Warning: Spg.
--
Matapos magmukmok sa loob ng kanyang apartment ay naisipan ni Prae na magpakalango sa alak kaya eto siya ngayon, nakaupo sa bar counter habang hinihintay ang order niyang bloody mary. Alam niyang hindi siya sanay uminom ngunit kahit hindi niya alam kung ano yung bloody mary pinili pa rin niya ito sapagkat sa tingin niya ito ang pinaka desenteng basahin, baka desente rin sigurong inumin. Hindi rin siya nag-aalangan sa presyo dahil kinuha niya ang iilang ipon sa banko na para sana sa kasal nila ni Harold. Kasal? Huh wala nang mangyayaring kasal! Sakalin ko yung gagong yun eh! Natawa na lamang si Prae sa kanyang iniisip
"Here's your order ma'am!" nakangiting sabi ng bartender, agad niyang kinuha ang alak at deretsong ininom.
PWE! Bat ganto lasa neto?! Akala ko pa naman manamis-namis ito!
"A-are you okay ma'am?" tanong ng bartender sa kanya, marahil ay nakita nito ang kanyang pag ngiwi.
"I am! Thanks for asking, anyway can you please give me some more of this?" she ask
"Right away ma'am!" hindi na siya sumagot at hinintay nalamang ang alak na naubos din agad pagkaabot sa kanya.
Order lang siya ng order hanggang sa ika walo niyang lagok ay nakakaramdam na siya ng pagkahilo sinubukan niyang tumayo na sya namang pinagtagumpayan niya. Napalingon siya sa mga nagsasayawan, wala na siya sa wisyo kaya kahit nahihiya ay lumapit at nakisayaw na rin sa mga nandoon.
Kahit malaman ay isang dancer noon si Prae. Passion niya talaga ang pagsasayaw kaya naman hindi niya mapigilan na makipag sabayan sa mga tao roon.
She sways her hips like there's no tomorrow, following the beat of the song. Wala siyang pakielam sa mga nandoon, ang mahalaga sa kanya ay ang magpakasaya. Tama na naman siguro yung sakit na kanyang nararamdaman diba?
Nakarinig siya ng hiyawan pero wala pa rin siyang pakielam. She just want to dance the pain she's feeling right now, wala siyang pake kung pagtawanan siya ng mga tao roon. Sinong hindi matatawa? Mataba sya, hindi siya sexy para sumayaw ng ganito. Hindi rin siya maganda para pagkaguluhan at kainggitan ng mga tao sa paligid.
Patuloy lamang siya sa pagsasayaw nang may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang baywang. Nagulat si Prae pero di niya ito inalintana at muling pinagpatuloy lamang ang pag sasayaw. Naramdaman rin ni Prae ang pag sabay ng estranghero sa pagsasayaw nya, hinarap niya ito at pinakatitigan.
Damn! Nasabi nalamang niya sa kanyang sarili nang makita ang mukha ng lalaking kasayaw niya ngayon.
Pointed nose, messy hair, matipuno at mayroon itong mapupulang labi. Napatitig siya roon at di sinasadyang makagat ang sariling labi. Muli ay tinalikuran niya ito para hindi makita ang mala kamatis niyang mukha at pinagpatuloy nalamang ang pag sasayaw. The guy behind her chuckles na syang kinapula lalo ng kanyang mukha.
Kahit sumasayaw ay hindi pa rin niya maiwasang maisip ang mapulang labi ng estranghero, lalo na ang mga mata nito. Dark green eyes here in Philippines are rare kaya lalo siyang nahuhumaling.
The song change kaya lalong umingay sa loob ng bar. Kasabay ng pag ingay ang pag lapit ng lalaking kasayaw sa puno ng kanyang tenga at mahinang kinagat iyon. Kahit nagulat at hindi nya maiwasang mapaungol. God! Anong ginagawa niya?! Bakit siya umungol sa pag kagat na iyon?!
Mas lalong idiniin ng lalaki ang kanyang katawan kay Prae kaya hindi niya maiwasang kabahan. Parang may mga nagkakarerang kabayo sa kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman niya.