Confession 13

7 0 0
                                    

"K"

1 day after ng 6 hours break-up namin ni Mitch, namiss namin ang isa't-isa.

Niyaya nanaman niya ko magmovie marathon sa dorm nila. Kahit ulit-ulitin pa namin ang One More Chance, ok na sakin. Sagot ko nga pagkain namin e tapos may bonus pang rose. Kilig siya e. Lol.

Pero hindi One More Chance ang pinanuod namin,  ayaw na daw niya ng n'on, kung kelan naman na-appreciate ko na. The fak.

K-drama ang pinanood namin pucha. Yung "W" ang title. Kakagago, ngumiti lang siya sakin nung binigyan ko siya ng rose pero dun sa bidang koreano dun sa drama ngiting colgate siya. As in labas yung ngipin tapos hinampas -hampas pa ko.

Tangina, bat kilig na kilig 'yon? Chinito rin naman ako ah?!

Pero di naman ako nagseselos.Never lang siyang kinilig ng ganon pag sakin. Badtrip.

ps. Nang dahil sa kapraningan ko na baka makipag-break ulit siya sa 'kin, kinabukasan ginaya ko yung the damoves nung koreano. Yung ikokorner tas hahalikan yung babae

pps. Di natuwa si Mitch kingina

ppps. Ang sabi lang sa kin "Nu ginagawa mu?"

pppps. Di ko na uulitin 'yon

ppppps. Walanyang Lee jong suk yan

Chinito
FEU-IAS
2018





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Boyfriend's Secret Files (An Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon