*****(Day 21)*****
Isang araw na ang lumipas (day20) at ngayon na ang aming camping!!!
"Ok! Pumila na kayo para makapasok na, yung seat number niyo ah? Wag kalimutan. Mamaya iba na pala katabi niyo talagang yari kayo sakin" at pumasok na po kami sa bus.
Inilagay ko yung bag ko sa lagayan, medyo hindi ko maabot kaya buti nalang at nandyan si Jasper para tulungan ako. Umupo na ako sa assigned chair ko, buti nalang at katabi ng bintana.
Ang daya lang kasi di kami magkatabi! Kaasar! -__-
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na umandar ang bus. Naramdaman ko na may tumabi sakin, pagtingin ko ay..
O////////O
Waaaahh!! Magkatabi kami ni Jacob!! >___<
"What?" Umiwas nalang ako. Di ko namalayan na napatitig na pala ako sakanya.
"All settled? Good" at umandar na ang bus kaya sinuot ko na ang dala kong facemask at earphones.
Pansin ko na napatitig sakin si Jacob. Oh my! Napansin kaya niya na ako yung nakasabay niya sa bus? Wag naman sana huhu
Wag mo nalang pansinin Mica wwooh!!
*hours past*
Bakit ganun? Pakiramdam ko nanghihina ako? Wag naman ngayon please?
Ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malagkit, sure rin ako na namumutla na ako kaya buti nalang at nakafacemask ako kaya di halata.
Nagbeep yung phone ko. Pagtingin ko may text.
From: JasperMyBestfriend
You ok?
Nagpalingon-lingon ako sa loob ng bus. Nandun lang pala siya sa katapat ng upuan namin sa kabilang side. Nakatingin siya sakin na may pagaalala. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
Nagtype siya sa phone niya at may nagmessage ulit sakin.
From: JasperMyBestfriend
Palit kayo ng upuan ni Gangster Boy. Tabi ka sakin. Ako bahala magpaalam kay ma'am.
"Ma'am" tinaas niya yung kamay niya "pwede po ba makipagpalit ng upuan si Mica kay Ethan? May paguusapan lang po kaming importante"
"Ganun ba? Oh sige, dun ka nalang muna pumwesto Mica" tumango ako at tumayo.
Ang hina na ng katawan ko kaya medyo nahihirapan ako maglakad. Nagulat ako ng biglang umandar yung bus kaya naout of balance ako, maigi nalang at nahawakan ni Jacob 'yung braso ko. Nakakunot noo siya habang nakatingin sakin. Umiwas nalang ako at nakipagpalit na ng upuan kay Ethan. Doon ako napunta sa tabi parin ng bintana.
"You ok?" Umakbay si Jasper sakin kaya niyakap ko siya sa beywang. Hindi na naman siya umangal.
Kinuha niya yung panyo niya sa bulsa at pinunasan pawis ko. Pumikit ako at nagpahinga.
Hinaplos niya yung buhok ko kaya medyo gumaan pakiramdam ko.
"Thanks Jasper sa lahat" at natulog na ko.
*******
"Sa wakas! Nandito na tayo"
Nandito na kami ngayon sa forest at naglalakad na papunta sa pinaka-center nito dahil malaki ang space doon at makakapagtayo kami ng dalang tent.
Masaya naman ang nangyari ngayong araw. Nagtulong-tulong kami sa paggawa ng tent, nanghuli ng isda sa may malapit na ilog, nagkuwento ng kung anu-anong katatakutan habang nakapalibot sa campfire.

BINABASA MO ANG
25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)
Historia Corta"I'm dying..." Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga katagang iyan pero ayokong kinakaawaan ako. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa nabibilang nalang ang araw ko dito sa mundo. Mahal ko siya pero parang wala lang sakanya, Mahal ko siya at s...