THIRD PERSON'S POV.
NGAYUN na ang pasukan nila Kaitey at Kev masayang masaya si Kev dahil maipagpapatuloy na niya ang pag-aaral.
Doctor ang kinuhang course ni Kev, habang nurse naman ang kay Kaitey.
Kahit ayaw ni Kaitey na kunin ang kursong iyon ay wala siyang choice dahil kailangan niyang maging kaklase si Kev at pwede naman ata niyang mapag-aralan ang course na iyon. Tuwang tuwa rin ang Mommy at Daddy niya dahil napapayag din nila ang kanilang anak sa kursong gusto nilang kunin nito. Ang pagiging nurse.Lumibot libot si Kaitey sa malaki niyang salamin at pinagmamasdan ang sarili sa suot na uniform ng MSU.
Ang uniform ng babae ay white long sleeve at blue neck tie na pinarisan ng gray blazer habang sa pang ibaba naman ay gray skirt na above the knee at long white socks na hindi aabot sa tuhod at siyempre black shoes.
Nang ma satisfy si Kaitey sa suot niya, kinuha naman niya ang phone at nag selfie.
Habang si Kev naman ay inaayus ngayun ang blue na neck tie niya habang nakatingin rin sa salamin.
Ang unifurm ng mga lalaki sa MSU ay white long sleeve rin with blue necktie at gray blazer. Sa pang ibaba naman ay black pants at black shoes
Lumabas na nang kwarto niya si Kaitey. Sakto rin naman ang paglabas ni Kev kaya nagkatinginan sila. Hindi mapigilan ni Kaitey na purihin sa kanyang isipan kung gaano kagwapo si Kev sa itsura niya ngayon. Ganun rin naman si Kev na parang natulala pa kay Kaitey.
"Let's go?" Wika ni Kaitey ng mahimasmasan. Tumango nalang si Kev
At nagulat ng isinukbit ni Kaitey ang kamay nito sa kaliwang braso niya.
Parang naistatwa naman si Kev sa kinatatayuan kung hindi lang siya hinila ni Kaitey pababa ng hagdan.Pagkababa nila ay nadatnan nila ang Mommy at Daddy ni Kaitey sa sala.
Tumayo naman ang Mommy ni Kaitey ng makita sila."Gosh! ang ganda at gwapo naman ng mga batang toh! hehe parang tayo lang Vaughn noh nung college tayo" nakangising sabi nito.
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Teen FictionShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...