EJ's POV"H-hi."
Pagkasabi niya non ay agad akong tumalikod at dumeretso palabas ng bar.
Shit. Why? Bakit kailangang magsinungaling sa akin ni Nicky? Is this a set up? For what??
Unang araw palang ng pagiwas ko kay AJ ay sinabi ko na kay Nicky na hinding hindi ako magpapakita dito kasi alam niya kung gaano ako nasaktan noon at alam niya na gustong-gusto kong kalimutan si AJ. But now? Sinet up nila ko?
Pagkalabas ko ng bar ay mabilis akong naglakad patungo sa parking lot.
"EJ."
I knew it. Susundan niya ko. Bakit naman hindi diba? Ito a yung hinihitay niya. Yung moment na makaharap ako at makita ako.
Pero no, hindi ko hahayaang ang sarili ko na makinig sa kaniya.
Ayoko...
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at hindi ito pinansin.
"EJ, please magusap tayo." Muli nitong saad at naririnig ko sa boses niya ang lungkot at pagmamakaawa.
Imbis na harapin ko siya ay mas lalo kong binilisan ang lakad ko.
"EJ, I'm begging. Please." And she finally grabbed my wrist dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
"Shit." I cursed. "What do you want AJ?" Matigas kong saad at tinignan ito.
"I want you to talk to me and listen to me, EJ." She said at kinuha ang isa ko pang kamay para hawakan ito.
"For what?" And I raised my right eyebrow. "To hear your sugar coated words. Thanks, but no thanks AJ." Saad ko dito. Binawi ko ang mga kamay ko at tumalikod para magpatuloy sa paglalakad.
"EJ. P-please." She said and her voice starts to crack.
Shit. Is she crying?
I stopped walking at dahan-dahang humarap sa kaniya.
Pagkaharap ko ay tumingin ako sa mga mata niya at kahit madilim ay nakikita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula dito.
"Please, kahit sandali lang." She said weakly habang nakatingin sa akin at tumingin ito sa baba.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay bumagsak na ang mga luha niya sa pisngi niya.
Bakit??? Bakit ganito yung nafifeel ko? Bakit parang nanghihina ako dahil sa nakikita ko? Bakit naaawa ako sa kaniya? She's crying because of me and I hate it. Nasasaktan ako na nakikita siyang umiiyak. I want to comfort her. I want to hug her. I want to kiss her.
But no. Hindi pwede. Ayokong maging marupok. Ayokong magpadala sa mga luhang yan.
At isa pa hindi naman ako yung dahilan kung bakit ganito yung sitwasyon namin. Hindi ako yung gumawa ng dahilan para iwasan at pagtaguan siya. Hindi ako yung may kasalanan kung bakit ako nagiging ganito sa kaniya. Hindi ko kasalanan kung bakit siya umiiyak ngayon. Hindi ako yung nakipaghalikan sa babaeng yon. Hindi ako yung nanakit. In fact ako pa nga yung nasaktan diba? It's all her fault. Not mine.