Third Person's Point Of View
4 Years After...
Nakahilata lamang si Euran sa malapad na kama habang nakatitig sa kisame ng kanilang hotel na kinuha. "Bagot na bagot na ako. Umuwi na tayo sa Pilipinas!"
Napairap si Eunice. "It's too cold outside. Ayokong lumabas." Aniya habang kumakain ng isang ramen.
The three of them; Eugene, Euran and Eunice are staying here in Myeongdong, South Korea for the launching of their hotel branch. Kadadating lang nila dito last week at si Eugene lagi ang pumupunta sa tuwing may meeting.
"Bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin. Pupunta na ako." Ani Eugene at binuksan ang pinto. Bago maisara ay pinayuhan muna niya si Euran. "Hoy tukmol, alagaan mo 'yang si Eunice ah? Pagbalik ko dapat walang gasgas 'yan."
"Kuya!" Inis na wika ni Eunice ngunit matalim lang na titig ang natanggap niya galing kay Eugene.
"Don't worry my brother. Ako pa ba?" Tumawa si Euran at nilaro-laro ang cellphone case.
"Kung gusto niyo mamasyal, mamayang gabi punta kayo sa Namsan Tower. Nandun ako mamaya eh. Ge!" Tuluyan nang sinara ni Eugene ang pinto. Napabuntong hininga nalang si Euran at Eunice na walang magawa dahil hindi din naman sila pamilyar sa Korea at kahit may mga kaibigan sila dito sa Korea ay hindi naman nila mapuntahan.
"Ano kayang pwedeng puntahan?" Tanong ni Euran sa kanyang sarili at binuksan ang kanyang google upang maghanap sana ng mga magagandang pasyalan dito sa Korea pero bago pa man magload ay nagsalita si Eunice.
"You can buy anything here in Myeongdong. Buy international fashion brands, there are a lot of luxury department stores and homegrown cosmetics shops." Aniya ng walang emosyon.
"Teka, paano mo alam?" Nagtatakang tanong ng kanyang kapatid.
"I just know." Tila wala pa rin sa sarili si Eunice habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa mataas silang floor at kitang-kita dito ang view ng napaka-gandang tanawin ng South Korea. But despite all of that, pilit pa rin niyang tinatago ang kaba. Isang linggo na niya itong binabagabag.
It's been four years simula nang hindi na sila nagkita pa. Alam ni Eunice na dito rin nakatira ang lalaking gusto na niyang makita at posibleng makita niya nga ito ngunit natatakot siya. Kinakabahan, salo niya lahat ng takot pag nagkita sila nito. Sariwang-sariwa pa ang mga last words na sinabi niya sa kanya.
"Eunice, you know what? 21 ka na. Malaki ka na. I expect na kaya mo nang mag-isa, 'di ba?" Seryosong tugon ni Euran sa isang tabi.
Napalingon si Eunice. "I badly want to be alone kaso lagi niyo akong pinagsasabihan."
Napangisi si Euran. Gustong mamasyal ni Euran ngunit tinatamad siyang lumabas dahil na rin sa lamig at balak niyang gumawa ng kalokohan dito sa loob ng hotel. "Go on. 'Di kita pipigilan at akong bahala kay kuya Eugene."
Tumayo si Eunice na tuwang-tuwa. "Really!?"
"Oo na! Dali umalis ka na!" Nagtaklob ng kumot si Euran. "Pero naka-track ang location mo sa phone ko. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako at alam ko kung nasaan ka."
"Okay!!" Nag-mamadaling pumunta si Eunice sa banyo at nagbihis. Simpleng turtle neck at makapal na coat lamang ang suot niya pero malakas ang dating dahil kahit anong isuot niya ay babagay sa maputi niyang kutis. Nagsuot na rin siya ng isang pantalon at boots.
Nang matapos nang kunin lahat ni Eunice ang kanyang mga gamit, hindi na ito nagpaalam sa kapatid niya na nagkukunwaring tulog at dali-daling lumabas.
Ngumisi ng nakakaloko si Euran at bumangon tska kinuha ang phone at nagmadaling tawagan ang mga kaibigan na kilala niya sa Korea para pumunta sa kanyang tinutuluyan. By that way na umalis si Eunice, he can do whatever he wants.
BINABASA MO ANG
Meet Me In South Korea || Extended One Shot
Short Storyhi stranger. do you still remember the first day we first met each other?