"KEVIN, ANO ba 'yan? Aalis na tayo." naiinis na sita ng ama ni Kevin. Napabuntong hininga na lang siya at ibinulsa ang cellphone. Regalo iyon ng mga tiyuhin sa kanya. Para daw magkaroon sila ng communication mag-anak. Magiging busy siya sa Manila at mawawalan ng oras para umuwi. Kahit man lang sa tawagan siya makabawi sa mga kaanak.
At ang unang inilagay ni Kevin na cellphone number ay number ni Silver. Lihim na napahinga ng malalim si Kevin. Parang biniyak ang puso niya nang maalalang hindi na talaga siya kinausap ni Silver. Magmula ng magkagulo sila tatlong araw nang nakararaan ay hindi na siya nito hinarap. Maging ang mga magulang nito ay napagsabihan na siya.
And Kevin understood it perfectly. Magulang ang mga ito na handang ipagtanggol ang anak. Kaya hindi niya magagawang sumama ang loob kahit napapagalitan na siya. Iniintindi niya ang sitwasyon.
All Kevin wanted was to see Silver before he go. Hindi siya mapakali sa naging desisyon nito. Nakakasama ng loob dahil parang napakadali para kay Silver na iwanan siya at bitawan. Pero dahil mahal niya si Silver, kahit nakasama ng loob niya ang desisyon nito ay hayun pa rin siya. Umaasang maayos pa niya ang lahat.
And Kevin realized that he loved her more than those pains. Lulunukin niya ang sakit. Wala na nga siyang pride. Kahit obvious na ayaw nito ay handa pa rin siyang magmakaawa. Naging bingi rin siya sa mga dikta ng mga magulang. Wala siyang ibang gusto kundi ang magkaayos sila. Alam niyang hindi man nila gusto si Silver ay darating pa rin ang time na matatanggap din nila ito. Iyon ang pinanghahawakan ni Kevin sa ngayon.
"Kevin!" angil ni Mael pero hindi ito pinansin si Kevin. Tinawagan pa rin niya si Silver. Nang hindi nito sagutin iyon ay muli siyang kumatok sa gate nila. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at lumabas ang ina nito. Mukhang kagigising lang. Napasimangot ito nang makita siya. "P-Pasensya na ho talaga pero kailangan kong makausap si Silver—"
"Ilang beses ko bang kailangang sabihing tantanan mo na siya?" naiinis na tanong ni Betty.
Parang tinadyakan sa sikmura si Kevin sa nakikitang inis nito sa kanya. Naiintindihan niya. Pagkatapos nang magandang pakikitungo at pagtanggap sa kanya ay iyon ang nangyari. Gayunman, kinakapalan na niya dahil gusto niyang makausap si Silver.
"Aalis na ho ako. Gusto ko ho sana siyang makausap kahit sandali lang." pagsusumamo ni Kevin. Handa siyang lumuhod kung kinakailangan.
Napabuga ng hangin si Betty. Gayunman, hindi sumuko si Kevin. Nakiusap pa rin siya ng paulit-ulit hanggang sa inis na napakamot ito ng ulo. "May practice siya sa university. Utang na loob huwag mo siyang—Kevin! Kevin!" sigaw nito nang bigla na lang niya itong iwanan. Hindi siya nagpaawat sa amang tinawag rin siya. Dali-dali siyang nagpunta sa university.
Hindi nagtagal ay nasa harapan na siya ng gym. Hiningal. Taas baba ang dibdib dahil sa magkahalong pagod at kaba. Nanunuyo ang lalamunan niya. Aaminin niya, naduduwag siya pero sa huli ay nilakasan niya ang loob. Huminga siya ng malalim bago pumasok. Bumungad sa kanyang papalabas na ang grupo ni Silver.
"S-silver!" alanganing tawag ni Kevin. Nadurog ang puso niya nang tingnan lang siya nito at nilampasan ng tingin. Pero hindi sumuko si Kevin. Sumunod pa rin siya na dito. "Silver, magusap tayo, please..." pagsusumamo niya. Wala na siyang pakialam kung pinagtitingnan ng mga ka-team nito.
Napabuga ng hangin si Silver at hinarap siya. "Ano ba? Hihiyain mo ba talaga ako?"
Nilunok ni Kevin ang pait. He was badly hurt seeing her like this. But still, even though he was dying inside, he was ready to beg her.
"Gusto ko lang naman magpaalam. Aalis na ako. S-Sana, magkaayos naman tayo..." nagpipigil na pakiusap ni Kevin. Oh he wanted to cry! Makita lang niyang ganito si Silver ay ang sakit na. Para siyang namamatay!
Napalatak si Silver. "Nagpaalam ka pa talaga? Wala na tayo, Kevin. Hindi ka na dapat pang nagpunta rito."
"Silver..." hindi makapaniwalang anas ni Kevin. Tuluyang nadurog ang puso niya sa nakikitang kalamigan nito.
"Sige na. May lakad pa kami." taboy nito at tumalikod na.
"Ganoon na lang?" mapait niyang tanong.
Inis siya nitong hinarap. "Oo! Ganoon lang! Alin? Umaasa ka pa na magkakabalikan pa tayo? Gumising ka, Kevin! Hindi na puwede kaya puwede ba? Umalis ka na!" gigil nitong angil. Lalong lumakas ang bulung-bulugan sa gym. Mukhang pinaguusapan na sila ng mga ka-team nito. Gayunman, walang nangahas na makialam sa kanila.
Napayuko si Kevin at natutop ang mga mata para mapigilang maiyak. Sobrang nakasama ng loob niya ang mga sinabi nito. Ang bigat-bigat noon sa puso niya. Pahiyang-pahiya siya sa mga kasama nito.
"S-Sige. Kung iyan ang gusto mo, irerespeto ko." mapait niyang anas dahil hindi na rin niya kayang lakasan ang boses.
Umalis na si Silver kasama ang mga team. Hindi nagtagal ay lulugo-lugong umalis na rin siya at umuwi. Natutulala lang siya sa itinakbo ng mga pangyayari. Buong biyahe ay panay ang sermon sa kanya ng ama.
"Kita mo na ang ginawa noon? Sisirain pa niya ang pokus mo sa pagre-review!" nabubuwisit na saad ng tatay niya at napabuga ng hangin.
Hindi kumibo si Kevin. Lugmok na lugmok siya ngayon sa sobrang sama ng loob at sakit ng puso. Gayunman, sa gitna ng sakit na iyon ay ramdam niya ang matinding sama ng loob na nabuo para kay Silver.
Masisisi ba si Kevin? Sa tingin niya ay hindi. Handa siyang tanggapin si Silver sa kabila ng ginawa nito sa mga magulang niya. Nagmukha siyang tanga kakahabol dito pero ang lahat ng iyon ay itinapon na lang nito.
At sa tingin ni Kevin ay mananatili na lang sa puso niya ang sakit na iyon...
BINABASA MO ANG
MY LOVELY LIBERO
Roman d'amourTHIS STORY IS WRITTERN BY CRANBERRY LAUREL. The story is all about Silverstein, the libero of team Guevarra Vixens, who has long time crush named Kevin. Magkaiba ng personalidad ang dalawa. Silverstein ay outgoing, bubbly at active samantalang seri...