9

4.6K 53 0
                                    

"Girlfriend?" ngumiti lang ito at tumango.

"P-pero bakit?" natataranta ako.

Hindi ko alam kung paano maging girlfriend. Kahit kailan kasi ay hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo. 'Tsaka malaking tao si Dave at artista pa. Paniguradong maraming magagalit kapag nalaman nila na may nobya na ito kahit na sabihing alam kong bakla nga sya.

Kakaiba din ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko maikakaila na natutuwa ako.

"Hmm." tango tango nito habang pinipisil ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.

"Kailangan kasi ay maipakilala ako kila Mom and Dad. They want to meet my girl dahil wala pa akong naipakikilala sa kanila. Ayoko namang pagdudahan nila ako kaya gusto ko sanang magpatulong sayo." ngumuso ito at tinitigan ako.

Kahit ano atang gawin nya sa mukha nya ay iisang depinisyon lang ang maibibigay sa kanya, gwapo.

Gusto ko man tulungan sya ay hindi ko alam. Wala akong alam dito sa Maynila. Gwapo sya, wala lang ako. Mayaman sya, mahirap ako.

"H-hindi ko alam." natataranta kong sabi sa kanya. Natawa naman ito at tinignan ako.

"Wala ka namang gagawin kundi go with the flow. I will take care of everything. Ako ang bahala."

Ang lakas ng tambol ng dibdib at uminit ang pisngi ko. Hindi ko ito inaasahan.

"Paano ang image mo sa mga fans mo? Paano kapag nalaman nila? Panigurado ay magagalit sila sa akin."

Totoo naman diba? Sa ganitong industriya ay kapag ang iniidolo nila ay may nobyo nila ay magagalit sila dahil hindi na ito single. Na ang inaasahan nila ay habambuhay itong walang nobya para sa kanila.

Kahit na natatakot ako sa magiging kalabasan ay hindi ko maikakaila na may tuwa akong nararamdaman. Aba! Napalaking oportunidad nito sa akin. Isang probinsyana ay nobyo ng isang higit na hinahangaan na artista dito sa Pilipinas. Kahit na pangpapanggap lamang ito.

"Ako na ang bahala sa kanila. Wala ka bang tiwala sa akin?"

Tinitigan ko sya. Kung sa tiwala sa pisikal na ayos ay wala. Masyadong gwapo ito na aakalain mong hindi gagawa ng masama ngunit sa awra nito ay makikitang marami na itong napaiyak na babae. Kung hindi ko nga alam ang tunay na estado ng pagkatao nya ay maloloko nya rin ako. At kanina lamang kami nagkakilala. Tama ba na pagkatiwalaan ko ito?

Sabagay ay magiging amo ko sya. At si Tita G mismo ang nagpakilala sa akin sa kanya. Hindi naman siguro ako ipapatrabaho sa kanya kung hindi ito katiwa tiwala.

"I-ikaw nalang ang bahala. Wala naman akong alam sa p-pakikipagrelasyon. 'Tsaka kung ito ang paraan na may maitutulong sayo ay sige, pumapayag ako." ngumiti ito ng malapad at agad na nilapitan ako para yakapin.

Nabigla man ako ay niyakap ko sya pabalik. Natutuwa akong masaya sya.

Bumalik na ito sa kinauupuan nya sa harap ko at sumenyas na sa waiter na idala na ang mga pagkain.

"Enjoy your meal, Sir and Ma'am." tumango lang ito at binalingan ako ng tingin.

Nagsimula na akong kumain. Bagamat naiilang ay tinuloy ko ang pagkain. Panay kasi ang sulyap nya sa akin at minsan ay tititigan ako. Nakakailang ang paraan nya ng pagtingin. Tila ay tinatantya kung ano ang reaksyon ko.

"Uh-m. May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya ng hindi ko na matiis. Tumawa naman ito kaya agad akong nagiwas ng tingin. Uminit ang pisngi ko. Pinagtatawanan nya ba ako?

"I find you really amazing, Laila. Natutuwa lang ako at pumayag ka sa alok ko."

Tumingin ako sa kanya. Masaya ako at masaya din sya.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon