*****(Day 5)*****
Mica's POV:
Nagising na lamang ako ng makaramdam ako ng kirot sa gilid ng noo ko. May benda..
Nasa hospital ba ako? Puro puti eh
Ano ba nangyari?
Tatayo na sana ako ng biglang nagising ang taong nakaunan sa kamay ko. What? May tao pala?
"Hmm.." Pagtingin ko ay si Jasper pala. "You're awake!"
At bigla na lang akong dinamba ng yakap.
"A-aray...Jasper masakit pa katawan ko.." Baka nakakalimutan niyang may mga pasa at sugat pa ko
"Sorry sorry!!" At agad siyang kumalas. Nailang naman ako ng titigan niya ako.
"Ano nga pala nangyari?" Sabi ko at hinawakan ang sugat sa noo ko na nakabenda "aray.."
"Nakalimutan mo na ba? Pinagtulungan ka ng grupo ni Danica"
Danica?
Aish! Oo nga pala!
Wait...
"Si Jacob?"
"Ha?"
"Asan si Jacob? Di pa ko nagpapasalamat sakanya" asan na ba kasi siya?
"Pasalamat? Para san?" Takang tanong niya
"Kasi siya nagdala sakin dito...siya yung tumulong sakin kaya asan siya? Don't tell me iniwan lang niya ako?" Nadismaya naman ako.
"Bestfriend...ako ang nagdala sayo dito hindi si Jacob"
Ano? Pero...sure ako na siya yun. Si Jacob yun
"P-pero--"
"Masakit pa rin ba? Gusto mo tawagin ko yung nurse?" Pagche-change topic niya
"H-ha? Hindi wag na"
Akala ko siya...hindi pala hayyy
"Ano ba problema sakin nung Danica na yun? Sakit tuloy ng sugat ko huhu porket boyfriend niya si Ethan gaganunin na niya ko" sa pagkakaalam ko wala akong kasalanan sa babaeng yun.
"Di mo pa ba alam ang balita?"
"Ha? Anong balita?"
"Kalat na kalat na kaya sa school na nagbreak na daw si Ethan at Danica three days ago. Don't tell me hindi mo alam?"
What the--?! Break na sila?! Tapos kung makaasta siya akala mo sila pa? Pinagmayabang pa talaga niya na girlfriend siya ni Ethan huh? Baka ex psh!
"T-teka! Anong oras na ba? Naku naman! Di na ko nakapasok sa klase!"
"Walang pasok ngayon bestfriend.."
"Nasisiraan ka na ba? May pasok ngayon! Kasi nga dib--" natigilan ako ng may narealize ako "A-anong araw na ba ngayon?"
"Today is Sunday...two days kang walang malay...At ang break up nila Ethan ay nangyari before the day na sinaktan ka nila Danica"
The heck?!
Kung Thursdays nagbreak sila Ethan at Danica, Friday ako nabully at nawalan ng malay, tapos Sunday pa ngayon...baka 1 and a half day ako walang malay? Kasi saturday tapos yung kalahating araw nung friday at...kalahating araw ngayon. Dalawang araw nga...
Pero ibig sabihin nabawasan ang araw ko? Ang tagal ko naman nakatulog, two days pa argh! Ang hina mo talaga Mica kahit kelan!!
Panglimang araw ko na ngayon. 20 days nalang...

BINABASA MO ANG
25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)
Short Story"I'm dying..." Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga katagang iyan pero ayokong kinakaawaan ako. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa nabibilang nalang ang araw ko dito sa mundo. Mahal ko siya pero parang wala lang sakanya, Mahal ko siya at s...