CHAPTER 23: FINALE

1.6K 58 4
                                    

"Naku! Subukan ninyo itong shanghai. Ako mismo ang nagluto niyan," nakangiting saad ng ina ni Kevin sabay lagay ng pagkain sa mga pinggan nila Silver. Asikaso talaga sila at kita naman nilang genuine iyon. Mukhang masaya talaga na nakarating sila.

Mula Manila ay sinundo sila ni Kevin sa Guevarra. Halos wala pa itong pahinga pero full pa rin ng energy. Parang sinaksakan ng baterya. Panay ang kwento nito sa daan kaya hindi sila na-boring na maganak.

Tuluyan na nilang kinalimutan ang lahat. Dahil doon ay nawala na ang bigat sa dibdib ni Silver. Masaya siya na makitang masaya rin ang magulang niya at wala nang sama ng loob sa mga nangyari.

Pagdating nila kanina roon ay agad siyang hinila ni Kevin. Pinakilala siya nito sa mga kamaganak at kapatid. Ang lakas ng tawa ni Silver kay Buknoy. Ang kulit-kulit. Ibinuko pa ang laging pagtitig ni Kevin sa picture niya bago matulog!

And she was really happy and in love. Wala na talagang mahihiling pa si Silver.

"'Nay, tambak naman kayo nang tambak ng pagkain." natatawang awat ni Kevin sa ina.

Natawa si Silver. "Gusto ko nga. Ang sarap pala talaga nitong shanghai!" aniya at maganang kumain.

Napangiti ang ina ni Kevin. "May nakabalot na para sa'yo. Iuwi mo sa Guevarra, ha."

Nagkangitian sila ng matanda. Sobrang saya ni Silver dahil tanggap na tanggap na siya nito. Narinig pa niya sa kusina kanina na pinagmamalaki siya. Magaling daw siyang maglalaro ng volleyball. Kwento raw iyon ni Kevin na proud nitong ipinamamalita sa mga kasama.

Nang mayroon pang dumating na bisita ay napilitan iyong harapin ng mga magulang ni Kevin. Matapos kumain ay dinala sila ng lalaki sa likuran. Mayroong kubo doon at preskong presko. Sa likuran noon ay manggahan at palayan. Nagpasyang magpahinga muna doon ang mga magulang ni Silver at inaya naman siya nitong maglakad-lakad.

"Happy?" nakangiti nitong tanong.

Ngumiti ng matamis si Silver. "Sobra. Ikaw?"

Sumimangot ito at umiling. "Hindi."

Bigla siyang nagalala. "Bakit?"

"Hindi mo pa ako sinasagot. Okay na tayong lahat sa mga parents natin pero tayo, hindi pa malinaw ang lahat sa pagitan natin." anito at napatingin sa malayo. Tampu-tampuhan ang mamang pogi!

Napabungisngis si Silver. "Nagtatampo ka na naman. Halika nga rito." aniya at hinakawan ang kamay nito saka hinarap. "I love you." anas niya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso niya.

Napatikhim si Kevin. Nakatingin pa rin sa malayo. Natawa tuloy si Silver. "Bakit na naman ba?"

"Kiss. I want kiss." masungit nitong demand.

Biglang na-excite si Silver. Ni minsan ay hindi pa siya nito binigyan ng totoong halik. Panay smack lang at dampi. Biglang umikot ang sikmura niya sa pananabik.

Huminga nang malalim si Silver. "Okay." pigil hiningang saad niya at tumingkayad. Napasinghap siya nang hapitin nito sa baywang. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maglapat ang kanilang katawan. His warmth made her heart felt giddy.

"Close your eyes." masuyong anas ni Kevin at bumaba ang mukha. Awtomatikong napapikit si Silver. Napasinghap siya ng maglapat ang kanilang mga labi.

And she felt goose bumps and fireworks. She was melting in his arms like an icecream. Parang umikot nang mabilis ang mundo ni Silver hanggang sa nawalan na siya nang pakialam sa paligid. Kasalanan iyon ng matamis na labi ni Kevin.

"I love you," anas nito sa pagitan ng mga labi nila at malambing na ikiniskis ang mga ilong nila.

Napahagikgik si Silver. Oh, she was happy and contented. Ang sarap-sarap pakinggan ang three words na iyon.

"Wait. May ibibigay ako." ani Kevin.

"Ako muna!" singit ni Silver at inilabas ang nakabalot pa ring necktie. sa maliit na sling bag. Nakangiting kinuha ni Kevin iyon. "Regalo ko sana iyan noong graduation mo pero hindi ko naibigay dahil sa mga nangyari. Buksan mo na."

Tumalima ito. Lumuwang ang ngiti nito ng makita ang laman noon. "Thank you so much!" greatful nitong saad at siniil siya ng halik. Muntik na namang makalimot si Silver. Napaungol siya nang kusa itong lumayo.

"Wait. Here's mine. I want to give this to you. Graduation gift mo sana ito pero hindi na ako makapaghintay." anas ni Kevin at kinuha ang pulang kahita sa bulsa. Napasinghap siya nang makita ang isang singsing. Gold iyon at tadtad ng bato paikot. Sa gitna noon ay mayroong disenyo ng dalang kamay na magkahawak.

"K-kevin..." naluluhang anas ni Silver.

Masuyo itong ngumiti. "This would be a sign that I will wait for you. Kapag ready ka na, magpapakasal na tayo. Alam ko na marami pa kang gustong maabot at lagi mong iisipin na nandito lang ako. Maghihintay ako sa'yo." puno ng pagmamahal nitong deklara.

Naiyak si Silver. She was touched and overwhelmed. Naitanong tuloy niya ang sarili kung ano ba ang ginawa niya para makuha ang ganoong klaseng kaligayahan?

But above all, she thanked God for that wonderful blessing. Kevin was indeed a blessing for her...

"Your answer, my lovely libero?" nakangiting untag ni Kevin.

Napangiti siya sa tawag nito. Oh she loves 'my lovely libero'! Agad na niyang kinuha ang singsing at isinuot. "Baka magbago pa ang isip mo. Hindi sira ang ulo ko para tumanggi. Yes na yes ang sagot ko!" nakangisi niyang sagot.

Napahalakhak si Kevin. But afterwards, they both seal it with mind blowing kiss. Oh, it was bliss...





***WAKAS***





DEAR READERS,

THANK YOU FOR READING MY STORY! SANA PO AY NAGUSTUHAN NINYO ANG KWENTO NINA SILVERSTEIN AT KEVIN. <3



LOVELOTS,

CRANBERRY LAUREL

#IAMCRANBERRY

MY LOVELY LIBEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon