Mica's POV:
After ko mailagay ang sprinkles ay napangiti ako ng sobra.
Sa wakas! After 22 hours of baking and 10 times of trying, I succeeded in baking a cupcake for my loveydoves!!
Habang nakatitig sa natapos kong cupcake ay napabuntong hininga ako.
Sana naman ay magustuhan niya ito...at tanggapin manlang kahit papano.
Ako nga pala si Mica Heartlair, sixteen years old. May lalaki akong napupusuan at yun ay si Jacob Devalle, the campus heartthrob. Matagal ko na siyang gusto at siya naman ay matagal na akong ayaw, palagi kasi ako nagpapapansin kaya palagi rin siyang naiinis. Hindi ko naman siya masisisi kasi kung ako yung nasa posisyon niya ay magagalit at maiinis rin ako pero hindi naman 'yung ipagtatabuyan ko na 'yung taong lalapit sa'kin. Buong tapang niya akong nilapitan pero ipagtatabuyan ko lang? Pero siya kasi bad boy eh kaya kahit anong lapit ko sakanya, hinding-hindi niya ako papansinin.
*sigh*
Kelan mo ba ako matututunang mahalin Jacob? Kapag wala na ako sa mundong ito? Ganun ba? Haist! Ganyan naman palagi eh! Kung kelan wala na 'yung tao, tska niyo lang mararamdaman yung halaga niya sainyo. Dapat kasi sa una palang ay iappreciate mo na lahat ng efforts na ibinibigay sayo ng isang tao, hindi yung isinasawalang bahala mo lang.
Habang maaga pa, sabihin mo na sa taong iyon na mahal mo siya para sa huli hindi ka na magsisi pa..
Habang maaga pa, you should cherish all the happy memories at gumawa pa ng maraming alaala para maging masaya ka kahit papano bago ka lumisan sa mundong ito.
Kaya...
...habang maaga pa Jacob, sana maramdaman mo na 'yung halaga ko para sayo...
...pero kung wala na talaga, ako na mismo susuko para sa sarili ko.
*******
Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga upang maibigay ito kay Jacob. Pagkarating ko sa school ay siya agad hinanap ng paningin ko. Walang katao-tao sa hallway dahil start na ng klase pero sigurado ako na nakatambay lang dito si Jacob dahil late nanaman siguro yun.
Boom! Ayun siya!! Nakatambay lang siya sa may locker room sa hindi kalayuan. Nakikinig ng music habang nakapikit.
Agad ko siyang nilapitan at tulad ng dati, nakakunot ang noo niya pagkakita palang niya sakin nung dumilat siya. Tinanggal niya ang suot niyang headphones at tinignan ako ng masama pero isinawalang bahala ko na lamang iyon.
"You again? What do you want this time?!" Mukhang naaasar na siya sakin pero cute parin.
"Ahm...here" sabay lahad ng box ng cupcakes sa kanya "I made this just for you. Alam kong simple lang pero pinaghirapan ko 'yan *smiles* Happy Birthday.."
Yup! Birthday niya ngayon at ito ang regalo ko sakanya. Hope he likes it..
Tinignan niya ito at kinuha. Natuwa ako kasi first time niyang tumanggap ng regalo galing sakin...
...pero napawi ang ngiti ko sa sunod niyang ginawa.
Tinapon niya ang box ng cupcakes na binake ko sa basurahan na katabi lang niya.
...pinaghirapan ko 'yun...
"Thanks but no thanks" At umalis na siya. Napayuko nalang ako at napayukom ng kamao.
Ang hirap magpigil ng luha...
...pero mas mahirap magpigil ng damdamin.
"B-bakit ba ganyan ka sakin Jacob? Bakit hindi ka manlang maging masaya sa lahat ng efforts na ibinibigay ko sayo? Bakit lahat ng pinaghihirapan ko, wala lang sayo? Bakit kailangan mo pa akong saktan? Bakit...bakit--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa mga traydor kong luha na nagsiunahan sa pagtulo.

BINABASA MO ANG
25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)
Short Story"I'm dying..." Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga katagang iyan pero ayokong kinakaawaan ako. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa nabibilang nalang ang araw ko dito sa mundo. Mahal ko siya pero parang wala lang sakanya, Mahal ko siya at s...