*Sa Bahay ni Friend 1*
Friend 1 : O Girl? Anyare?
Zharm : *irritated face* Wala Kakainis. Argggh!
*Kuha ng Chips*
*Susubo*
*lalaklak ng Juice*
Friend 2 : Tinanong mo pa. Edi Yung Issues na naman about sa Ex niya.
Friend 1 : Ayuuun! Yun naman pala. *nang-iinis* , Ano naman yung about sa issue na yun?
Zharm : *Fake Laugh* Nakakatawa. Kung maka-asar 'to. *kibit-balikat* Like What's new. Yun na naman parati eh.
*Buntong hininga*
*Subo ng Chips*
*I-o-on ang TV*
*May palabas tungkol sa Ex at Present Girlfriend na nag-aaway*
Friend 2 : Yan ang problema sa karamihan eh. Porket tayo yung nakaraan tayo yung masama. Tayo yung inaaway. Tayo yung may mali. Kung iisipin, wala naman tayong kasalanan. Minahal lang natin yung Boyfriend nila na DATI naman ay naging sa'tin. Ang hirap. Ang hirap intindihin ng mga tao ngayon.
*lalakasan ang volume ng TV*
[Kasi nilalandi mo ang boyfriend ko! Matagal na kayong hiwalay magmove-on ka na.]
Friend 2 : *Maiirita* See? Tayo na nga yung go with the flow tayo pa ang malandi. Tayo yung nang-aakit. Bawal na bang makipagkumustahan sa isang Ex? Psh. Masakit. *sabay hawak sa dibdib* Masakit kasi, knowing na nasaktan din tayo nong naghiwalay kayo, tapos gagan'tohin pa. Matagal na kaming nakapag-move on. Problema lang sa iba sila yung hindi. Sila yung gumagawa ng issues. Binibigyan ng meaning lahat. Hello? Maging open minded naman kayo. Hindi lang kayo yung nasasaktan sa mga naririnig at ginagawa niyong storya. Kami rin.
*i-o-off ang TV*
*ibabagsak ang remote control*
Friend 1 : Aba. May pinanghuhugutan ah. May pinagdadaanan ka friend?
*nang-aasar*
Zharm : Tama ka eh.
Friend 1 : *Lilingon* Sino? Ako? *tatawa*
Friend 2 : *maasar* *hahampasin ng unan* Nang-aasar ka ha?
Zharm : Alam mo yung feeling na nalilitto ka. Naasar ka. Naiinis ka. Hindi sa ibang tao kundi sa sarili mo. Kasi hindi mo alam papa'no magreact sa mga issue na binabato sa'yo. Kasi akala ng mga tao, yung come back mo eh you'll try to mess up everything. Hindi ba pwedeng sa positive side muna sila?Gusto lang namin na mabalik yung dating friendship. Yung iniisip nila eh, nagpapa-impress ka pa rin sa Ex mo. Eh sa ganito na talaga ako. Yung ugali ko. Yung pagkatao ko.. Pagpapa-impress ba yun? Tsss. Yung Big deal sa kanila na sinusuot mo pa rin yung mga bigay ng Ex-Boyfriend mo. Tapos Ikaw mismo iniisip mo pag yun sinoli o hindi mo susuotin para na ring ininsulto mo siya. Mahirap bang intindihin yun? At Eto pa yung ibang tao... Nagpaparinig sa GM nila o kaya sinasadya na mag-send ng quotes na.. *irritating voice* "Your past is always your past." o kaya naman "Let the past make you BETTER, NOT bitter :)" eh Alam naman na natin yun eh. Hindi naman nila kailangang e-remind tayo bawat sandali.
Friend 2 : Tumpak. Past is past sabi nila, pero sila nga hindi na lang kalimutan yung past and let it remain there. Talagang inuungkat pa eh. Tuloy Tayo pa ang nabubuntunan ng galit ng girlfriend kasi naniniwala siya. Everytime na may gawin ka na may kinalaman kay ex sasabihin nila bitter ka. Ano ba talagaa? Hindi ba pwedeng walang pakialamanan na lang? hangga't wala tayong ginagawang masama? hangaa't di natin inaagaw si Ex? Arggh! Better naman talaga tayo eh, sila lang yung gumagawa ng storya na nagpapa-BITTER sa mga sarili nila.
*Long Pause*
*Kalma*
*Kuha ng Chips*
*Isusubo*
*i-o-on ang TV*
*smiles*
Friend 2 : Sana makita naman nila na nakapag-move on na tayo. Na kung meron talagang ex na "Mang-aagaw" "Malandi" "Bitter" sana wag nilang lahatin. Gusto ko silang intindihin eh. Pilit ko silang iniintindi. At kahit alam kong mas malabo yun na mangyari.. *lak lak ng juice* Pinapanalangin ko na lang yung kasiyahan nong taong minsa'y naging kaibigan ko.
Zharm : Natatakot ako na magcomment o kaya like sa picture ni Ex. Baka sabihin na bitter ako. Ayokong makialam sa status niya baka sabihin ng iba na hindi ako makapag-move on. Pero dapat di ko yun ginawa eh. Dapat hinayaan ko na lang na isipin nila yun sakin. Kasi Hindi naman totoo. Hindi nila alam yung tunay na kwento. At sa pinapakita ko na takot ako.. Sasabihin nila na guilty ako kasi iniisip nila totoo. *Haaaay* Alam ko mahirap. Alam ko hindi nila maiintindihan. Sa tingin ko masyado lang sila na nagbubulag-bulagan para hindi makita ang mga bagay-bagay.. Tulad ng Masaya ako.. Para sa kanila..*Smiles*
-----------------------------------
A/N: HUMAYGAAAD! WAG NIYO AKONG PATAYIN KATHNIELS HA? SIYA LANG TALAGA NAISIP KO NA ILAGAY SA TRIP KO. :P KASI WALA LANG. FEELING KO KASI YUN YUNG NARARAMDAMAN NI ZHARM. (chaar! FC lang?) Di nga guys. Naging Ex din ako. Kung ano yung (General) issues sa pagiging Ex nadaanan ko na. Hindi maganda. Bakit ba kasi may ganon? Diba pwedeng bati-bati lahat? Okay lang naman na magselos ka o kaya magalit. Pero alalahannin mo naman sana na ikaw na yung bago :)))
NO HATE. LOVEEEE! <3
Wala akong pinariringgan. Wala akong Inaaway. Walang ibig sabihin to. Sinasabi ko lang yung nararamdaman ko. Na mahirap maging Ex.:/ Haaaay. Sana maintidihan niyo. :)) Maka-Kathniel naman ako kahit papano. At kahi na anung mangyari *^o^*V