May panahon kung saan okay pa ang lahat. Masaya ang bawat oras kasama ang bawat tao na parte ng ating buhay. Kapit kamay mo lang sila, andiyan lang sa tabi mo. Nagagawa mo ang gusto mo.Nakakapagdesisyon ka ng ayos. Nakakangiti ka kahit sa maliliit na bagay. Napakadali sumaya. Konting harot tawa. Konting joke, halakhak na. Normal lang ang lahat. Okay lang lahat.
Hanggang sa bumaliktad ang lahat na para bang umikot ang mundo mo. Kung saan nagkagulo na, hindi mo na alam kung ano ang nangyayari at hindi mo na alam kung ano pa ang mangyayari. Hindi mo na alam kung paano sisimulan ulit dahil nagsimula na hindi maging okay ang lahat. Sa panahon na sira, gulong-gulo ka tsaka nawala ang mga tao na dapat kinakapitan mo, nagsimula na silang bumitaw at umalis sa buhay mo. Hindi mo na magawa ang mga gawain mo noon. Hindi ka na nakakapagdesisyon ng ayos dahil napakagulo na ng pag-iisip. Parang napakahirap ngumiti maging sa maliliit na bagay at mas lalong mahirap maging masaya. Yung pakiramdam na gustong-gusto mo na ulit maramdaman ang 'saya' at halos hindi mo na matandaan kung paano pa sumaya dahil hindi na normal ang lahat. Hindi na okay. HINDI KA NA OKAY.
BINABASA MO ANG
i found you
Teen Fiction"While i'm searching for a reason to stay.. to live this life,..." After the accident, everything in Lili's life messed up. Nagsimula na siya makaranas ng depresyon at unti-unti na siyang sinasakop ng sakit, dilim at kalungku...