Kidnap

179 3 1
                                    


Guys dahil malamig ngayon at giniginaw ako kaya another hot chapter nanaman hahaha.

----------------------------------------------

Scarlet's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa loob ng Mall nang biglang tumawag si Bessy.

On Call..

"Hello bessy kamusta kana? oyy gala naman tayo papunta ako ng Mall ngayon." 

"Nasa Mall ako ngayon nag papahangin." sagot ko.

(Taray ni Scarlet no? sa Mall nag papahangin. hahaha)

"tamang-tama siguro talagang nakatadhana yung araw na ito para sating dalawa." sagot niya 

"Alam mo ang korni mo,wag nga ako." basag ko sa kanya.

"Ok ako na yung korni,by the way hintayin mo ako sa Cinema Theater." sambit niya.

"Ok, bilisan mo lang ahh. Hindi pinag hihintay yung mga magagandang tulad ko." sambit ko na may pagyayabang.

"Talaga lang ahh. hahaha bye na." paalam niya.

"Fine, Bye" paalam ko.

Pumunta ako ng CInema sa third floor at hinintay ko si Bessy pero nakita ko yung hindi ko inaasahang makita.

Agad ko siyang nilapitan. Pag lapit ko sakanya agad ko siya hinarap sakanya.

"Hey you, What's wrong with you?" mataray niyang tanong.

Halata sa mukha niya yung gulat at galit.

"Ohhh ikaw pa talaga ang may karapatang sabihin saakin yan? wag mong sabihin saakin yang sentence na yan dahil dapat ako ang nag sasabi sayo niyan. WHAT'S WRONG WITH YOU? at ang kapal talaga ng mukha mong magpakita pa matapos yung pagnanakaw mo sa kumpanya nila dad. Ganyan kana ba kasilaw sa pera kailangan mo pa mag nakaw." mataray kong sambit.

Kung noon hindi ako lumalaban ngayon may dahilan para lumaban.

"Ohh mataray kana dahil gumanda ka! for your information ako ang unang gumamit ng mukhang yan bago mo nagamit kaya wag kang nag mamaganda. Anong  mali saakin? satingin ko wala dahil perfect ako." matary niyang sagot.

"Really? Thank you dahil perfect ka, diba identical twin tayo so pati ako perfect." nakangiti kong sagot.

"hahahaha nakakatawa ka pilit mong inaabot yung  tulad ko, alam naman natin na hindi mo ako abot dahil ang tawag sa tulad mo assuming." sagot niya gamit ang nakakainis na boses.

"Wag kang mag alala hindi ko gagayahin yung tulad mong magnanakaw. Wag na natin tong pahabain pa paano mo nagawang nakawan yung pamilya mo nang ganon kalaking pera?" seryoso kong tanong.

"Bakit naiinggit kaba? mag nakaw karin para pehas na parehas tayong dalawa." sarcastic niyang pagkakasabi.

"Wag mo akong itulad sayo,isa kang malaking kahihiyan sa pamilya natin. paano mo nagawa yon kay dad?" tanong ko.

"Tinatanong mo ako kung paano ko nagawa yon kay dad? ikaw! ikaw ang dahilan kung bakit ko nagawa yon,dahil inagaw mo saakin ang lahat." bintang niya saakin.

"Wag mo akong idamay sa mga kasalanan mo dahil nung ginawa mo yon wala na ako sa bahay, in fact hinayaan ko na nga yung attention nila dad sayo eh tapos ikaw pa tong may ganang pag bintangan ako." Sinampal ko siya dahil dala ng galit ko.

Sinabunutan ako ni Yumi kaya sinabunutan ko rin siya. Dumadami na yung mga tao sa paligid.

Biglang may umawat saamin na babae. Pag tingin ko si Lanie lang pala.

Ang Nabuntis kong PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon