"Silver! Ano bang nangyayari sa'yo? Libero ka! Hindi mo dapat pinanonood lang ang bola!" sigaw ni Coach Achilles. Mahinang napamura si Silver at mariing naipikit ang mga mata. Pinagsabihan niya ulit ang sarili na mag-focus. Hindi niya dapat isipin ang relasyon nila ni Kevin.
Umuwi na ang ina ni Kevin. Ang ama lang nito ang naiwan para matulungan itong magdala ng mga gamit sa Manila. Puspusan na rin ang paghahanda ng mga ito para sa pagluwas ni Kevin. Dahil doon ay hindi sila makapagusap ng maayos. Paano siya makakaporma kung nakikita niya ang kalamigan ng ama nito? Naalala rin niya ang sinabi ng ina ni Kevin. Mukhang makakarinig siya kapag naharap ng ama nito.
"What? Are you just going to stand there? Work your ass off, Silver!" naiinis na sigaw ng matanda. Agad na siyang tumalima. Hinabol niya ang mga bola sa abot ng mga kakaya niya pero dahil sadyang distracted ay marami siyang error.
Nasabon ng husto si Silver. Tahimik lang niyang tinanggap ang mga pagkakamali. Nakayuko siyang nilulunok ang mga sermon ng coach.
"Kung ganyan ka ng ganyan ay mapipilitan akong alisin ka sa first six. Try me, Silver. Try me!" banta nito at sunod na sinermunan ang ibang kasama na sa tingin nito ay hindi nakakapag-focus.
Makalipas ang ilang minuto at pinauwi na sila ng matanda. Mabigat ang kalooban ni Silver na umuwi. Pagdating niya ay naabutan niya ang ama ni Kevin sa harapan ng gate nila Jessica. Nagpasya siyang batiin ito atas ng kagandang asal.
"Magandang hapon ho." bati ni Silver.
"Magandang hapon naman. Hinihintay talaga kita." anito.
Kinabahan si Silver. Parang umakyat hanggang lalamunan niya ang puso. Bigla siyang nanlamig sa nakikitang kalamigan nito. "Bakit po?"
"Aalis na kami ni Kevin sa susunod na araw. Nakahanap na ng apartment si Manuel. Ayoko sanang guluhin mo siya habang nagre-review para makapag-concentrate siya." prangka nitong saad.
Bumangon ang pagrerebelde sa puso ni Silver. Pakiramdam niya talaga ay hindi siya tanggap nito para sa anak. Ang sakit na ipamukha sa kanya iyon!
"Hindi ko naman ho iyon gagawin..." mahinang sagot niya. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay may mga tinik sa lalamunan niya. Pati iyon ay nanakit kagaya ng puso niya. Nangilid ang luha niya dahil sa sobrang sama ng loob.
"Mabuti naman kung ganoon. Nagkakaintindihan pala tayo. Ang sabi kasi sa akin ng asawa ko ay matigas ka. Sumasagot-sagot ka pa. Hindi ko gusto iyon, Silver." sermon nito.
Napamaang si Silver. Bigla niyang inalala ang huli nilang paguusap pero wala siyang maalalang ginawa iyon. Nagpahayag lang siya ng saloobin sa magalang na paraan. "H-Hindi naman ho sa ganoon kaya lang—"
"Ano? Sumasagot ka na naman!" galit na putol ng matanda.
"'Tay? Silver? Ano hong nangyayari?" singit ni Kevin. Hindi nila ito napansin dahil nasa tabi sila ng gate at biglang lumabas ito.
Napakurap-kurap si Silver at nagsipatakan ang mga luha. Naiyak na siya sa pangit na pakikitungo ng mga magulang ni Kevin. Dali-dali siyang nilapitan nito. "Shh... tahan na." masuyo nitong anas at pinunasan ang mga luha niya. Hinarap nito ang ama. "'Tay naman. Ano ba'ng nangyari?"
"Nasabi ng nanay mo na sinagot-sagot siya ni Silver noong graduation mo. Pinagsasabihan ko lang. Sumasagot na naman. Ganyan ba ang gusto mong babae? Sinasagot-sagot kami? Aba'y bastos! Hindi ko gusto ang ganyang babae para sa'yo," tahasang pagsisinungaling ng ama ni Kevin.
Napamaang si Silver! Gulat na gulat sa tindi ng pagsisinungaling nito na sa tingin niya ay pagmamanipula na rin para paghiwalayin sila ni Kevin. Ah, she felt frustrated even more. "H-Hindi ho totoo 'yan!" luhaang tanggi ni Silver at hinarap si Kevin. Nag-explain siya. Pinaglaban niya ang katotohanan. Tiim na tiim naman ang bagang ni Kevin. Mukhang hindi na rin nagugustuhan ang mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY LIBERO
RomanceTHIS STORY IS WRITTERN BY CRANBERRY LAUREL. The story is all about Silverstein, the libero of team Guevarra Vixens, who has long time crush named Kevin. Magkaiba ng personalidad ang dalawa. Silverstein ay outgoing, bubbly at active samantalang seri...