Day 24 & 25

991 29 5
                                    

*****(Day 24 & 25)*****

*THEIR GREATEST DOWNFALL*

Jacob's POV:

Isang araw na ang lumipas (day24) at...at last day na ngayon (day25) ni Mica. Hindi parin siya nagigising simula kahapon.

Umaga na ngayon at nagprisinta si Tita na papuntahin lahat ng kamag-anak nila dito. Malaki naman ang kwarto niya kaya kasya ang maraming tao.

Sinabi na ni Tita lahat-lahat, ang tungkol sa kondisyon ni Mica at ang pagbabalik ni Jasper na siyang kapatid ni Mica...ang pagbabalik ni Mike. Natuwa sila dahil bumalik na si Mike pero halos mawalan lahat sila ng malay ng malaman nilang malala na ang sakit ni Mica. Hindi nalang namin sinabi na malapit na siya mawala dahil baka masira lang ang kasiyahan.

Masaya naman, marami akong nakilala at nakaclose. Masaya rin sila at cinelibrate ang pagbabalik ni Mike pero hindi parin maiwasan ang maging malungkot dahil kay Mica. Umabot na ng gabi pero eto parin siya, mahimbing na natutulog.

*sigh*

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan. Hinayaan ko nalang muli tumulo ang aking mga luha.

"Please naman mahal ko gumising kana *sob* wag mo kaming iwan. Labanan mo ang sakit mo *sob* marami pa tayong alaala na pwedeng gawin. Magpapakasal pa tayo at magkakapamilya. Gusto ko *sob* gusto ko sabay tayong mamamatay kaya wag ka muna mauna please? *sob* wag mo kami iiwan"

Napatingin ako sa orasan.

11:38

I-ilang minuto nalang *sob* tuluyan na siyang mawawala samin.

Si Tita naman umuwi muna saglit para makapagayos at kumuha pa ng gamit. Kami nalang ni Mike ang naiwan para bantayan sila. Nandun si Mike sa sulok nakayuko. Hawak-hawak niya yung watch niya at pilit sinisira. Kahit ako gusto ko rin para tumigil ang oras.

Hawak ko lang ang kamay niya ng maramdaman kong pinisil niya ito.

"M-mica?" Dumilat ang mata niya kaya napalapit sakanya si Mike.

"Lil sis *sob* your awake. A-akala namin tuluyan mo na kaming iiwan"

"W-why can't I m-move?" Una niyang sambit. Napaiwas kami ng tingin sakanya. Sinabi na ito ng doctor kanina. Namanhid na ang buo niyang katawan at hindi narin siya makakagalaw.

"Why c-can't I feel m..y body? A-am I really going to die?" Napaiyak na ito.

"N-no, nobody's going to die ok? Nobody will. S-sinabi ng doctor na ganito talaga ang mangyayari" pagpapatahan ni Mike.

Napapikit si Mica.

"I'm going to die...am I?" Hindi kami sumagot "l-let's just acc..ept it *sob* I'm going to die" tumingin siya kay Mike. Her eyes started to tear up.

"K-kuya M-mike...mahal na ma..hal k-kita *sob* sor..ry kasi h-hindi ko n-na matutu..pad y-yung mga p-pangako ko s-sayo *sob* h-hayaan mo na..lang si Jacob m-magturo k-kung pano mag...bake *sob* masaya a-ako kasi nakasama kita. M-mahal na m-mahal k-ko kayong la..hat"

T-teka--namamaalam na ba siya?

"Mahal na mahal rin kita pero M-mica naman *sob* wag ka magsalita ng ganyan. Para ka ng nagpapaalam eh. Diba sabi ko wag mong gayahin yung mga taong hanggang salita lang *sob* lumaban ka please. Nandito pa kami oh? Nandito kami para mahalin ka at bigyan ng halaga. You're not going to die Mica.." saad ni Mike habang walang tigil sa pag-agos ang luha nito.

"P-pero...pagod n-na *sob* pa..god na k-ko kuya.." may kumawalang luha sa kanyang mata.

Hindi na nakayanan ni Mike at tuluyan na itong napahagulgol.

25 Days Before My Heartbeat Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon