Kingdom

62 13 6
                                    

ADALYNA KINGDOM

Napakaganda araw ngayon. Ang tatlong fairies ay abala sa pag aasikaso sa Kastilyo at sa mga inbetasyon. Ang hari naman ay abala sa pagsuri sa mga gamit at makakain ng mga beseta. Ang reyna naman ay abala sa kanyang makulit na anak. Ilang minuto na lang ay sisimulan na ang pag anunsyo sa bagong Prinsesa ng Adalyna.

Ngunit sa isang sulok ng kaharian ay may isang babaeng nagagalit at nagseselos dahil hindi siya nabigyan ng inbetasyon para sa kaarawan ng Prinsesa. Siya si Maleficent ang 
"Mistress of All Evil".

Napakasaya ng mga tao maraming dumating sa Kaharian ng Adalyna. Nagsidatingan ang mga tao sa iba't ibang ibayo ng mundo.

"Maraming salamat sa inyong lahat at pinaunlakan ninyo ang aking inbetasyon. Ngayong araw na ito ay ang kaarawan ng aking munting prinsesa na si Aurora at ikinagagalak kong ipakilala ang aking prinsesa. Prinsesa Aurora!" pagpapakilala ng hari sa kanyang anak. Lumakad ang reyna patungo sa hari na dala ang munting prinsesa. Nagsepalakpakan ang mga tao at nagbunyi sa kaarawang ng prinsesa.

Pagkatapos ng pagsasayawan ay kinuha ng mga beseta ang kanilang regalo sa munting prinsesa. Lahat ng nagsidalo ay nagbigay ng kani kanilang regalo sa hari at reyna. Pagkatapos nilang lahat ay ang tatlong fairies ang gagawad ng kanilang regalo.

"Mahal na hari at mahal na reyna. Kami narito ngayon upang bigyan ng regalo ang munting prinsesa. Walang kulang at walang labis." Sabi ni Flora. Lumapit ito sa crib ng prinsesa.

"Mahal kong munting prinsesa. Ang aking regalo ay kagandahang loob. Ikaw ay lalaking maganda at mabait." at niwagayway nito ang kanyang wand at itinuro ito kay Aurora

"Ako naman, ang regalo ko sa iyo ay kagandahan ng boses. Lalaki kang napakaganda ng boses. " sabi ni Fauna

At ang huli ay si Merryweather...

"Munting prinsesa ang akin ay-" hindi nakatapos ng pagsasalita si Merryweather ng bumukas ang pintuan ng kaharian at pumasok ang napakalakas na hangin at napakalas na kulug. Nagulat ang lahat ng tao sa loob at biglang may lumabas na apoy na kulay berde at lumabas doon ang "Mistress of All evil" na si Maleficent.

"Maleficent?!" sabay sabi ng tatlong Good fairy

"Ano ang kailangan mo dito?" galit na sabi ni Merryweather

"shhh..." saway sa kanya ni Flora

"Hmm... napakagandang pagbati na galing sa iyo Merryweather" sarkastikong sabi ni Malefecint. Tumongo ito sa hari at reyna at nagbigay ng pagbati. Kitang kita sa mukha ng hari ang galit at takot. Galit dahil hindi nito binigyan ng respeto ang kaarawan ng anak ng hari at Takot dahil baka kung ano pa ang gawin nito.

"Nandito ako dahil mayroon din akong ibibigay na regalo sa munting prinsesa." sabi ni Malefecint

"Mahal kong hari at reyna ako ay nalulugod at nakaharap ko kayong muli." sabi nito na nakatingin sa hari.

"Ako ay narito upang bigyan ng regalo ang inyong anak... Ang regalo ko sa kanya ay mabubuhay siya ng matiwasay at malusog..." tumalikod ito at dahan dahan na lumakad papunta sa malaking pintuan. Nakangiting nagtinginan ang tatlong good fairies dahil akala nila ay gagawa ng masama si Malefecint ngunit hindi pala tapos ang sinabi nito.

"Pag-abot niya ng ika 16 taon ay  matutusok siya sa isang karayom at ito'y magiging dahilan upang siya ay makatulog habang-buhay.... at lahat ng tao dito sa kaharian ay makakatulog kasama niya haha" tawa ng tawa si Malefecint. At bigla na siyang naglaho.

Lahat ng tao sa palasyo ay nangamba at natakot sa sinabi ni Malefecint. Kahit ang reyna ay natakot at nawalan ng malay. Ang hari naman ay galit na galit at inutusan ang mga kawal na kunin lahat ang may mga matutulis na bagay kasama na doon ang mga gamit panahi.

"Malefecint! Kahit bata ay ginawaran ng sumpa!" sabi ni Merryweather na galit na galit

Nalulungkot ang Reyna sa isinumpa ni Malefecint kay Prinsesa Aurora. "Walang kinalaman ang bata sa nangyari, ngunit ito'y isinama niya sa kanyang paghihigante" sabi ng reyna na umiiyak. Nalungkot ang tatlong fairies ngunit nakaisip ng paraan si Flora.

"Merryweather! hindi ka pa nakakabigay ng regalo sa munting prensisa." ngumiti ang mga ito ngunit nawala din ito dahil hindi nila pwede ipawalang bisa ang sumpa ng ganun ganun na lang. Ngunit nakaisip si Merryweather ng magandang solusyon.

"Ang aking ibibigay na regalo sa munting prinsesa ay ang halik ng pagmamahal. Gigising lang si Prinsesa Aurora pag may humalik sa kanya. At ang taong ito ay dapat may nararamdaman na pagmamahal sa munting Prensesa." Ito'y iginawad ni Merryweather kay Prinsesa Aurora.

Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon