Day 7

520 18 0
                                    

******(Day 7)******

18 days...

Eighteen days nalang at tuluyan na kong mawawala sa mundong ito...

Eighteen days nalang para makasama ko sila Jacob at Jasper...

*sigh*

Anubayan!!

Ang drama ko nanaman tuloy! Kung kelan bukas na birthday ko psh -__-

Siguro...siguro epekto lang ito ng nangyaring accident kahapon? You know? Yung kiss namin ni Ja--erase erase erase!!!!

Waaaahhh!!! Ano nang ihaharap ko kay Jacob niyan? Huhu

Ayaw ko man aminin pero kinilig rin ako dahil siya ang first kiss ko at kahit papano ay nakuha ko ito bago ako matigok.

Umayos na ko ng higa para matulog. Nga pala, nandito ako sa condo ko. Remember na humiwalay ako sa parents ko para masanay na silang wala ako?

...

Di ako makatulog aish!

Humarap ako sa side table ng kama ko. Kinuha ko phone ko para maglibang.

Nagstraight ako ng higa at hinarap ang phone ko.

"Teka...ano naman gagawin ko dito?" Napasabunot nalang ako sa buhok ko at hinayaang nakalaylay ang kamay ko "wala naman akong games, kapag magmumusic lang ako ay baka matulugan ko pa. Malowbat pa ako hayy"

Makapunta na ngalang sa gallery -__-

Hmm...gwapo talaga ni Jacob haha pasensya na ah? Puro stolen pic niya yung laman ng gallery ko eh hehe.

Tingin lang ako ng tingin hanggang sa matigil sa isang picture ng isang batang babae at isang batang lalaki. Kita sa dalawang ito ang saya sa kanila, talagang tunay na ngiti ang makikita mo sa litratong ito.

Ramdam ko ang pagtutubig ng dalawa kong mata.

'Miss na miss na kita Kuya ko...kailan ba ulit kita makikita? Kuya gusto pa kita makasama...'

Naalala ko tuloy yung araw na kinuha ang litratong ito.

3rd Person's POV:

*FLASHBACK*

"Hey!"

"Hihihi catch me Kuya Mike! Catch me"

Makikita dito ang dalawang bata na masayang naghahabulan sa isang parke na malapit lang sa kanilang bahay. Well, hindi naman talaga naghahabulan sadyang nagpapahabol lang ang batang babae.

"Stop running! You might tripped and fall!" Suway ng batang lalaking nangangalang Mike sa kanyang nakababatang kapatid na si Mica. Ako ang batang babaeng iyon.

"No! Catch me, catch me!"

Dalawang taon lang ang agwat nila. Si Mike ay five years old samantalang three years old na si Mica.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla nalang nadapa ang batang babae

"Mica!" Sigaw ni Mike at dali-daling tumakbo palapit sa kapatid

"W-waah!" Iyak ni Mica. Nagkasugat ito sa kanyang tuhod. Gasgas lang naman pero bata palang siya kaya matinding sakit ang mararamdaman nito.

"Mica.." Inalalayan ni Mike na makaupo si Mica at tinignan ang sugat nito.

"O-ouchie" sumbong ni Mica na walang tigil sa pagiyak.

"Yaya!!" Pagtawag ni Mike sa yaya na kani-kanina lang ay umalis upang bilhan sila ng icecream dahil sa tindi ng init ng panahon. Summer na kasi at talagang mainit na.

25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon