CHAPTER 20

845 27 0
                                    

"Nagloloko pa ba ang laptop mo?" tanong ni Silver kay Jessica. Kasalukuyan silang nasa bahay nito. Parehong wala ang mga magulang nila dahil sa kani-kanilang trabaho. Katatapos lang ng finals naman nilang magkaibigan kaya pa-easy-easy na lang sila. Dahil bored na si Silver sa bahay ay pinuntahan niya ang kaibigan.

"Hindi na. Nakapag-install na rin ako ng ibang applications. Okay naman siya. Salamat!" lambing ni Jessica at niyakap siya ng mahigpit. Dalawang linggo na ang nakakalipas buhat ng maayos niya iyon at natutuwa si Silver dahil wala namang naging problema.

Natawa si Silver. "Ano'ng salamat? May bayad 'yon!"

"Magkano?"

"Isang juice lang. Hindi naman ako choosy." nakangising saad ni Silver.

"Ang mahal naman!"

Nagtawanan silang magkaibigan. Happy talaga si Silver dahil tuluyan na silang naging okay ni Jessica.

"Tara sa kusina. 'Gawa tayong meryeda." anito.

Nakangiting tumalim silang magkaibigan. Si Silver na ang nagtimpla ng juice at si Jessica naman ay gumawa ng sandwich. Panay ang kwentuhan nila hanggang sa nakarinig sila ng busina ng sasakyan. Nagkatinginan sina Silver at Jessica.

"Imposibleng sina mommy 'yon. Ang sabi nila ni daddy ay gagabihin sila." takang saad ni Jessica.

"Tingnan natin." aya ni Silver at lumabas sila. Si Jessica ay lumabas ng gate pero hindi nagtagal ay dali-dali itong pumasok. Namumutla!

"B-Bakit?" alalang tanong niya.

"Si kuya Kevin!" kinakabahang bulalas nito.

Kumabog ang dibdib ni Silver. Bigla siyang nakaramdam ng takot hanggang sa napailing. Bakit siya matatakot? Wala siyang ginagawang masama! Wala siyang atraso! Si Kevin dapat ang matakot sa kanya!

"Sorry talaga. Hindi ko alam na pupunta siya. Promise!" natatarantang paliwanag ni Jessica. Obvious na wala talagang alam.

"Sige na. Buksan mo na. Aalis na lang ako." aniya at nginitian ang kaibigan para hindi na ito magalala.

"Pero—"

Hinawakan ni Silver ang balikat ni Jessica. "Okay lang. Baka importante ang dahilan niya kaya pumunta rito. Sige na."

Napilitang tumalima si Jessica. Binuksan nito ang gate at pumasok ang puting landcruiser ni Kevin. Napanganga siya sa gara at laki ng sasakyan. Big time na talaga si Kevin! Mukhang malayo na talaga ang narating sa loob ng maigsing panahon!

Hindi nagawang makaalis ni Silver. Pinagsasabihan na siya ng utak na kumilos para hindi makita ni Kevin pero hindi niya magawa. Mas malakas ang utos ng puso niya na hintayin ito para makita...

Doon bumukas ang pinto ng sasakya sa driver's seat. Nahigit ni Silver ang hininga. Paanan muna ang nakita niya. Leather shoes ang suot ng lalaki at itim na slacks. Tila mayroon itong kinuha sa loob ng sasakyan kaya hindi lumabas agad.

Hanggang sa tuluyan na itong lumabas at bumungad kay Silver ang napakaguwapong si Kevin. Sobrang laki na ng pinagbago nito. Ang lalaking dating hindi madalas magpagupit at tikwas-tikwas ang buhok, ngayon ay clean cut na. Maayos iyong nakasuklay palayo sa mukha nito. Pumuti rin ito. Well shave at abot sa kinatatayuan niya ang mabangong amoy nito. He smelled manly but lovely.

Itim na long sleeve polo ang suot nito. Nakarolyo iyon hanggang siko. He looked really cool. Malayong-malayo kay Kevin na halos maglumuhod sa gym noon. Hindi makapaniwala si Silver na sa loob lang ng dalawang taon ay ganoon na kalaki ang pagbabago ng lalaki.

And then their gazes locked, Silver heat beats stopped. Pati paghiga niya ay natigil. Parang ayaw niyang kumilos ngayon at titigan na lang ito.

But her heart broke the moment he ignored her. Tumalikod ito at hinarap si Jessica. Durog na durog ang puso ni Silver...









***










Mugtong-mugto ang mga mata ni Silver. Magdamag niyang iniyakan ang eksenang hindi siya pinansin ni Kevin. Sobra siyang nasaktan sa ipinakita nitong reaksyon. Naiinis na nga si Silver sa sarili. Wala na sila ni Kevin pero hayun pa rin ang puso niya. Kahit anong pigil niya ay naapektuhan pa rin siya.

Napabuntong hininga si Silver. Obviously, hindi pa rin pala siya naka-move on. She's not over Kevin. And she knew she would never, ever be over him. Nang makita niya ito kahapon ay bigla niyang na-realized iyon. Nasa puso pa rin niya ito.

Ganoon niya ito marahil ka mahal. Sumama man ng todo ang loob niya ay nandoon pa rin ang pagmamahal. Natabunan lang. At nang muli niya itong nakita, doon ulit naramdaman ng puso niya ang damdaming iyon. It was so powerful. She loves him too much that it hurts...

"Hay! Tama na ang iyak Silver! Bangon! Mag-jogging ka at magpapawis! Pagurin mo ang sarili mo para makalimutan ang narararamdaman mo!" kausap ni Silver sa sarili.

Napabuntong hininga siya at napatango. Bumangon na siya at nagbihis. Hindi pa rin naman niya nakakalimutan ang nakagawian. Kahit bakasyon ay nagja-jogging pa rin siya.

Lumabas na siya. Hindi na siya lumingon sa gawi nila Jessica kaya hindi niya nakita kung nakaparada pa sa loob ang sasakyan ni Kevin kahit pa natutukso na siyang lumingon at alamin kung umalis na ito. Hindi na rin kasi siya tinawagan ni Jessica para balitaan.

Napahinga ng malalim si Silver at nag-jogging. Paikot na siya nang biglang makasalubong si Kevin! Kumabog ang dibdib ni Silver nang makita ito. Mukhang nagja-jogging din ito. Orange na jersey at joggers ang suot nito. Pawis na pawis na. Mukhang nauna pa itong nag-jogging kaysa sa kanya. At pansin ni Silver na mas gumanda ang physique ni Kevin. Mukhang nagkaroon na rin ito ng time na alagaan sa exercise ang sarili.

"K-Kevin," wala sa sariling tawag niya rito nang makatapatan. Halos hindi siya makahinga sa presensya nito. Damn it! He really changed! His presence became that overwhelming!

Pero nilampasan siya nito. Nasisiguro ni Silver na narinig siya nito. Basag na basag ang puso ni Silver sa harapang pagiignora ni Kevin.

"Kevin!" tawag ni Silver. Hindi siya makapagpigil. Sobra na siya nitong sinaktan noon. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ginagawa nito!

Doon ito tumigil at humarap. Salubong ang kilay. Hinihingal. Hindi sigurado ni Silver kung dahil iyon sa pagod o nagpipigil lang. Madilim ang mukha nito.

"What?" may halong askad na tanong nito. Pati ang paraan ng pagsasalita ay nagbago na. Mukhang sosyal na. Ah marahil ay dahil na rin matataas na tao ang lagi nitong nakakasama. Pati ito ay nahawa na.

Ang laki na ng pinagbago mo. Naging suplado ka! Gustong isinghal ni Silver iyon pero nagpigil lang siya. Huminga siya ng malalim at nilapitan ito. "Mukhang ikaw pa ang galit." nagtitimping saad niya.

Napaangat ang dalawang kilay nito. He still looked sarcastic. "Is this about two years ago? Kung tungkol ito doon ay nagkakamali ka. Tapos na ang lahat. Wala nang dahilan para magpansinan tayo." matabang nitong saad.

"K-Kevin..." hindi makapaniwalang anas ni Silver. Tuluyang nawala na ang lalaking minahal. He became rude and ungentleman.

Natawa ito ng bahaw. "What? Inaasahan mo na kapag nagkita tayo ay magkakandarapa pa rin akong maghahabol sa'yo? I'm sorry. That's not gonna happen. Again." may halong diin na saad nito. Madilim na madilim na ang mukha.

Nangilid ang luha ni Silver. Wasak na wasak ang kalooban niya. Noon at ngayon, ganoon pa rin ang naramdaman niya sa nagiging paguusap nila ni Kevin. "Kevin—"

"Tapos na kitang hinabol!" gigil nitong asik. Namumula na ang mga mata nito. Bakas ang sakit doon. Dito niya nakita kung gaano ito nasaktan. Naiintindihan niya dahil nagmukha itong tanga sa gym noon.

Naiyak na si Silver. "I-I'm sorry... n-nagawa ko lang naman iyon dahil galit ako at masama ang loob sa ginawa ng parents mo. H-hanggang ngayon ba hindi mo pa rin iyon naiintindihan?" luhaan niyang amin.

Dismayado itong napailing. "You know what? I don't care about that anymore. Tinapos mo na ang lahat. Deal with it." mariin nitong saad at iniwanan siya.

Napahagulgol si Silver sa mga palad.Sobra siyang nasaktan. Pakiramdam niya ay tuluyan nang nawala si Kevin. Wasakna wasak ang kalooban. Tingin niya ay mas nasasaktan siya ngayon dahil sanakikitang pagbabago ni Kevin...    

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon