*****(Day 22)*****
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nakahiga si Mica sa dibdib ko habang yakap-yakap ko siya.
Itinapat ko ang dalawa kong daliri sa ilong niya.
'Still breathing...'
Nakahinga ako ng maluwag pero hindi parin talaga mawala sa isip ko ang bangungot kagabi.
Hindi ko kakayanin na mawala si Mica..hindi.
"Hmm.." Napatingin ako sa babaeng mahal ko. Dinilat niya ang mata niya at ako ang unang bumungad dito. I smiled and kisses her on her forehead.
"Goodmorning.." Bati ko. Ngumiti siya sakin as a response.
Umupo ako at inalalayan rin siya. Binuhat ko siya ng pabridal-style at lumabas ng kwarto.
Bumaba na ako at iniupo siya sa wheelchair. Hindi naman siya baldado pero hindi siya makalakad ng maayos. Namamanhid na ang lower body niya.
"O? Good morning!" Masiglang bati ni Tita ng makita niya kami. If I know, pinipilit lang niya maging matatag. Knowing Mica, ayaw niya talaga na kinakaawaan siya.
"Good morning din po" tumango si Mica sakanya.
"Tara na sa kusina, nakahain na dun ang umagahan niyo"
Ngumiti naman ako at tinulak ang wheelchair ni Mica papunta sa kusina.
********
Nandito kami ngayon sa likod ng bahay namin sa tapat ng basketball court ko. Ngayon ko lang siya nadala dito sa bahay ko at ngayon ko lang siya napakilala sa parents ko. Natuwa ako kasi gustong-gusto nila si Mica para sakin. Naging close agad sila.
Ngayon ay kami nalang dalawa. Nakaupo ako sa upuan samantalang siya ay sa wheelchair. Magkahawak ang aming mga kamay dahil ayaw namin bumitaw.
Tumingin sakin si Mica kaya napatingin rin ako sakanya.
"A..asan si...Jasp-per?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa tinanong niya.
Bukod sa nagseselos ako dahil hinahanap niya palagi ito ay hindi ko rin alam kung nasaan na siya. Nawala nalang siya ng parang bula kahapon. Nagagalit ako sakanya kasi alam niya na nabibilang nalang ang araw ni Mica tapos saka siya lalayo? Oo kahapon lang pero kasi naman! Saka siya di magpapakita? Kung alam lang niya kung gaano ginusto ng babaeng mahal ko na makita siya..
"A-ano...ahm diba gusto mo maglaro ng basketball? Ako nalang maglalaro para sayo. Sisiguraduhin kong mananalo ako para sayo *wink*" pagche-change topic ko.
Tumingin naman siya sakin ng may pagtataka. Ah!
"Nakita ko kasi yung TTD mo, pasensya na ah? Di ko kasi mapigilan ang hindi buklatin. Alam mo naman, curiosity killed the cat" at tumawa ako. Napangiti naman siya.
"O-ok lang.." Nginitian ko rin siya at tumayo. Kumuha ako ng bola at nagsimulang maglaro.
Nagpanggap naman ako na may kalaban at palagi naman ako nakakashoot haha. Si Mica naman ay nakatingin sakin habang nakangiti. Chinicheer pa niya ko sa pamamagitan ng pagkindat. Ginaganahan ako ah? Hahaha.
"He shoot...he scores!! And the crowd goes wild!! Waaahh!! Waaahh!! Yeah!" Nagmukha na kong tanga pero ok lang, basta para sa taong mahal ko.
Tuwang-tuwa ako sa paglalaro ng biglang may pumatak na tubig sa pisngi ko. Nagsimula ng umulan kaya tumingin ako sa kalangitan. Tinignan ko si Mica at lalapitan sana siya kasi nababasa na kami pareho ng ulan, more like naliligo na sa ulan. Wala pa namang bubong sa court ko.
But when I saw her...she's looking at the sky...just like the one in my dream but the difference is that she's facing at me right now...and her eyes are open.
Nakatingin siya sa kalangitan habang may ngiti sa labi. I can see joy and amazed in her eyes.
Naalala ko tuloy na nakalagay sa TTD niya na gusto niya maligo sa ulan.
Hindi ko namalayan na pumatak ang luha ko. Buti nalang at umuulan kaya hindi niya halata.
Napatingin siya sakin. Nginitian ko siya at nilapitan. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kanyang kamay. Nginitian niya ako. I stood up at inalalayan ko siyang makatayo. Kahit na medyo siya nanghihina ay nagagawa parin niyang maging matatag.
I hug her while we're soaking wet because of the rain. I'm so inlove with her.
Humiwalay siya sa yakap sakin at inangat ang ulo para tignan ako.
"Will you...allow me to be your boyfriend? Alam kong biglaan pe--"
"Yes" natigilan ako. Did she just said--?
"I said yes" ulit niya kaya napasigaw ako sa tuwa. Napatawa naman siya.
"Wooohhh!!! Girlfriend ko na siya!!! Akin na siya!!! Tsk! Galing ko talaga manligaw!! Pfft"
Napatawa kaming dalawa
"I l-love you" sambit niya na ikinangiti ko.
"I love you too" and I kissed her...I kissed her under the rain.
Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi. Humiwalay na ko at pinagdikit ang aming noo.
Nag ngitian kami. Why is she so beautiful? She's...she's like an Angel that is sent from Heaven for me. An angel that is indeed my property.
But I'm scared...scared that it may happen. That anytime now she will be taken from me. That Heaven will find a way to take her away.
But God knows how much I love her...he will never take her without me being happy. But how can I be happy knowing the fact that she'll leave me? I guess HE has a reason.
"Wanna play with me?" Nginisian ko siya. Ganun din naman ginawa niya.
"Sure" ang saya ko kasi nakapaglaro kami. Nakapaglaro kami ng basketball habang umuulan. Nakakaramdam man siya ng panghihina pero nandito ako para alalayan siya.
Today...I just fulfilled two of her Things To Do list. I only need one more thing to do...
...and that is to find her brother Mike.

BINABASA MO ANG
25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)
Kurzgeschichten"I'm dying..." Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga katagang iyan pero ayokong kinakaawaan ako. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa nabibilang nalang ang araw ko dito sa mundo. Mahal ko siya pero parang wala lang sakanya, Mahal ko siya at s...