Chapter 9

29 3 2
                                    

Aliah's POV
"Wave"

"Hey aliah" he greeted me.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at binatukan siya.

"Ouch that hurts aliah, ganyan ka ba bumati nang kaibigan mo? "-wave

"Alon ikaw nga kelan ka lang umuwi nang pilipinas? " ghad namiss ko tong lalakeng to.

"Hahaha aliah babes matagal na akong nandito sa pilipinas mas nauna pa nga ako sayo eh. "

"Akala ko wave sa japan ka pumunta? "  I said as I gave him a puzzled look.

"Remember when I told you to meet me at the park I was about to tell you that I will be going to the Philippines pero hindi mo ako sinipot. " he said then pouted.

Kinurot ko siya sa pisngi "wag ka magpout dahil nagmumukha kang bibe hahaha. "

Nagusap lang kami ni wave tungkol sa mga bagay na namiss namin noong nasa Russia pa kami. Mukhang napahaba ang ang pagkwekwento namin dahil 10 o'clock na pala. Umuwi na si wave and we exchange numbers bago siya umalis.

---
Nagunat unat ako at tumayo na papuntang banyo and did my daily routines pagkatapos kong magbihis ay chineck ko ang cellphone ko at nakitang nagtext si Krystal.

"Hi aliah mamaya pagkatapos nang klase sabay tayong pumunta nang mall ha pipili tayo nang dress. Anyways morning"

I didn't bother to reply on her message at bumaba na. Habang nagaalmusal ako ay dumating si Mr. Choi na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nanggaling dahil wala siya dito kahapon.

"Good morning lady aliah." pagbati niya sa akin na tinanguan ko naman pabalik.

"Pinapasabi nga po pala nang daddy mo na sa susunod na linggo ay pumunta ka sa probinsiya niyo para bisitahin ang Hacienda niyo dun. "

"Bakit ako pwede namang ikaw?"

"Gusto po nang daddy mo na ikaw mismo ang pumunta at icheck iyon. You could invite a friend if you want Lady Aliah. " sabi niya. Tumango lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ko na ang pagkain at sumibat na papuntang school.

---
Papasok pa lang ako nang classroom ay sinalubong na ako ni krystal.

"Lia, sama tayo mamaya ha kasama natin sila rui at dreb." sabi niya sabay angkla sa akin.

I just nod my head at tumungo na sa desk ko. Naramdaman ko na may tumitingin sa akin so I turned my gaze sa bandang unahan at nakita ko si Felice na grabi ang sakit nang tingin saakin. Nang tumama ang mga mata namin ay inirapan niya ako at tumalikod na. Tss anong problema nun?

"Announcement guys wala si Ms. Wang ngayon pero kailangan natin na pumunta sa gym para sa selection of the clubs."

Tumayo na kami ni krystal at pumunta sa gym. "Aliah anong club ang sasalihan mo? " pag tanong niya sa akin.

"Ano ano ba ang mga club dito? "

"Hmm marami tulad nang math club, science club, drama club, cooking club, music club at marami pang iba but if your a member of a varsity team or an athlete pwede naman na wala kang sasalihan na club."

Hmm ano kaya ang magandang salihan cooking? Nah baka masunog ko lang building, drama club well hindi ako marunong mag-acting,science I hate experiments and research. Math hays sawa na ako sa mga solvings.

"Oy aliah may naisip ka na bang sasalihan mo. "-krystal

Nilibot ko ang paningin ko sa gym there were alot of extra clubs merong paranormal club, readers club, dance club and music club. Out of them mukhang music club lang talaga ang pumasa sa taste ko.

Dumeretso na ako at kumuha nang form sa booth nang music club. Pagkatapos kong mag-answer sa form ay inabot ko na ito sa facilitator.

"Pumunta ka sa club room next week para sa audition." sabi nang babae pagabot ko sakanya nang form ko.

Tumango na ako at hinanap si krystal. Madali ko naman siyang nakita dahil kumaway siya sa pwesto ko. Agad akong lumapit sa kanya.

"Magau-audition ka ba sa drama club? "Pagtanong ko sa kanya nang mapansin ko na pumipila siya sa line nang drama club.

"Nagpasa lang ako nang form member na kasi ako simula grade 8 pero hindi ako sumali last year dahil may iba akong sinalihan so no need na i-evaluate pa ko."

Hinintay ko na matapos si krystal at nakita ko naman si Felice na panay ang irap sa akin. Tss kanina pa siyang irap nang irap eh kung tusukin ko kaya ang mata niya nang stick para tumigil siya.

"Lia, may balak ka bang patayin si Felice ang sakit nang tingin mo sa kanya eh." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni krystal sa tabi ko.

I shook my head at inaya ko na siyang bumalik sa room.

---
Nagbbihis na kami ngayon para sa PE class namin. Itong subject talaga ang pinakagusto ko,  I'm the kind of girl who loves sports.
Pero hindi ako sumasali sa mga competition.

"Okay class today we will try to play tennis. I will be the one to choose who will play. "Pag-iinstruct saamin ni ma'am.
Nauna nang lumaro ang boys. Pagkatapos ay sumunod kaming mga babae.

"Ayala and Ramirez"

Tumayo na ako at bumaba sa bleachers. Nang makuha ko na ang racket nakita ko na ready na rin si felice she even smirked at me.

Things were getting heated up walang magpapatalo sa aming dalawa, the score is already tie 8:8.

Mahina akong napadaing sa sarili ko nang tamaan ako nang bola sa tiyan. Tinignan ko nang masama si felice at ngumisi lang siya saakin. Hindi manlang siya nagsorry.

Nang time ko nang magserve ay sinakto kong tatama sa kanya ang bola. Bullseye. Tumama talaga sa kanya ang bola at talagang sa ulo niya tumama. I silently laugh although natalo ako feeling ko ako ang nanalo.

Nagkagulo sila dahil nahimatay si Felice. Inutusan ni ma'am ang boys na dalhin siya sa clinic.

"Ms. Ramirez why did you that? "

I gave her an innocent look "Hindi ko po yun sinasadya ma'am hindi lang talaga niya nasalo ang bola kaya tumama sa itsura niya. " I plainly said. At hindi ako nagsisinungaling tanga lang talaga siya kaya hindi niya naiwasan ang bola.

Bumuntong hininga nalang si ma'am at sumunod nang pumunta sa clinic. Hindi na rin natuloy ang laro namin dahil nahimatay si felice at kailangan pumunta sa clinic si ma'am para icheck siya.

Papunta na kami nang canteen ni Krystal nang tawagin kami ni Rui.

"May kailangan ka Rui? " tanong ni krystal sa kanya. Binigyan niya kami nang nakakalokong ngiti.

"Tara cutting tayo."





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly Inlove with the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon