💍Trouble 5: Pagdating💍

961 57 19
                                    

Hating Bakla
(SHERIDAN)
by imrodsy23





~~~

SORRY seems to be the hardest word, 'ika nga. At hindi niya matiyak kung paano iyon sisimulan o kung paano lalapit kay Calvin gayong hindi na sila halos nagkakasalubong; sa classroom man, sa daan o sa flag ceremony. Palagi na ay malayo ang distansya nito mula sa kanya na para bang isa siyang pagkakamali oras na lapitan.

At kung magkakasalubong man ang kanilang paningin ay ito ang unang umiiwas. Ang nakakabahala pa'y matabang ang tingin nito sa kanya.

Tama nga yata si Justine, dahil sa pagpiga niya sa balls ni Calvin, pihadong 'di na siya papansinin ng binatilyo. Nakadama siya ng panlulumo. Akala pa naman niya, magiging friends na sila ni Calvin.

Wala na nga yata siyang magagawa pa, lalo pa't mas naging madalas nitong kasama si Edcelle. Kung hindi naman ay ang anak ng dalawa na nasa eleven months na ang gulang.

"Hahayaan mo na lang talaga si Fafa Calvin sa babaeng 'yan? Teh, malapit na ang graduation, kumilos ka na." Si Dorothy na suklay nang suklay sa tabi niya sa loob ng kiosk.

Sa kabilang kiosk ay naroon at magkatipan sila Calvin at Edcelle. Nakahilig si Edcelle sa dibdib ni Calvin at may kung anong kinukuwento na nagpapangiti naman sa huli. Kaya naman gaya ng dati, nadarama niya ang pamilyar na kirot sa dibdib niya dulot ng mga ganoong tagpo.

Hindi ako nagseselos! Hindi ako naiinggit! Iyon ang kakatwang patuloy na giit niya sa sarili.

Yumuko siya at nalulumbay na tumitig sa nakabulatlat na aklat. Titig na lampas-lampasan. "Wala naman akong karapatang gawin iyon, Rothy." Wala sa loob na sagot niya. Ang tono niya'y kasintabang ng utak niyang nawawalan ng ganang magbasa ng aralin sa aklat. "Kita mo naman, ' di ba?
M-Mahal na mahal niya si Edcelle at natitiyak kong alam na rin niya ang totoo. Baka tanggap niya iyon at inuunawa dahil mahal nga niya si Edcelle at ang.... anak nila."

"Anak lang nga ni Edcelle ang batang iyon, ang kulit mo bakla!" Bulalas ni Dorothy sa pigil na tono. Kontroladong binatukan ang kaibigan.

Umayos ng upo si Shersher, isinara ang libro at sa nababagot na tono ay madiing sinabi: "Kalabisan ang manghimasok sa buhay ng iba, Rothy."

Umismid ang dalagita. Kumalkal sa shoulder bag at doon ay kinuha ang lipstick. "Pero mahal mo 'yang tinatawag mong 'iba', hypocrite!" Pagkuwan ay walang pakundangang sabi.

"Dorothy!" Si Shersher sa pagsasalubong ng mga kilay at pagkabigla.

"At hindi ako naniniwalang magpapakatanga si Calvin sa pokpok na Edcelle na 'yan kung alam niya ang totoo!" Matigas na suposisyon ng dalagita bago de-numerong nagpahid ng lipstick sa sopistikadang mga labi. Ni hindi pinansin ang papadilim na mukha ni Shersher. "Kung ayaw mo namang kumilos, puwes ako magsasabi kay Calvin na hindi niya anak---"

"Hindi mo 'yan gagawin." Matigas na agap ni Shersher. Tinaliman niya ng tingin ang kaibigan. Pero sa nakikita niyang determinasyon sa mga mata nito ay nadarama niya ang pangamba at pag-aalala para kay Calvin.

Paano kung hindi nito matanggap ang totoo? Ano na lang ang gagawin nito? Ah, hindi niya yata kayang isipin na labis na masasaktan si Calvin kapag sumambulat ang panlilinlang dito ni Edcelle.

"Gagawin ko, saint bitch!" Giit ni Dorothy na may kasamang pagtuya. "At hindi tulad mo ang makakapigil sa akin. You are nothing but useless faggot!" Buong-anghang at pakahulugan na lumabas sa bibig ng dalagita. Taas-kilay at lumalabas ang tunay na kulay ng budhi sa ngising-aso nito.

Kumuyom ang kamao ni Shersher. Nagdidilim ang paningin niya sa plastikadong kaibigan. Napakawalang modo! Noon pa man ay dama na niya ang matabang na ngiti at pakikitungo nito sa kanya. Subalit nagtimpi siyang huwag itong patulan sa pisikal na pananakit. Dahil kilala niya ang sarili niya bilang mabagsik kapag nagagalit. Siguradong hindi makakapiyok si Dorothy kapag nangyari iyon.

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon