Awakening

39 10 4
                                    

Makalipas ang 2 buwan

Lumalaki na din ang mga bata. Parati ko silang nilalagay sa tabi ni Aurora para maramdaman ni Aurora na may mga anak ito at kailangan nila ng ina.

"Lola wait lang po maiihi muna ako." sabi ko dito at nahiga ulit si lola sa sofa.

Pagkatapos kung gumamit ng palikuran ay bumalik na ako. Nakita kong hinahalikan ng kanyang lalaking anak ang kanyang ina sa pisngi ang isa naman ay nilalaruan ang kamay ng kanyang ina.

Pinagkukuha ko sila at ibinaba.

"Ang kukulit niyong mga bata kayo." tumatawa kong sabi at napansin kong si Lola nanaman ang pinaglalaruan nila.

Tumingin ako kay Aurora at napansin kong lumilikha ng galaw ang pilik mata nito. "LOLA!" tawag ko kay Lola.

"Lola gigising na ata si Aurora! Dali tawagan niyo ang mga fairy!"  Pagkatapos ko iyong sabihin ay nakita kong dumidilat si Aurora.

Napansin ko ding nawawala ang mga nakatakip na mga dahon dahon sa bintana at ang mga matatas na puno ay nawawala na rin.

"Si-Sino ka?" sabi ni Aurora

"Si-sino ang mga batang iyan?" tanong ulit ni Aurora

"Mahabaging langit! Prinsesa... maligayang pagbabalik!" maluha luhang sabi ni Flora.

"Fairy Flora, Fairy Fiona at Fairy Merryweather... sino ang mga batang ito?" turo niya sa dalawa. Nagulat silang tatlo.
"Hindi mo ba natatandaan? Sila ay iyong mga anak. Nabuntis ka habang tulog ka." sabi ko. "ay oo nga pala tulog ito" napakamot ako ng ulo

"Paano?" nakunot noong tanong niya sa akin. Tiningnan ko si Fairy Flora upang humingi ng tulong.

"Magusap tayo mamaya. Pero unang una kailangan nating harapin ang hari at reyna. Gumising kana kaya gising na ata ang mga tao dito... Paano nga ba siya nagising Fred?" tanong sa akin ni Flora

"Hindi ko alam, gumamit lang ako ng palikuran pagbalik ko nakita ko na ang mga bata pinaglalaruan ang kanilang ina." at doon ko narealize na baka ang kambal ang nakapagsagip sa kanilang ina. Tumingin kami lahat sa kambal. Sinabi namin lahat kay Aurora kung ano ang nangyayari sa kanya noong tulog ito.

"AURORA!" sigaw ng Mahal na Hari ng makapunta sa silid ni Aurora.

"Anak... buti ligtas ka na.." Pagsabi noon ay tinitigan niya ang kambal na kasama ng kanyang anak

"Anak sino ang mga batang ito?" tanong niya

"Ama mga anak ko po.." nanlaki ang mga mata ng Hari

"Paano ka nabuntis at sinong pangahas na nagbuntis sayo!?" galit na saad ng kanyang ama. Napansin niyang iiyak na ang isa sa kambal kaya minabuti niyang kumalma.

"Magbabayad ang sino mang taong nangahas na gahasain ka habang ika'y nasa ganoong kondisyon!" lumabas ito atmay iniutos sa mga kawal.

"Amang Hari! Pakiusap ako na lang ang kakausap sa taong iyon. Alam ko po kung sino siya ama. Pakiusap ..." pagmamakaawa ni Aurora sa ama.

"Ayaw mo na bang alalayan kita Prinsesa?" sabi ko

"Wag na Fred. Baka masaktan pa kita. Ang laki ko kaya... di mo ata ako kayang buhatin  at isa pa isa kapang  bata." Ngayong araw na ito ay balak puntahan ni Aurora ang lugar kung saan nakatira ang ama ng kaniyang mga anak. Kilala nito si Philip dahil magkababata sila noong ipinalayo siya ng ama niya sa mga matutulis na bagay sa palasyo.

Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon