Ika-9 na buwan

38 11 2
                                    


Lumalaki na ang tyan ni Prinsesa Aurora.  Sa ilang oras na lang o araw ay lalabas na ang kanyang anak. Lumapit ako kay Aurora at napansin kong namamasa ang bandang ibaba niya.

"Lola! Manganganak na ata siya!" Pumasok si Lola at ginalaw ang bell na iniwan ng mga mababait na fairy.
Nang mga oras na iyon ay nagsidatingan ang tatlo at tiningnan nila ang Prinsesa. Inabot ng ilang oras ang panganganak dahil dalawa pala ang anak ni Aurora. Isang lalaki at isang babae. Kambal ang anak ni Prinsesa Aurora.

"Fred bantayan mo muna ang mga batang yan ng ilang buwan. Magbibigay kami araw araw ng makakain niyo. May kailangan lang kaming gawin." sabi ni Flora.

Nang araw na bisitahin nila si Prinsesa Aurora ay bumalik sila at laking gulat nila ng makita nila ako. Bakit daw ako nandito? Yan ang unang tanongg nila sa akin. Ang sinagot ko sa kanila ay binabantayan ang prinsesa. Sinabi ko din sa kanila ang nangyari at nagulat sila. Hindi nila sukat akalain na pagsasamantalahan siya ng prinsepe ng ibayong lugar. Ang ipinakalat lang na anunsyo noon ay kung sino ang umiibig sa kanyang anak ay pumunta sa kastilyo.

Pero sa ngayon ay gagawin ko muna ang bilin sa akin ng mga fairy. At baka pagalitan nila ako.

Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon