"'Ma! Alis na ako!" paalam ni Silver at lumabas na. Mas maaga ang alis niya kaysa sa dati dahil maaga ang practice nila sa gym. May mga project din siyang kailangan i-settle bago umalis ng hapon para sa practice match nila sa San Antonio. Nasabihan na rin niya si Jessica na hindi makakasabay dahil kailangan niyang umalis ng mas maaga rito.
Hindi na narinig ni Silver ang sagot ng mga magulang dahil nakalabas na siya. Day off ng mga magulang niya at nangako ang mga ito na pupunta sa San Antonio para manood ng laro. Napaka-supportive ng parents ni Silver. Labis niyang pinagpapasalamat iyon.
"K-Kevin!" gulat na bulalas ni Silver nang makitang kalalabas lang nito sa gate nila Jessica. Agad sumasal ang tibok ng puso niya. Bigla yatang lumiwanag ang buong paligid ni Silver. Medyo madilim pa dahil alas sais pa lang ng umaga. Pero dahil kay Kevin, parang biglang umaraw.
Or maybe because for Silver, Kevin was like a sun ray. He was always there to light her day. Kahit hindi nito pinapatulan ang mga pagpapapansin niya ay sapat na kay Silver na hindi siya nito nilalayasan. Gentleman pa rin ito na hinaharap siya.
"S-Saan ka pupunta?" nauutal na tanong ni Silver. Agad niyang kinalma ang sarili at ngumiti ng matamis Kevin. Pasimple niya itong hinagod ng tingin. Nakaligo na ito at nakabihis na. Nasa likod din ang backpack. Mukhang papasok na.
"Sa school." sagot nito at naglakad na. Nagsabay na sila nito.
"May practice ka rin?" biro niya. Alam naman ni Silver na walang sports na sinasalihan si Kevin. Naka-focus lang talaga ito sa academic. Gayunman, kahit na wala itong sports ay maganda pa rin ang tindig nito at katawan. Mukhang batak sa trabaho. Naikwento ni Jessica noon na sumasama ito sa bukid para magbunot ng punla at maggapas para magkaroon ng allowance noong high school.
Sa tuwing naalala ni Silver ang kwento ni Kevin ay parang mayroong kumukurot sa puso niya. Naawa kasi siya rito. Parang... hindi niya ma-imagine na kailangan pa nitong gawin iyon para makapag-aral. Sa kabilang banda ay hanga siya. Mayroon itong pangarap na gustong maabot at handa itong gawin ang lahat para roon.
"Wala pero may gagawin ako sa library." sagot nito. Diretso ang tingin. Seryoso pero namumula ang tainga. Kinulit ito ni Silver hanggang sa university. Bago sila naghiwalay ay hinarang na muna niya ito.
"Iyong totoo? Gusto mo lang akong sabayang pumasok, eh." tukso ni Silver.
Hindi sumagot si Kevin pero namula! Mukhang guilty. Napamaang si Silver pero sa huli ay kinilig! Muntik na siyang mapatili pero kinontrol lang niya ang sarili.
Sinundot ni Silver ang tagiliran ni Kevin. Napabungisngis siya nang mapaigtad ito at lalong namula. "Amin na!" kulit niya.
"M-May gagawin talaga ako. Sige na." paalam nito at dali-dali nang umalis.
Napahalakhak si Silver. Ang saya-saya talaga niya. Quota na agad siya sa kilig sa umagang iyon.
"Silver!" tawag ni Kevin.
Napaangat ang tingin ni Silver sa lalaki na mahigit sampung hakbang na ang layo sa kanya.
"Good luck mamaya!" sigaw nito at dali-dali nang umalis.
Biglang kumabog nang malakas ang puso ni Silver. Saglit siyang natulala hanggang sa impit na kinilig. First time in her damn history! Sinabihan siya ng ganoon ni Kevin! Sobrang happy siya to the highest level form of mammal!
"Tsk. Iba talaga ang tama mo kay Mr. Serious."
"Heaven!" gulat na bulalas ni Silver sa kaibigan. Hindi na niya ito napansing nakatayo na sa tabi.
"Para kang engot na nakangiti d'yan habang pinanonood mo si Kevin. Ibang klase ang tama mo sa kanya." kantyaw nito.
Napabungisngis si Silver. Hindi na niya ide-deny iyon dahil huli na siya nito. "Ang sabi kasi niya, 'good luck mamaya'. Ang sweet kaya!" kinikilig niyang saad.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY LIBERO
RomantizmTHIS STORY IS WRITTERN BY CRANBERRY LAUREL. The story is all about Silverstein, the libero of team Guevarra Vixens, who has long time crush named Kevin. Magkaiba ng personalidad ang dalawa. Silverstein ay outgoing, bubbly at active samantalang seri...