*****(Day 23)*****
Mica's POV:
Nobody is permanent in this world. Lahat tayo ay mamamatay at mamamatay din dahil hiram lang ang buhay natin. Ang kaso mauuna lang talaga ako..mauuna lang talaga ako mawala sa mundong ito kaya tanggapin na natin.
Nandito ako ngayon sa garden while nakaupo sa wheelchair. Si Jacob? Umalis muna eh...sabi niya may pupuntahan lang daw siya, ewan ko lang kung saan.
*sigh*
Last day ko na pagkatapos bukas...
Hindi ko manlang nahanap si Kuya Mike... bakit kasi ang hina-hina ko na? Bakit ako pa?
Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kirot. Madalas na itong nangyayari sakin. Ayoko sabihin kay Jacob kasi baka lalo lang siyang mag-alala kaya ang ginagawa ko ay dinadaan ko nalang sa tulog. Natatakot nga lang ako kasi baka...baka hindi na ako magising.
Iniisip ko...pano pag nawala ako? Ano ng mangyayari sa buhay nila? Nila Jacob? Jasper at Kuya Mike? Ayoko naman na dahil sa pagkawala ko ay hindi na nila ituloy yung buhay nila.
Anubayan! Nalulungkot nanaman ako hehe. Ganito nalang kuwentuhan ko kayo ng masaya.
Kahapon kasi tinuruan ko si Jacob magbake ng cupcakes pagkatapos namin maligo sa ulan. Nakaka-enjoy nga eh.
*FLASHBACK*
Nandito ako ngayon sa kusina habang nasa harapan ng lamesa na puno ng gamit sa pangbebake. Flour, eggs, butter, yeasts, etc.
"Mica? Mica! Anubayan! Sinabi ko na sayong wag ka tatayo sa wheelchair mo eh, baka mapano ka lang. Mahina ka kaya maawa ka naman sa katawan mo" saad ni Jacob pagkadating niya.
"O-ok lang ako. K-kaya ko naman t-tumayo eh...hindi a-ako baldado" kahit hirap sa pagsalita ay pinilit ko parin.
Napasimangot naman siya.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo?"
"Magbebake ako n-ng cupcakes" yup! Gusto ko siya gawan. Nagliwanag naman ang mukha niya.
"T-talaga? Yung cupcake na binigay mo sakin? Paturo! Para sasunod ako naman gagawa ng cupcakes para sayo" at kinindatan niya ako. Kinikilig ako hehe.
"Sige ba.." At tinuruan ko na siya. Step by step.
Nandito na kami sa paggawa ng frosting. Hinahalo ko ito at tinutulungan ako ni Jacob. Nakabackhug siya sakin at nakahawak yung kamay niya sa kamay ko na humahalo sa frosting.
Ang saya lang, minsan pinaglalaruan pa namin yung mga ingredients. Punong-puno na nga ng harina yung ulo namin eh haha.
Inaayos ko na yung mga utensils na ginamit namin habang si Jacob naman ay kinukuha yung ibang binake namin sa oven.
Pagkakuha ko ng isang serving spoon ay agad ko itong nabitawan dahil biglang kumirot ang dibdib ko. For sure ay nakagawa ito ng ingay dahil gawa ito sa metal.
"Oh? Ok ka lang?" Agad niyang inilapag sa mesa ang binake namin at tinanggal yung gloves na suot niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Iniharap niya ako sakanya.
Nakayuko lang ako at nakahawak ng mahigpit sa kaliwang parte ng dibdib habang mariing nakapikit. Napasandal nalang ako sa balikat niya.
"Does it hurt?" Tumango ako kaya bumuntong hininga siya at niyakap ako "it's ok, mawawala rin yan. Gusto mo ba kuhain ko yung pills mo? Makakatulong iyon"
Umiling nalang ako. Hindi nako nagtetake ng pills dahil para san pa? Mawawala rin naman ako eh tsaka kahit inomin ko iyon ay di parin nawawala ang sakit. Sabi ng doctor ay para lang hindi masyadong maramdaman. Oo nga hindi masyado maramdaman pero masakit parin.

BINABASA MO ANG
25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)
Short Story"I'm dying..." Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga katagang iyan pero ayokong kinakaawaan ako. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa nabibilang nalang ang araw ko dito sa mundo. Mahal ko siya pero parang wala lang sakanya, Mahal ko siya at s...