Si Irene

15 1 0
                                    

*Alay ko sa mga single pa rin hanggang sa ngayon.

Ilang dekada na rin ang nakalilipas nang magkaroon ako ng ganitong problema. Wala naman dati, kasi. Simple lang naman ang buhay ko noon. May routine. Kailangan ng routine para hindi mabagot sa buhay. Kasi kapag walang routine malamang sa hindi, sa kalagayan kong ito, kahit sino ay mabubuwang.

Nakilala ko si Gary sa isang documentary shooting sa Bulacan. Nagco-cover kasi sila ng haunted house noon, at nagkataon naman na nandoon ako sa area. Hindi ako nakatira sa haunted house, ha. Grabe naman yun. Takot ako sa mga haunted house. Ano lang, napadaan ako sa haunted house at na-curious ako sa dami ng tao sa paligid. May tatlong malalaking sasakyan na parihaba, van yata ang tawag, tapos, marami silang mga gamit-gamit. Maraming ilaw. Ilaw lang talaga nakikilala ko. Wala naman kasing ganyan sa bukid namin noon. Tsaka, hindi ako maalam sa teknolohiya noon at tamang barrio lass lang naman ako. Noong dumating ang mga Hapon, nagkandaletse-letse na. Nagtago kami, pero nahuli pa rin. May Hapon na gustong makipag-get it on sa akin noon, nagalit ako, sinampal ko't sinabunutan. Nagalit sa akin yung kaibigan niyang sundalo, binayoneta ako. Masakit mabayoneta, promise. Yung bakal kasi na panusok ng mga Hapon, dinisenyo para pumasok kaagad sa katawan ng tao. Kaya feel na feel ko noon ang sakit, at ang haba rin ng sinaksak sa katawan ko noon.

Si Gary, production assistant daw siya. Hindi ko rin sigurado kung ano yon, sinabi lang niya sa akin. Marami na siyang naituro sa akin mula noong maging kami, pero aminado akong hindi ko pa rin gagap ang maraming bagay, tulad ng ATM, Internet, Facebook, ano pa ba, basta marami pa ang hindi ko nauunawaan. Ang nauunawaan ko lang naman talaga, at ang mahalaga sa akin, mahal ko si Gary. At sa tingin ko, mahal rin niya ako.

Siguro nakalimutan ko na lang ang mga bagay-bagay sa aking pagkakatangay sa aming relasyon, may mga pangangailangan nga pala ang mga lalaki. Game naman ako, e. 17 pa lang naman ako. Ilang buwan na lang sana noon, disi-otso na ako. Legal na sana kami kila Inang, kung nasaan man sila ngayon. Hindi ko sila nakikita. Kung tama ang hinala ko baka hindi sila sa mabuti napapunta. Nakakapagtaka, dahil yung mga kapitbahay namin na napuruhan din noong panahon ng Hapon, nakikita ko pa. Yung iba nga, ginagawa na lamang libangan ang pagsunod-sunod sa mga tao. Minsan hanggang sa paliligo, nakasunod pa rin. Ako, mahiyain ako. Hindi ko ginagawa yun... nang madalas. I mean, ginagawa ko lang pag talagang kailangan. Tulad noong unang nasilayan ko si Gary at naiihi siya. Sobrang na-curious lang talaga ako noon, mga bes. Tsaka sandali lang naman ako sumilip, umalis naman ako kaagad. Pero 'yon na nga, nakita ko. Pero masasabi kong aksidente lang kasi hindi ko namang gustong silipin talaga. Yung ano lang, gusto ko lang makita si Gary noon, hindi yung ano niya.

Pero balik tayo sa problema ko. Heto na nga. Inaya na ako ni Gary. Sa bahay pa nila ng mama niya. Nakakahiya. Pero hindi naman yata talaga nakakahiya kasi noong pumasok ako, wala naman reaksiyon mama niya sa akin. Lagi naman walang reaksiyon yun, nakaka-hurt na nga ng feelings minsan. Noong nakahiga na siya sa kama't nakashorts na lang, pumayag naman ako sa sinasabi niya. May minomonstra pa siya sa akin na mga posas daw at balat na panali. Itali ko daw siya sa kama, ganon. Syempre, hindi naman ako takot mabuntis. Siya naman, init na init na sa akin. Akala niya siguro may super powers ako. May mga kaya akong gawin, pero hindi ko pala kaya ang mga gusto niyang ipagawa sa akin. Noong unang beses niyang sinubukan ang gusto niya, nainis lang siya. Kasi, wala naman daw siyang maramdaman. Mangiyak-ngiyak ako noon, kasi hindi ko alam gagawin ko.

Nagpa-amoy na lang ako ng kandila at mga bulaklak. Nag-amoy burol ang bedroom ni Gary at hinika siya. Gumawa ako ng mga ingay. Binukas-sara ko ang pinto, pati na ang mga bintana. May nakakita na kapitbahay nila Gary sa pagbukas-sara ng mga bintana sa buong kabahayan at tumawag pa sa kapitan. Hindi na namin pinansin ang pagkatok ng kapitan at mga tanod. Mabigat ang problema namin. Problemang pag-ibig, bes. Sa aking paghihimutok, lumagutok ang kahoy na sahig na parang may naglalakad na mga tao. Pero syempre ako lang talaga yon. Pinagsindi-patay ko pa ang mga ilaw sa sobrang stress na inabot ko. Lahat ng mga ito nagawa ko para at dahil kay Gary.

Kasi hindi ko siya mahawakan nang maayos. I mean, nahihipo ko siya, pero tuwing ginagawa ko, giniginaw siya. Hindi kinikilig ha, giniginaw. Yung ginaw na may halong kilabot. Tsaka tumitirik ang mata niya (normal ba yun) at bumubula ang bibig. Yun pala medyo nasasaniban ko na siya sa sobrang kagustuhan kong mapagbigyan ang gusto niya.

***

Sa huli, napagdesisyunan na lamang namin to call it quits. Kasi, mukhang hindi siya magiging masaya sa akin, at hindi rin siya ganoon ka-open sa pagbula ng bibig tuwing susubukan naming magtalik.

Mahirap talagang magmahal ng buhay, lalo na kung ilang dekada ka nang dea

PULSONG NAGWAWALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon