Kaharian ng Adalyna

41 14 7
                                    


Freya's POV

"Lola teka lang,hoo" hinahangos na ako dahil sa pagod. Napakalaking palsyo ang pinasokan namin. Sa pinakataas pa ng palasyo nilagay ang katawan ni Prinsesa Aurora. "Lola papahingahin mo muna ako" umupo na ako. Ngunit may narinig kaming patakbong bumababa. Kaya dali dali akong nagtago. At sinulyapan kung sino ito. At napansin kong nakasuot siya ng pangroyal na damit at may dala siyang eapada. Gwapo ito at medyo kaidaran ni Kuya Jefrey. Si Kuya Jefrey ay kapatid ni mama at ito ang bunso. 24 ang edad nito. Nang masiguro kong umalis na ito ay tinungo ko na ang silid ni Prinsesa Aurora. Pag bukas ko ay nakita ko na kaagad ang kagaraan ng Kwarto niya. Napakaganda at napakalinis, ang daming mamahaling bagay na nandito. Sa paghanga ko sa mga gamit ay napansin kong may tao sa kama na may kurtina. Baka si Prinsesa Aurora iyon.  At hindi ako nagkamali, ito ay si Aurora. Napakaganda niya at napakaputi. Hindi ko maisip kung bakit ginawa iyon ni Malefecint. Napansin kong ang gulo ng kama niya. At ang mas magulo ay sa bandang baba ng paa niya.

"Akala ko ba eh tulog ito bakit ang gulo ng kama nito." sabi ko

Inayos ko ito at tumayo. Tumingin tingin ako sa iba't ibang silid ng palasyo at nakikita ko ang mga tao na tulog na tulog.

Nagpahinga muna ako. Pagkagat ng gabi doon ako nahiga sa sofa ng kwarto ng Prinsesa. Malapit lang sa kama ang sofa kaya nababantayan ko siya. Inaantok na ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang lalaki kaninang umaga. Nagtulog tulogan ako para di niya mahalata. Nagulat siya ng makita ako na nakahiga sa sofa. Kasi naman wala ako dito kanina. Pinapagising niya ako at ako naman ay nagpapanggap na tulog. Nang masiguro niyang tulog ako ay pumasok siya sa kama ni Aurora. Di ko alam ang nangyayari sa loob kasi madilim at anino lang ang nakikita ko. At ang boses ng lalaki na para bang may sumasakit sa kanya. Ano kaya nangyayari? Gusto kong sumilip ngunit nandoon si Lola at nakaharang. Patuloy pa rin ang lalaki sa pagungol. At pagkatapos ay lumabas siya. "Lola ano pala ginagawa ng lalaking iyon kay Prinsesa Aurora?" Ah oo nga pala di makapagsalita si Lola kasi pusa siya.

Pinuntahan ko si Prinsesa at laking gulat ko ng magulo nanaman ang kanyang damit pang ibaba. At ang mas ikinagulat ko ay naklihis pataas ang palda nito. May ginagawang kapangahasan ang lalaking iyon.

Ito ba ang sinasabi ni lola? Nabuntis si Prinsesa Aurora dahil ginagahasa ito ng lalaking iyon? Makakaganti din ako sa iyo bukas.

Ang ginawa ko ay nilock ko ang pintuan ng silid ni Prinsesa naghanap ako ng paraan upang mabuksan ito uli kung papasok ako. At pag di mabuksan ng lalaki ay tatakutin ko ito.

Pero bigo ako. May ginawa nanaman ang lalaki kay Aurora ngunit sa oras na ito ay sinundan ko siya at nakita kung isa pala siyang prinsepe at ang pinaka masama pa ay may magiging asawa na ito. Siya si Prinsepe Philip at itinakda siyang ipakasal kay Prensesa Kayla. Ilang buwan na lang ay maikakasal na ang dalawa. Nakakainis! Bumalik ako sa kaharian at napansin kong nakabukas ang pintuan ng silid ni Prinsesa Aurora. Nakita kong may mga tao doon. Nagtago ako at nakinig sa usapan nila.

"Kawawang prinsesa, ginawa naman natin lahat ngunit di pa rin natin siya naiwas sa kapahamakan dulot ng sumpa."

"Wag kang mag alala mayroon ding taong lalapit dito at mamahalin siya ng tunay."

sabay sabay silang nawala at naiwan akong nakatunganga. Iyon ang mga tatlong mababait na fairy.

Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon