Day 8

521 17 0
                                    

******(Day 8)*****

Nasa kalagitnaan ako ng tulog ng biglang nagring yung phone ko kaya wala na kong nagawa kundi ang sagutin ito. Istorbo tsk,

"Yoboseo?" [Yoboseo- Hello?]

[Mica...]

Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang boses na iyon.

"Jasper? Uy napatawag ka? Grabe wrong timing ka naman kung kelan nakatulog na ko tsaka kalang tatawag" pilit ko magsalita kahit na medyo paos dahil sa kakaiyak.

[Pasensya na hehe ano kasi...sorry kasi di ako nakapagpaalam]

"H-ha? Anong paalam? Bakit, umalis ka ba? Nasan ka ngayon?"

[Nandito ako ngayon sa airport bestfriend. Pinapapunta ako ng parents ko kasi may kailangan daw silang sabihin sakin. Pasensya na talaga kasi di ako nakapagpaalam pero don't worry, uuwi ako after a week. I promise]

"Hala? Sana naman tinawagan mo ako ng mas maaga para naman mahatid pa kita. Kaasar ka talaga! *sob*"

[O-oy! Umiiyak ka ba? Wag mo nga akong iyakan!]

"Eh sa mamimiss kita eh! Basta promise mo babalik ka next week ah? Promise mo yan! Kung hindi ipapahunting talaga kita kala mo"

[Haha oo na, oo na. Kelan ba ako hindi tumupad ng pangako?]

-___-

"Well..."

*FLASHBACK*

"Bestfriend! Pahawak naman ng juice ko oh! Pinapatawag kasi ako sa office eh. Sige babye!!" At nagtatakbo na ito umalis.

"O-oy! Teka lang! Balikan mo 'to ah?! Kundi uubusin ko na to sige ka!"

"Oo babalik ako promise!!"

--after 30 minutes--

Bigla siyang tumawag sakin at sinabing mauna na daw akong umuwi kasi di na daw niya ako mahahatid kasi medyo matatagalan meeting nila. Sabi niya ubusin ko na daw yung juice kaya wala na kong nagawa.

-___- <--- itsura ko habang umiinom ng juice niya psh

******

"Oy! Dali na! Sasaluhin kita promise!" Nandito kasi ako ngayon sa ibabaw ng stage na walang hagdan paakyat' baba. Yaman ng school namin noh? Papagawa na ngalang ng stage, yung wala pang hagdan tsk!

"Siguraduhin mo lang! Paghindi naku! Kukutusan talaga kita!"

Tumalon na ko ng biglang may tumawag sa cellphone niya kaya sinagot niya ito at bumaling sa iba ang tingin. Ako? Eto nahulog ng walang sumasalo...nauna mukha psh

*END OF FLASHBACK*

[Hehehe sorry na!]

"Basta bumalik ka in a week ah?!"

[Oo promise cross my heart mamatay man ako kahit na mauna sayo haha o sige na ibababa ko na yung tawag. Tinatawag na ko eh babye!!]

"Babye..." At binaba na nga niya ang tawag.

Siguraduhin lang niya na babalik siya.

*kring kring*

Oh? Akala ko talaga ibababa na niya ang tawag?

"Napatawag ka ulit Jasper--"

[Mica...]

Natigilan ako, tinignan ko kung sino yung tumawag sa caller's I.D at binalik sa tenga ang cellphone.

"Tita..." Siya ang kapatid ng Daddy ko. Minsan lang kami magkita pero close naman kami "Napatawag po kayo Tita?"

Napatingin ako sa digital clock ko

25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon