Prince POV
"Pakiusap Philip, wag mong gawin ito!... hindi ba ipinangako mong hindi mo ako hihiwalayan? pakiusap!" pagmamakaawa ni Princess Kyla kay Prince Philip.
"Paano kita hindi hihiwalayin,hindi mo ako mabigyan ng anak. At hindi masusundan ng bagong henersyon ang kaharian. Kailangan ko ng tagapagmana Kyla at hindi mo iyon maibigay!" galit na sabi ni Philip. Galit ito sa Prinsesa hindi dahil sa hindi ito mabuntis ngunit ito ay nakita niyang nakikipagtalik sa kanyang kaibigan na si Prinsipe Wallas.
"Umuwi ka na sa inyo!" at walang pasabi sabi ay umalis na si Kyla. Mag isang taon na sila pero hindi pa rin siya mabigyan ni Kyla ng anak at tagapagmana. "Ito ba ang sumpa na iginawad sa akin dahil sa panggagahasa ko sa aking kaibigan?" tanong niya sa sarili.
"Mahal na Prinsepe may taong naghahanap sa inyo. Ito'y isang babae at sinasabi niyang siya daw si Prinsesa Aurora ng kaharian ng Adalyna." nanlaki ang aking mga mata. Kinabahan at natakot ako sa mga sinabi ng kawal. Paano? bakit? nalaman ba niya? Kailangan ko na siyang harapin at humingi ng tawad sa ginawa kong kapangahasan sa kanya.

BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty#PrimoAward2018#SunflowerAward2k18#PHtimeAward2019
Short StoryFAIRYTALE UNTOLD STORIES BOOK 1 A time travel story with a twist. Freya the daughter of a well known scientist named Mr. and Mrs Stewart, had to face the family tradition of thier family. When a girl in the family finished hearing all the story, th...