RUBBER BAND

12 0 0
                                    


Malamig ang gabi, siguro dahil sa September na, nag uumpisa na ang malamig na simoy na hangin at unti unti ko ng naamoy ang Pasko. Nanlalamig ako hindi dahil sa panahon kundi kinakabahan ako sa mangyayari ngayong gabi. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at tanging ang rubber band na pinipitik pitik ko sa braso ang nagpapakalma sa akin.

Tatlong araw kong pinag isipang mabuti ang mga sasabihin ko kay Kio. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga di magandang mangyayari. Sa loob ng tatlong araw aaminin ko hinihintay ko pa rin ang text at tawag ni Kio, bawat tunog ng ringtone ko, excited akong bubuksan ang messages at bigla na lang sisimangot dahil hindi pala si Kio yun, kundi ang Bestfriend kong si 8888. Kulang pa rin ako sa tulog dahil sa Thesis at sa kakaisip ko sa araw na 'to.Di ako mapakali at makakilos ng maayos ng mga nakaraang araw. At ang pag asa ang nagsisilbing gamot sa mga kirot at sakit.

Handa na ko sa mga mangyayari. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa mga sasabihin ni Kio. Bumili ako ng bagong dress para sa okasyon na ito, kailangan maging maganda ako sa tingin ni Kio. Yung tipong di ako tatanggihan at magiging masaya ako bukas. Meron akong isang gabi para mabago ang buhay ko, parang si Cinderella. Isang gabi na kailangan kong samantalahin.

" Rea are you ok? " isang malaking boses na nanggaling sa likod. Isang matangkad na lalaki na may magandang katawan ang lumapit sa'kin. Maputi at artistahin ang itsura niya. Naka polo siya na dark blue na hapit sa katawan at brown na chino pants na nakatupi ang mga dulo.

Tumingin ako sa kanya at abot tenga ang ngiti "Ah yes Tito Ken, I'm Ok'" sagot ko sa Tito ni Kio.

Nakatingin lamang ako sa kanya at nagtataka, parang may mali, parang hindi ata tama ang pagpunta ko dito. Alam na kaya niya na wala na kami? Bakit kaya hindi nagtatanong ang pamilya ni Kio sa akin? Bakit di kami magkasabay sa party? Na bakit di nila ko nakita ng matagal? Ngayon pa lang ang dami ko ng tanong, paano pa kapag andito na si Kio?

Nilakasan ko ang loob ko at tumingin ulit kay Tito at nagtanong. "Tito si Kio po? Hindi pa po ba dumadating? "

" Ah, on the way na daw siya, siguro may dinaanan or binili. What time ka nakarating dito? layo ng binyahe mo ah, Sta Mesa to Cavite "

"Ah hindi naman po Tito , sanay na naman na ko, saka last punta ko dito is June pa, di kasi nagcelebrate si Kio ng birthday niya. Bakit po pala di nagcelebrate ng Birthday si Kio? Taon taon naman po ay pinaghahandaan siya. Saka kahit may sakit siya nung araw na 'yon pwede naman magcelebrate."

"Ah naging busy lang kami kaya di napaghandaan "isang alangang sagot ni Tito at bigla niyang kinuha ang cellphone niya upang magtext.

"Sabagay po, Ang saya po ngayong birthday ni Lola. Bonggang Bongga po." Sabay tawa.

Tumawa din si Tito sa pagkasabi ko ng bonggang bongga. Siya ang nag silbing Tatay kay Kio simula nang iwanan sila ng asawa ng Mama niya. Samantalang ang Mama niya ay nakipagsapalaran sa ibang bansa at doon na nakagawa ng bagong pamilya. Binata pa si Tito sa edad niyang 37, ngunit may anak na siya. Di halata sa mukha niya ang kanyang edad lalo na maganda siyang pumorma.

Alam ko ang buhay ng bawat kamag anak ni Kio mula sa kanyang mga pinsan, mga Tita at Tito pati kay Lola. Lahat ay naibida na niya sa'kin.'Yung isa niyang pinsan nabuntis ng maaga at di pinanagutan ng boyfriend.'Yung isa niyang tita nagkaroon ng boyfriend na may asawa, lahat-lahat alam ko dahil ilang ulit niyang binibida ang mga ganoong issue. Bukod sa alam ko mga istorya ng mga kamag anak niya, kasundo ko din naman karamihan dahil madalas ako sa kanila, meron o wala man okasyon.

Umalis si Tito upang salubungin din ang mga bisita na pumapasok.Dahil mag isa lang ako tumingin tingin ako sa paligid. Maganda ang ayos ng party talagang handang handa. Pinalitan nila ng mas maliwanag na ilaw ang mga bombilya, malaki ang garden nila kaya maaacomodate talaga lahat ng bisita. Sa gitna ay isang maliit na stage na may nakasabit na tarpaulin. Maganda ang mga bulaklak na nilagay sa lamesa na bumagay sa violet na theme. Marami din handa si Lola at naglitson pa ng isang baboy at baka.

MAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon