CHAPTER 11

673 26 0
                                    

"Okay ka na ba?" alalang tanong ni Kevin nang makita galing si Silver sa pag-ja-jogging. Napabungisngis si Silver sa nakikitang concern nito. Kilig to the highest level ang nararamdaman niya.

Tuluyan nang bumuti ang paa ni Silver. Nasabi rin niya kay Coach Achilles na papasok na siya at maglalaro ng araw na iyon. Natuwa naman ang mga kagrupo niya sa nalaman at hinihintay na raw siya ng mga ito.

At malaki ang pasasalamat ni Silver kay Kevin. Gusto na rin daw nitong mapanood siya. Dahil doon ay sinikap niyang maka-recover agad.

"Kayang-kaya ko na. Ako pa? Strong kaya ako?" aniya at umastang pinalaki ang muscle sa braso.

Natawa tuloy ito at napailing. "Puro ka talaga biro. Basta, okay ka na, ha?"

Sumaludo siya rito at natawa ulit ito. Huminga ito nang malalim kapagdaka. "Sandali. May ibibigay ako." anito at dali-daling umalis. Pagbalik ay mayroon na itong dalang tatlong pirasong pandesal na may palaman na butter at gatas. "Ginawan kita para hindi ka na mag-prepare pagpasok mo."

Napangiti si Silver sa pagiging sweet ni Kevin. "Hindi na talaga kita pakakawalan." kinikilig niyang sagot.

"Hindi naman ako papayag na pakawalan mo pa ako." anito.

Napamaang si Silver kay Kevin! Nahigit niya ang hininga ng malambing nitong pisilin ang baba niya. Ah! She found it really, really romantic! She wanted to scream that moment! Nakakaloka ang mga sinasabi nito!

"Sige na. Pumasok ka na. Hihintayin kita. Sabay na tayong pumasok." anito.

Wala sa sariling pumasok si Silver hanggang sa impit na napatili nang makahuma. Napa-OMG siya nang maraming beses! Kilig na kilig! Oh she would really treasure that moment.

Ang gaan ng katawan ni Silver. Kumain siya. Inubos niya ang mga hinanda ni Kevin. Matapos ay naligo siya at nagayos. Sinigurado ni Silver na humahalimuyak ang bango niya nang lumabas ng bahay. Agad siyang ngumiti nang makitang naghihintay na sina Jessica at Kevin.

Panay ang sulyapan nila Silver at Kevin sa rearwiew mirror. Kontrolado ni Silver ang sariling huwag mapabungisngis sa mga paangat-angat ng kilay ni Kevin. Nagpapa-cute pa ito! Siya naman ay kilig na kilig!

"Manonood kami sa game mo mamaya." anunsyo ni Jessica.

"Talaga?" nakangiting tanong niya.

"Oo. Sasama ako." ani Kevin.

Lalong lumuwang ang ngiti ni Silver. Ang saya-saya niya sa narinig.

Hindi nagtagal ay dumating na sila sa university. Hinatid muna siya ni Kevin sa department nila bago ito pumasok. Buong maghapon ay magaan ang pakiramdam ni Silver. Inspired na inspired siya.

Pagdating ng hapon ay naghanda na sila sa laro. In-assure niya na okay na siya kaya ipinasok na siya sa first six. Sa pagkakataong iyon ay hindi na-late si Kevin. Kagaya ng ibang supporters, mayroon din itong hawak na mahabang lobo at nagchi-cheer.

"Hyper ang bebe boy mo!" kantyaw ni Heaven. Mukhang nakita nito si Kevin.

"Iba na talaga ang may bebe boy! Inspired!" kantyaw din ni Athena.

Umugong ang kantyawan sa buong team. Inawat sila ni coach Achilles. "Concentrate, vixens!" pormal nitong saad.

Tumahimik na ang buong grupo. Nakinig na sila nang magbilin nang strategy si coach Achilles. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laro.

Hyper si Silver buong game. Bukod sa inspire siya ay bumawi rin siya sa mga kasamahan. Sa pagkakaalam niya ay apat na team pa ang kakalabanin nila bago makamit ang tagumpay. Dahil doon ay hinusayan niya. Panay ang takbo niya at pagtira sa bola.

At nanalo sila! Hiyawan silang magkakasama. Nagyakapan sila at sabay-sabay na nagpasalamat sa diyos dahil sa pagkakapalo. Panay naman ang mga palakpak ng mga tao.

"Ang galing mo!" bilib na puri ni Kevin nang mapagisa na sila.

"Para sa'yo ang mga tira ko." lambing niya at marahan itong binangga. Kilig na kilig si Silver. Kahit pagod, happy siya. Iba ang pakiramdam talaga niya kapag pinanood siya ng lalaking mahal.

Napasinghap si Silver sa natuklasang damdamin. Yes! She loves him! It was started with a crush and ended with love. Admiration turned into deeper feelings...

At natutuwa si Silver na minahal niya ang isang lalaking kagaya ni Kevin. She would really keep him whatever it takes...

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon