Natasha's POV
"O, buraot! Bumili ka dun sa canteen kung gusto mo." nakasimangot na tinalikuran ni Mutya si Ken matapos nya itong bigyan ng isang pirasong piattos na kinakain nya,
"Ken, wag ka ngang mang-anay dyan. Alam mo nang nangangagat tong si Mutya pag gutom." sabi ni Lino, napatawa naman kami. Sinamaan sya ni Mutya ng tingin.
"Ano kamo?" sabi ni Mutya,
"Wala. Samahan mo ko sa canteen sabi ko." sabi ni Lino,
"Malaki ka na Lino, hindi ka na maliligaw." sabi ni Mutya at inirapan si Lino,
"Sige na. Libre kita." sabi ni Lino tapos inakbayan na si Mutya at sapilitan itong pinatayo mula sa pagkaka-indian sit nito sa damuhan
Nagkatinginan kami ni Sarang. Yung lam-na-dis look.
"May kaylangang ipaliwanag ang babaitang yun." pabulong na sabi ko kay Sarang,
"Tama." tumatangong sabi ni Sarang,
First week na ng December ngayon. Ang bilis ng takbo ng oras. Ilang buwan na lang matatapos na sa High School si Oyang, and I do know na nalalapit na din ang katapusan ng lahat. Just thinking about it scares me. Marami nang nangyari. Lalo kaming napalapit ni Oyang sa isa't-isa. Lalong nagiging mahirap para sakin ang tanggapin na pansamantala lang ang lahat. Masasabi kong masaya. Masaya ang ganitong buhay. And I've never felt this happy and free before.
Dahil ayaw kong patigilin ako ni dad sa mission ko, ipinapakita ko sa kanya na nagpapatuloy pa rin ako so I still keep on sending him my reports.
Minsan nakakatanggap ako ng voicemail mula kay dad. Full on yelling at me. Kung bakit daw napakatagal ng progress.
And I'm just like, you know what, I don't give a fvck. I just ignore his messages.
Napatingin ako sa kararating lang na si Oyang na umupo sa tabi ko.
"O, kumain ka na?" tanong ko kay Oyang galing kasi sya sa SSG office, umiling sya bilang sagot, tapos hinawakan nya yung wrist ko at kumagat dun sa sandwich na kinakain ko. Pinanlakihan ko lang sya ng mata. Tapos sya naman ngumisi lang sakin.
"So, ano? Hindi nyo man lang kami ini-inform kung ano na ang mga status nyo?" sabi ni Nando,
"Oo nga, mga madadaya kayo." panggagatong ni Ken,
"Hindi pa kasi." sabi ni Oyang,
Shit. Bumilis na naman kaagad yung tibok ng puso ko. Hindi pa. Omg. Hindi PA.
"Sus, dun na rin ang punta nun." aba at nakisali na din si Sarang, sabay-sabay sila nina Nando at Ken na nagsabi ng "yiee"
Aish. Kainis tong mga to.
"Anong kaguluhan to? Pasali ako." sabi ng kararating lang na si Mutya, may bitbit na softdrinks na nakalagay sa plastic.
"Wala." sabi nina Sarang, Ken at Nando.
Inirapan naman sila ni Mutya.
"Tara sa kabilang baryo, fiesta dun ngayon." sabi ni Mutya habang taas-baba ang kilay,
"Tara! Pagkatapos ng school?" sabi ni Sarang,
"Ngayon na mismo." sabi ni Lino kaya binalingan namin sya ng tingin,
"Tama. Over the bakod tayo." excited na sabi ni Nando,
"Game ako dyan!" sabi ni Ken,
"Kayo na lang." sabi ni Mutya,
"Ano, Tasyang?" tanong ni Sarang,
"Ah-eh, kayong bahala." sabi ko lang,
"Ano ba kayo? Ang hihina nyo naman. Hindi kumpleto ang high school life kung hindi nakapag-over the bakod." sabi ni Nando, hari ng kalokohan talaga.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Novela JuvenilTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...