Day 17-19

578 15 0
                                    

******(Day 17)*****

Kuya Jake's POV:

Agad akong kumuha ng pamaypay at lumapit sa pinsan ko na nakapikit at naghahabol ng hininga habang nakahiga sa kama. Inaatake nanaman kasi siya ng sakit niya.

Marami ng nakatutok na electric fan sakanya pero pinagpapawisan parin ito.

Pinaypayan ko siya at inaalis ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. Si Jasper naman nasa kabilang side ng kama at pinipisil ang kamay nito. Namamanhid kasi ang katawan nito lalo na ang kamay at paa kapag inaatake.

Pilit siyang kumukuha ng hangin habang may kumakawalang luha sa mata nito.

Kakalabas lang niya ng ospital kanina tapos inatake nanaman ng sakit after ng ilang oras. Sinabi namin na dadalhin ulit namin siya sa ospital pero ayaw niya.

"Pare, dalhin na kaya ulit natin siya sa ospital? Baka mapano na ito eh" nagaalalang sabi ni Jasper.

"W-wag *sob* wag niyo dalhin sa ospital *sob* wag niyo ko dalhin sa ospital" mas lalo itong umiyak.

"Pinsan naman! Wag matigas ang ulo. Baka mapano ka na niyan! Kakalabas lang natin ng ospital pero tignan mo, inaatake ka nanaman" suway ko.

Pero ang tanging sinabi lang niya samin ay ang wag siya dalhin sa ospital ng paulit-ulit.

"Bakit ba ayaw mo? Dahil sawa ka na sa lugar na yun? Pero kailangan eh!"

"Makikita ko sila m-mommy *sob* malalaman nila s-sakit ko *sob* wag niyo ko d-dalhin sa ospital p-please *sob* m-makikita ako n-nila daddy na naghihirap" tuloy lang ang pag-agos ng luha niya.

Nagkatinginan kami ni Jasper. Hanggang ngayon, sariwa parin sakanya ang nangyari. Ayaw niya pumunta at bumalik ulit sa ospital dahil doon niya nakita sila tita na wala ng buhay.

"T-tawagin nalang natin private doctor niya. May binigay naman siyang number eh"

"Pero diba may ginagawa siya?" Tanong ko.

"Sigurado naman na ko na tapos na yun, kanina pa eh kaya dali na!"

Nagmadali naman akong tawagan ang dapat tawagan.

Mga ilang sandali lang ay dumating na ito. Chineck niya si Mica at kinailangan lang siya lagyan ng oxygen mask para makahinga ng maayos. Medyo bumuti nanaman ang lagay niya.

Pumunta naman ako sa may bintana at hinawi ang kurtina ng may mapansin akong sasakyan sa baba. Kanina pa 'to ah?

Isinawalang bahala ko na lamamg iyon at hinayaang nakabukas ang bintana upang makalanghap ng hangin

*****(Day 19)*****

Mica's POV:

^____________^

Haha ang saya ko hihi

Alam niyo kung bakit? Kasi naman! Wwiieee~!! Nanood kasi kami ng movie kahapon (day18) ni Jasper at ang saya niya kasama. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ^^ siya na ata talaga ang tunay na kaibigan.

Palagi niya akong inaalalayan kapag nakakaramdam ako ng panghihina tapos palagi niyang sinasabi na nandito lang siya para sakin.

Atsaka natauhan nga ako sa sinabi niya.

'Hindi ka nagiisa Mica, nandito lang ako para sayo. Iiyak mo man yan lahat lahat ay hindi na sila kababalik pa. Nasa langit man ngayon ang mga magulang mo ngunit hinding-hindi ka nila iniwan sapagkat nandyan lang sila palagi sa puso mo. Ginagabayan ka nila at minamahal ng lubos kaya kung ako sayo, susulitin ko na ang buhay ko habang nakangiti. Sabi nga nila 'a smile can hide a lot of pain' iba man dating sakin nun ay--basta! Ngumiti ka parin, arasseo?'

Tama siya...

Kung hindi dahil sakanya edi nagmumukmok parin ako. Nakakatuwa siya kasi nandyan siya palagi para alagaan ako at gabayan.  Kahapon inaya niya ako manood ng sine. Tumanggi noon si kuya Jake kaya sa condo nalang kami nagmovie marathon. Enjoy naman kami eh ^^

Ang gaan talaga ng loob ko sakanya. Nararamdaman ko ulit yung feeling na may kuya.

Hayy...asan ka na ba kuya Mike? Miss na miss na kita. Kasama mo ba sila mom at dad? Wag naman sana...ramdam ko na buhay ka pa.

Pang ilang araw ko na ba ngayon?

One...two...three..

19!!!

Pang nighteenth na so meaning...six days nalang :-(

Nakakaramdam na ko ng panghihina, minsan nga ay kailangan ko pa sumakay ng wheelchair eh.

"O? Malungkot ka nanaman?" Napabaling ako ng tingin sa katabi ko. Nga pala, nandito ako ngayon sa school, kahit na pinipilit ako ni Jasper na wag pumasok dahil baka hindi ko kayanin ay wala rin naman siyang nagawa. Gusto ko makita at makasama yung mga classmate ko eh. Gusto ko ipakita sakanila na matatag ako at walang sakit ^^

"Pano kaya kapag tuluyan na kong hindi nakalakad dahil sa panghihina?"

"Edi ok lang! Nandito naman ako eh *smiles* handa akong tulungan ka sa pagtutulak ng wheelchair. Parang buhay, wag mong isipin na nagiisa ka dahil may mga tao na handang tumulong sayo" saad niya.

Napakamabuti mong tao Jasper, lahat nagagawa mong pasayahin. Kahit na mukha kang tahimik ay nagagawa mo kong pangitiin. Ewan ko ba, kung natuturuan lang ang puso kung sino ang dapat mahalin ay pinili ko na siya. Kaso hindi eh, si Jacob parin sinisigaw ni heart.

Speaking of Jacob...kanina pa siya palingon-lingon dito sa pwesto namin. Ano kaya meron? Siguro narealize niya na mahal na niya ako? Charr! Ayoko umasa, masasaktan lang ako ng todo.

"Ok class, two days from now ay may gaganapin na camping NGUNIT...ngunit ang section niyo lang" bungad ng teacher namin pagkapasok ng room. Naghiyawan naman mga klasmeyt namin.

"One night lang naman pero sisiguraduhin ko na mageenjoy kayo. And also, siguro nagtataka kayo kung bakit agad-agad? Dahil sinabi ito ng principal, napapansin niya masyadong hardworking ang nandito sa section na ito. Halos mga wala ng tulog kaya sa klase tulog -__- anyway! Papauwiin ko kayo ng maaga para makapagready kayo at makapagpaalam tsaka ayoko na magklase hehe. Remember na 12:00 in the noon tayong lahat magkikita-kita dito sa tapat ng school. Siguro ay mga 5:00 ay makakarating na tayo sa forest na iyon dahil medyo matagal ang byahe, safe naman ang forest kaya wala kayong dapat ipagalala" paliwanag ni ma'am

Yes!!! Isa ito sa TTD ko, dapat makasama ako ^^

"Oy! Ngiti-ngiti ka dyan? Wag ka sumama! Baka ano mangyari sayo dun" sabi ni Jasper

"Eehh!! Minsan na ngalang ako makaexperience ng camping sa ibang lugar eh! Puro sa loob ng school palagi kaya pagbigyan mo na ko please? Tsaka di ko naman iyon ikamamatay eh, may six days left pa ako kaya sulitin na hmm?" Binulong ko na yung huli kong sinabi dahil baka may makarinig. Mahirap na baka talagang di ako mayagan.

"Aish! Ok fine! Siguraduhin mo lang dahil pag may nangyari talaga sayong masama ay sisisihin ko lahat!"

"Wag naman haha" napatawa naman kami. Akala niyo nagbibiro lang yan pero seryoso siya sa sinabi niya kaya dapat maging malakas ako bukas! Hwaiting!

*****

"Tita! I'm home!" Sigaw ko pagkauwi. Nandito ako ngayon nakatira sa bahay ng parents ko. Gusto ko na ulit dito manirahan dahil marami kaming memories dito.

"Oh? Napaaga ka yata? May meryenda akong hinanda kaya tara! Yung tito mo nasa trabaho pa mukhang late makakauwi" nakalimutan ko sabihin sainyo na si tita at tito ay walang anak dahil hindi sila mabiyayaan. Kaya eto sila tinuring akong tunay na anak.

"May camping po kasi kami two days from now and balak ko sanang sumama. Payag ka please?" Sinundan ko siya papasok sa kitchen. Umupo ako at inihanda niya ang meryenda.

"Sure ka bang kaya mo?" Nagaalala niyang tanong.

"Yakang-yaka 'yan tita" nakangiti kong sabi kaya napangiti rin siya. Payag siya yipee!!

"Ok basta kapag may nangyaring masama ay malilintikan talaga samin yung school mo"

"Tita!"

"Joke lang"

Hehehehehehehehe

25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon