Her POV

3 1 0
                                    

xx.

Tahimik akong nakaupo at nagababasa ng libro dito sa paborito kong coffee shop. Halos araw -araw ata nandito ako. Prenteng nakaupo sabay basa ng paborito ko ring libro.

Gustong-gusto ko ang ambiance dito sa coffee shop na ito. Bukod sa tahimik ang ganda pa ng mga nakikita mo. Antique coffee shop.

Humigop ako ng kape, tsaka tumingin sa labas. Dahil salamin ito, agad kong nakita ang kotse niyang kakadarating pa lang.

What took you so long?

Marahan akong umiling tsaka basa ulit sa libro ko. Oh well I can sense that this will be the last chapter that I'll be reading for this day. Because in 5 seconds may kukuha nito mula sa kamay ko at---- see I'm so good at predicting. speaking of the devil.

Sinipat pa niya ang librong hawak ko kanina, tsaka ngumisi sa akin. Umupo na siya sa may unahan ko sabay simsim din ng kape ko. Lahat ba aagawin niya?

Napitik ko ng wala sa oras ang noo niya. Tss

"Nate, that's my coffee! mayaman ka, you buy your own coffee. gosh!" Inagaw ko ulit ang kape kong hawak niya na baso na lang pala ang natira. Wth naubos agad?

Tingnan ko siya ng masama. Ngumiti lang to ng malawak sa akin.

"Oh! my bad." Sabi niya nang mapansin niyang nainis ako sakanya.

"You know Claire? I can always buy you a coffee. Hindi mo na kailangan pang tignan ako ng ganyang kasama. Look, the sun is smiling. Can't you do the same sunshine?" Umikot lang ang mata ko sakanya.

"Argh. You and your silly words." Inagaw ko na rin ang libro ko. Tumawa lang siya ng mahina.

"Tell me, Is it your red days? or----"

"What the hell Nathan!" Napalakas ang boses ko, dahilan kung bakit napatingin sa akin ang iilang tao na nasa loob ng coffee shop na ito.

"What?" Maang maangan niya, nagpipigil din ng tawa ang gago.

"Saan mo natutunan ang red days na yan?! jusko." mahinag asik ko.

"I just heard somewhere." Sumandal na siya sa upuan niya at tumingin na sa akin ng deretso.  Kinabahan ako bigla. Muntik ko ng makalimutan kung bakit nandito kami ngayong dalawa.

Namiss ko 'to. Yung asaran naming dalawa. Umiwas na ako ng tingin. This is not good.

"So why did you call me?" Natahimik ako bigla sa tanong niya. Biglang umurong ang dila ko. Gosh Claire get yourself back together!

"I missed you, sunshine." Mahinang sabi niya nang hindi ako magsalita.Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihirapan na akong huminga ng normal. Kinakapos ako. Dapat handa na ako sa ganito. Handa na ako, pero bakit ganito parin ang reaksyon ko?

'I missed you too.' Gustong-gusto kong sabihin ito sakanya pero hindi maari. Nanatili akong tahimik at ganoon din siya. Pinakikiramdaman pa namin ang isa't-isa, Di ko alam kung saan magsisimula. Halos tatlong buwan ko na ring pinutol ang komunikasyon naming dalawa. Kahit masakit ginawa ko pa rin.

*Flashback*

"Happy Birthday Sunshine!" He kissed my forehead after greeting me. I fake a smile. I'm not happy Nathan.

Yes It's my birthday. Pero hindi ko magawang magsaya. weird right?

"Thank you." Mahinang sagot ko sakanya. Bahagyang kumunot ang noo niya kaya napilitan akong ngumiti para hindi siya magtaka. muna.

Naghanda siya ng dinner sa aming dalawa. Romantic dinner for the both of us. Candle lights and love songs were embracing the place. Kung sana wala ako sa 'sitwasyong' ito, nagtatatalon na ako sa saya but I can't.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My AlmostWhere stories live. Discover now