Malamig ngayon dahil sa bagyo kaya paiinitin natin ang pangyayari sa Chapter na ito. by the way Rainy Morning sa inyo, salamat sa pag iintay.
O ayan gagawan ko na ng POV si Mayumi yung kambal ni Scarlet.
------------------------------------------
Mayumi's POV
Bwisit talaga yang Scarlet na yan eh, ang ganda na ng sitwasyon ko sa kumpanya walang nakakaalam na ako ang kumuha ng pera ng kumpanya. Sh*t naman kasi talaga. Bakit pa kasi bumalik yung hinayupak na babaeng yan ehh.
"Hon wag kang mag alala, masosolusyonan mo yan" malambing na sambit saakin ng lalaki ko na si Carlo.
Oo lalaki ko kasi hindi ko naman siya sineseryoso,yung ano niya lang naman ang kailangan ko, saka pansamantala lang naman to para pag gusto kong mag painit hindi na ako hahanap ng iba nandyan na siya. Ayoko kaya sa jutay hahaha.
"Hon nasasabi mo yan kasi hindi ikaw yung nasa sitwasyon ko, sa tingin mo madaling lusutan si Scarlet? matalino yon kaya kailangan ng matinding plano para makalusot don." mataas na tono kong sambit sakanya.
"Easy, bakit ka saakin nagagalit saka sino bha yang Scarlet na yan?" nag tatakang tanong saakin ni Carlo.
"Siya lang naman ang kahati ko sa lahat ng magiging pamana ko mula sa aming magulang, siya yung kambal ko. take note Identical twin kami kaya wag kang magtaka kung magkamukha kami. Cumlaude yun nung nag collage kami kaya wag mong ini-easy yung babaeng yun." paliwanag ko.
"Ahh ganon ba? o sige titiklop nalang ako sa anim na piraso." biro saakin ni Carlo.
"Alam mo wag ka nalang mag salita kung non-sense lang naman yang sasabihin mo."Diretsa ko sakanya. Ako kasi yung tipong wlang pake sa nararamdaman mo basta masaya ako bahala ka sa buhay mo. In short selfish.
"Ang hard mo saakin bahala ka nga diyan, pinatatawa nga lang kita dahil masyado kang stress diyan sa iniisip mo eh." sogot niya.
"So anong gusto mo? mag pasalamat ako sayo? Ok thank you sa pag papatawa mo! ok na ba yun? o tumahimik kana ahh." sagot ko.
"Bahala ka nga sa buhay mo, hirap mo kasama. Akala mo ata pera mo habol ko sayo kaya kung itrato mo ako parang hindi tao, wes guto ko lang ipaalam sayo na wala akong pakialam sa kung anong meron ka dahil meron din ako niyan. In fact mas lamang pa nga ako sayo eh, bukod sa mapera din ako marunong akong mag asal tao hindi gaya mo masahol pa sa hayop." Diretsang sambit saakin ni Carlo sabay alis.
"Hoyy san ka pupunta? iiwan mo ako? sa tingin mo natatakot ako at mag mamakaawa sayong wag akong iwan? kung yun ang iniisip mo wes nagkakamali ka. Bukas yang pinto libre kang lumabas." nakataas kong kilay na sagot sakanya. (insert Rolled eyes)
"Nagkakamali ka ng iniisip, hindi ko kailangan ng pag mamakaawa mo,lalong lalo na ng pera mo. Yun ata iniisip mong habol ko sayo, thank you sa araw na nakasama kita pero parang gusto ko nang kalimutan na nakilala kita." sagot niya saakin na walang emosyon yung mukha sabay labas.
Akala niya ata sineseryoso ko yung mga araw na nakasama ko siya, pero hindi ko makakalimutan yung mga pinag samahan namin dahil iba siya sa mga lalaking naksama ko.
Ano ba tong nararamdaman ko? bakit nasasaktan ako dahil lang sa mga sinabi niya lalong lalo na sa pag alis niya? tsk baka na stress lang ako sa mga iniisip ko.
Naisip kong lumabas para mag palamig, naisip kong pumunta ng mall para makapamili ng kakainin ko.
Maya-maya pa biglang tumulo yung luha ko sa nakita ko.
Nakita ko si Carlo na may kasamang ibang babae,at ang kapal talaga ng mukha ng babeng yun para humawak sa braso ni Carlo.
Naisip kong lumapit pero naalala ko yung sinabi ko kay Carlo kanina kaya gustohin ko man lumapit ay umiwas nalang ako at pumasok sa loob ng mall. Bumili lang ako ng pagkain ko at mga stack then umuwi na rin ako.
BINABASA MO ANG
Ang Nabuntis kong Pangit
Romanceguys new book nanaman .. sana magustuhan niyo .. masyado lang ako nadala sa kwento na gawa ni " @ad_sesa " kaya naman naisipan ko rin gumawa ng kwento.. kinopya ko ung title niya dahil inspired ako sa kwentong yun. actually nga di pa ako maka move o...