Ano nakapagpaalam kana ba sa iyong mga magulang?" sandaling napatigil si Freya sa tanong ng lola nito. Hindi niya ito naintindihan.

"Opo... tsaka napansin kong naluha si papa at niyakap ako ng mahigpit. Bakit kaya?" nalungkot ang matanda sa sinabi ng kanyang apo. Alam niyang malulungkot ang kanyang anak dahil ito ang kaunaunahang kukunin niya ang kanyang apo. Hindi na niya alam kong makakabalik pa ito. Pero sisiguraduhin niyang makakabalik ang apo niya.

"Wag kang magalala apo. Ibabalik din kita pag natapos na ang lahat."

"Lola diba po kukwentuhan niyo ako ng Kwento mo? bakit po parang iba ang gagawin natin?" napansin ni Freya na hindi kumibo ang kanyang lola.

"Lola?"

"Apo mayroon kang kailangan malaman. Bawat babae sa ating pamilya ay may kailangang gawin na misyon. May mga alam kang mga  Kwentong pangbata na nakwento ko na sa iyo. At ang mga kwentong iyon ay may mga nakatagong sekreto na hindi pa alam ng lahat ng tao. Alam mo ba ang time travelling?" kahit di makapaniwala si Freya ay tumango ito.

"Parang time travel lang ang ating gagawin. Ang ikaw ngayon ay isa taong nabubuhay pero pag nakapasok kana sa kwento ay magiging isa kana sa mga tauhan. Pero.... hindi bilang Freya.... kundi ibang tao. Ikaw ay makakapasok sa katawang ng isa sa mga tauhan sa kwento at malalaman mo ang kabuoan ng kwento. Hindi ko alam kung kaninong katawan pero ikaw ang tutulong o tatama sa mga mali sa kwento" nagulat si Freya sa pinagsasabi ng Lola nito.

"Ano bang pinagsasabi ni Lola? Time travel, tauhan at kwento? ano bang nangyayari?" tanong ni Freya sa sarili nito

"Lola ano ba pinagsasabi niyo?" tumawa ito at umupo sa kama

"Anak sumama ka na sa Lola mo" biglang sabi ng Papa ni Freya. Lumingon si Freya sa papa nito.

"Ma please protect Freya... pakiusap" sabi ni Robert na malungkot. Kahit hindi siya payag ay wala na siyang magawa. Kung hindi sasama si Freya ay magiging katulad siya ng Lola nito.

"Papa what's happening? I dont understand... ano ba ang mga pinagsasabi niyo?"

"Ano ba sinabi ng lola mo?" tanong ni Shena kay Freya

"Yung about sa kwento, time travel at tauhan."

"Sumama kana anak... wag kang mag alala. your Lola will protect you." sabi ni Shena.

"Pero-"

"no buts Freya. Sumama kana habang may oras pa. Dali!" sigaw ni papa at tumalikod ito. Nakaramdam ng kirot si Freya sa inasta ng kanyang ama.

"Freya wag mong pansinin ang ama mo. Nag aalala lang iyon sayo. Alam mo ba naging ganyan din ang tita Lexi mo noon. Isang Time traveler. Nakaya nga ng tita mo eh ikaw pa na anak ko at kadugo ni Lexi... Just be careful lang ha." sabi ng kanyang ina.

"Ok po sasama na po ako pero paki sabi kay Papa ba Mahal ko po kayo" pagkasabi noon ay naglalaho na si Freya.

Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon