Freya's POV
"Hmmm...." nararamdaman kung may tumatapik sa mukha ko.
"Lola naman mamaya na" tumagilid ako ng bigla kong naramdamang basa ito. Dumilat ako at laking gulat ko ng nakita kung nasa gubat ako at wala akong kasama. Ang nandito ay isang pusang puti. Hala! nasaan si Lola?!"LOLA!?" sigaw ko
"Lola!?" naiiyak na ako ng biglang dumikit sa akin ang puting pusa at tinitigan ako. Napansin ko din na may tatak ito sa noo na katulad ng kay Lola. Natutup ko ang aking bibig. "Si LOLA ay naging pusa?!"
"Lola i-... ikaw ba yan?" tumango ang pusa.
"Paano at bakit?" tanong ko. Lumakad si Lola at parang pinapasunod ako nito sa may tubig. Tumingin ako dito at napansin kong may batang lalaki nakatingin sa tubig din. "wait! it's me!? what the?!" hinawakan ko ang mukha ko. Isang batang lalaki na kaedad ko!? Napasok ako sa batang lalaki! Ngunit sino ang batang ito? At parang isang computer na nasave sa utak ko ang mga memorya ng bata. " Ah isa siya sa anak ng hardenero ng kaharian. " sabi ko sa sarili ko. "Pero bakit siya nasa labas?" tumingin ako sa paligid ngunit walang tao. Ngunit may nakita akong napakalaking kaharian na punong-puno ng puno. "Lola dyan ba tayo pupunta?" tumango si lola ibig sabihin "oo" kaya wala na akong sinayang na pagkakataon at lumakad na kami patungo doon.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019
Historia CortaFAIRYTALE UNTOLD STORIES BOOK 1 A time travel story with a twist. Freya the daughter of a well known scientist named Mr. and Mrs Stewart, had to face the family tradition of thier family. When a girl in the family finished hearing all the story, th...