CHAPTER 14

674 23 3
                                    

"Ang sisipag naman ninyo," natutuwang puri ng ina ni Silver sa kanilang tatlo habang tahimik na nagbabasa. Kasunod nito ang ama ni Silver. Parehong nakabihis na ang dalawa papuntang trabaho.

Ngumiti si Silver sa mga magulang. "Finals na. Focus na talaga, 'ma." aniya.

Proud na ngumiti ang ina. "Huwag kayong magalala. Marami akong inilutong ulam. May bake macaroni rin sa ref. Kain lang kayo nang kain kapag nagutom, ha?" anito at iginala ang paningin kina Jessica at Kevin. "Huwag kayong mahihiya. Feel at home," anito.

"Yes, tita." halos sabay na sagot nila Jessica at Kevin.

"O siya. Mauuna na kami." anang ama ni Silver. Agad na siyang humalik sa mga magulang at umalis na rin ang mga ito. Sila naman ay nag-concentrate na. Tahimik silang nagbasa. Ilang oras lang silang nagbabasa hanggang sa tumayo si Silver.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Kevin.

"Sa kusina. Magtitimpla lang ako ng juice." aniya.

Tumayo si Kevin. "Samahan na kita."

Napabungisngis si Jessica. "Sa kabila lang ang kusina nila Silver! Sasamahan mo pa?" kantyaw nito kay Kevin.

Natawa si Kevin pero hindi na sinagot si Jessica. Sinamahan pa rin siya nito. "Hindi ka talaga mapipigilan." biro niya.

Napangisi si Kevin. "Hindi talaga. Ako na ang magtitimpla, ha." anito at nakialam na sa kusina.

Ngiting-ngiti si Silver habang pinanonood si Kevin. At habang pinanood ito ay naalala niya ang picture na ibinigay nito. Hindi na naman mapakali ang puso niya sa kilig.

"Salamat pala sa regalo mo noong isang gabi. Ikaw, ha? Kuha ko pa 'yon two months ago. Two months ago mo pa ako pinagpapantasyahan?" tudyo ni Silver.

Natawa si Kevin pero pinamumulahan ang tainga. Naloloka na naman ang heart beat ni Silver! Kinikilig na naman sa moment na iyon!

"Ang totoo, hindi lang two months ago. Pagdating ko dito five years ago at nakita kitang nagja-jogging, doon nagsimula iyon." amin nito.

Natulala si Silver! Naloka ang buong sistema niya. Mahinang natawa si Kevin. Nilapitan siya at pinisil ang ilong. "Ngayong umamin ako, natulala ka. Nasaan na ang kakulitan mo?" tukso nito.

Speechless siya! Ganoon pala iyon! Para siyang pinitpit na luya kapag ganoon na ang topic!

"Heto. Para mas matulala ka." anito at inilabas ang wallet. Tuluyan na siyang hindi makaimik nang ipakita nitong pareho iyon sa ibinigay nitong picture. "Kaya may naipa-frame ako, nagpa-recopy ako. Okay ba?"

Tulalang tumango si Silver. Okay na okay! Sa sobrang okay, speechless siya! Lulang-lula sa effort ni Kevin.

"T-Tanungin mo na ako." pigil hiningang saad ni Silver nang makahuma. Gayunman ay hindi na tumigil sa pagtibok ng malakas ang puso niya.

Napakunot ang noo ni Kevin. "Ano'ng tanungin?"

"Gusto na kitang sagutin! Tanungin mo na ako! Dali!" natatawang paliwanag niya.

Natulala si Kevin hanggang sa namula ang mukha. Mukhang na-excite pero nagpipigil lang!

"M-Mahal mo ba ako? Ako kasi, mahal kita. At gagawin ko ang lahat para sa atin..." halos hindi humihingang pahayag ni Kevin.

Natutop ulit ni Silver ang bibig. Kinokontrol niya ang sariling huwag mapasigaw sa kilig!

"M-Mahal din kita, Kevin." hindi humihingang amin ni Silver.

"Yes!" tuwang bulalas ni Kevin atniyakap siya. Napapikit si Silver nang halikan ni Kevin ang ulo niya. Naginitang pakiramdam niya. She felt something bind them that time. Parang invisiblestring. Nakatali iyon sa mga puso nila at hindi na iyon maalis pa. 









MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon