Dear Ex,
Alam kong masaya ka na sakanya
pero sana naalala mo pa,
na sinabi mo sa'kin na "sa'yo lang ako sasaya"
pero bakit ganun? bakit agad-agad limot mo na.
Sabi mo sa'kin "mahal kita"
pinakilala mo pa ako sa iyong pamilya
akala ko talaga seryosohan na
walang-hiya, lahat ng 'yon joke lang pala.
Isang linggo ang nakalipas, pinakilala kita sa aking kaibigan
dati mo pala syang kasintahan
bakit hindi ko to alam?
ikaw pala yung dati niyang iniiyakan
Nagtagal tayo ng limang buwan
ang saya-saya ko pa dahil lagi mo akong inaalagaan
eh kaya naman pala, kasi lagi natin sya'ng kasama
akala ko din di mo s'ya kilala
Iyon pala ginagamit mo lang ako para pagselosin sya
Noong una, akala ko wala lang
pero nang nagtagal doon ko na natuklasan
walang-hiya, bakit mo pa ako syinota?
sana nagpatulong ka na lang.
Oo, alam ko't sigurado ko na
pero mas masakit pala nung inamin mo pa
hindi mo talaga ako minahal
kasi hanggang ngayon s'ya pa din,
s'ya pa din ang 'yong mahal.
Sa loob ng limang buwan, minahal kita ng sobra
akala ko nga tayo na talaga
pinaikot ko ang mundo ko sa'yo
at heto ako, wasak, bigong-bigo
Dalawang linggo ako'ng nagkulong sa aking kwarto
walang ganang kumain, maghapon lang umiiyak
nalaman ko kasi, nagkabalikan na kayo
putragis, puso ko biyak na biyak.
Natapos ang tatlong linggo'ng pagkukulong sa aking kwarto
napagpasyahan kong umiwas at magpakalayu-layo
baka sakaling makalimot
puso kong puno ng sakit at poot
Isang taon na ang nakakalipas
hindi na ako umiiwas
hindi na ako umiiyak
hindi na ako galit
pero inaamin ko, hindi rin ako masaya
kasi hanggang ngayon, mahal ko pa rin s'ya
pero dapat lang na hayaan ko na sila, dahil masaya ka na
at alam kong balang araw, ako naman,
ako naman ang sasaya.