chapter 1

11.2K 254 2
                                    

Maxine's POV

Kumakabog ang dibdib na sumilip ako sa faculty room at hinanap ng mata ko si Sir Sebastiano, ang history teacher namin na hinahangaan na yata ng karamihan ng kaklase ko. Nakayuko ito sa mesa nito at nagsusulat. Napakaseryoso ng mukha at tanging ang pagsasalubong lang ng kaniyang kilay ang nagbabago sa mukha niya. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok at binibilang ang hakbang na lumapit ako sa kanya.

Agad siyang nag-angat ng ulo at blangko ang mukhang tumingin siya sa akin. Napalunok ako ng ilang beses bago pilit na ngumiti. Pinagpapawisan na rin ang aking likod dahil sa tensyon.

"Good afternoon po, Sir, pinatawag niyo raw po ako," kinakabahang wika ko. Kumuyom pa ang kamao ko upang kalmahin ang nagririgodon na puso ko.

"Oh, yes! Here," iniabot niya ang notes ko sa history. Nagtatakang tinignan ko ang aking notebook. Wala naman akong maalalana sinulat kong kalokohan doon.

"Sir—" atubling bigkas ko.

"Paki-transfer lahat ng nakasulat diyan except iyong nilagyan ko ng ekis," aniya sa malamig na tono. Lalo tuloy na nanginig ang tuhod ko sa boses na ginamit niya.

Binuklat niya ang notes ko at ipinakita ang tinutukoy niya.

"As far as I know, my subject is history and not about love," seryosong wika niya. He gave me a deep look that my knees almost gave up.

Namula na parang kamatis ang pisngi ko nang makita ang tinutukoy niya. May love letter kase na nakasulat sa pinakahuling pahina ng notebook. Parang nalulon ko ang dila ko at hindi nakapagsalita. Kung puwede lang na hilingin kong bunuka ang sahig para lamunin ako ay ginawa ko na. Isinara niya ang notes ko at inabot sa akin ang notebook.

"Transfer mo sa ibang notes ang lahat ng nakasulat diyan at 'pag tapos ka na, ipasa mo ulit sa akin 'yan. Tandaan mo, iyan ang project niyo ngayong grading," blangko ang mukhang wika niya.

"Y-Yes, Sir," nahihiyang sagot ko at lakad takbong lumabas ng faculty room.

Napasandal ako sa dingding at kipkip sa dibdib ang notes ko na humugot ako ng napakalalim na hininga.

Nakakatakot talaga ang ekspresyon ng mukha ni Sir. Sa totoo lang marami na akong napapansin kay Sir. Hindi ko man lang kase nakitang mag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Laging blangko at walang araw na hindi gano'n ang itsura niya. Maputla na halos kakulay na ng yelo ang kulay ng balat niya. Animo parang bangkay na naglalakad sa school premises.

Ang lagi ko lang nakikita na kasama niya ay si Sir Diego, katulad niya ay ang putla rin niya. Kaso kabaliktaran naman ni Sir Diego si Sir Lucas, kung parang bato si Sir Lucas, si Sir Diego naman ay pala-ngiti at friendly. Favorite ng lahat ng mga styudanteng babae. May mga naglakas pa ng loob na magbigay ng love letter sa kaniya.

Matangkad si Sir Lucas, matangos ang maliit na ilong niya. May kakapalan ang kilay niya at mapula ang manipis na labi niya. Ang mata naman niya ay golden brown na laging malamig kung tumingin. Para kang malulunod sa malalim na tingin niya.

Guwapo naman siya kaso nakakatakot at nakaka-intimidate ang dating niya. Parang pasan niya ang problema ng buong mundo. Animo araw-araw na nereregla.

-------------------------------------

Lucas's POV

Sumandal ako sa upuan ko at bumuntong hininga. Ano ba ang nangyayari sa kabataan ngayon. Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Noon ay halos Maria Clara ang mga dalaga. Marunong mahiya at hindi sila ang nanliligaw sa lalaki pero ngayon ay nagkabaliktad na yata.

"Para sa'yo ba ang letter?" tanong ni Diego sa akin.

"Hindi!" Umiling ako. "Hindi rin siya ang nagsulat 'non. Ang isa sa kaklase niya na si Lance," malamig na tugon ko.

"That kid is so beautiful. Hindi nakakapagtakang may magkakagusto at umaaligid sa kanya," komento niya.

"Yeah, she's beautiful," blangko ang mukha na sang-ayon ko.

Mahina siyang tumawa at bumalik sa cubicle niya. Kinuha ko ang isang folder at binuklat 'yun. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagsuri sa folder ay may tumayo sa harap ng aking mesa.

Nag-angat ako ng tingin at tinignan kung sino iyon.

"Good afternoon, Sir," bati ni Ara.

Tinanguan ko siya.

"Sir, kinausap ko po ang mama ko kung puweding kumuha ako ng extra lesson ko sa history at pinayagan po niya ako," may pag-asam sa boses na wika niya.

Tinitigan ko muna siya bago marahang umiling.

"I'm sorry, Miss Gomez, pero hindi ako nagtuturo o kumukuha ng extra lessons. Saka mataas naman ang grade mo at walang problema sa'yo sa subject ko," kaswal na tanggi ko.

Bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Sige po, Sir, thank you!" pilit ang ngiting wika niya at lumabas ng faculty.

Napahilot ako sa sentido ko. Hindi ko naman sana siya tatanggihan kung hindi ko lang nabasa ang kalokohang pinaplano nila ng mga kaibigan niya.

Hindi lang miminsang may sumubok na gumawa ng ganito sa akin pero sa tuwina ay tinatanggihan ko sila. May mga estyudante talaga ako na gumagawa ng paraan upang makuha ang atensiyon ko. Hindi ko bibigyan ng satisfaction ang mga kabataan para paglaruan kaming mga guro nila.

Lahat na lamang ay ginagawa nilang kalokohan. Kung nagagawa nilang magbigay ng love letter kay Diego, siya ay hindi niya papayagang gawin nila sa kaniya iyon.

"They want you to become her gift to her birthday, huh," natatawang bigkas ni Diego na sumilip sa akin.

Matalim na tinignan ko siya. "Shut up!"

Ngumisi lang siya. "Kung ako 'yon ay pumayag na ako. Well, having a party with kids might be exciting you know!"

Hinablot ko ang libro sa mesa ko at malakas na ibinato sa kaniya. Maagap naman na nasalo niya iyon at ipinatong sa mesa.

Kung wala lang kami dito sa faculty ay kanina ko pa siya hinamon na mag-spar kami.

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon