Chaehee's POV
"Uy Chae! Tara sa Haunted building na booth ng mga teachers!" Sabi ni Mae at hinihila ako papunta doon.
Haunted Building tawag sa booth na yon dahil yung buong building ginamit ng teachers para daw sa booth nila. Yun nga yung pinagmeetingan nila eh!
Nag-Hire pa sila ng mga tao na nagtatrabaho sa mga haunted house ganon para lang diyan sa haunted building nila.
Ewan ko ba sa mga teachers, minsan ang lakas din ng trip eh! Bagets lang ganon?
"Ayoko Mae, Kayo na lang." Sabi ko at kumain ulit nung ramen na kinakain ko.
Kanina pa kasi ako nandito sa cafeteria kasama sila Mae, kaitlyn at Sammy.
Ewan ko ba dito kay Mae kung bakit gustong gusto pumunta doon.
"Wag mo na kasing pilitin si Chae kung ayaw niya, Mae." Sabi ni Kaitlyn at nag sad face look lang si Mae.
"Bakit ba kasi ayaw mo?" Tanong ni Mae
"Ayaw ko lang."
"Hindi naman pwede dahil ayaw mo lang!!" Malungkot na sabi ni Mae
"Bakit ba kasi gusto mo?"
"Gusto ko lang." Sabi niya at umiwas ng tingin
"Alam mo Chae, Tama si Mae. Pumunta na tayo sa Haunted building kesa sa nagdadrama ka diyan." Sabi ni Sammy
"Anong nagdadrama hoy! Bakit ako magdadrama excuse me!"
"Yun naman pala eh! Tara na!" Sabi ni Mae at hinila na ako papunta sa haunted building!!
HINDI KO PA UBOS YUNG RAMEN NA KINAKAIN KO!!
×××
"Mae naman eh! Bakit kailangan may partners partners ka pa nalalaman?" Inis na tanong ko sakanya
"Ano ka ba chaehee! Required kaya na may partner! Para pagnawala ka, may kasama ka." Sabi niya
Paano ba yan apat lang kami!
"Mae, ang sabi dito kailangan atleast 6 members para makapasok sa haunted building. Tatlo lang tayo oh!" Sabi ni Sammy
"Siyempre isasama natin sila Donghyuck!" Tuwang tuwang sabi ni Mae
ANOOOOOOO!?!?!?
"Helloooo! Sino nagsabi na bading ang hindi pumunta sa haunted building ha?" Sabi ni Haechan na kakadating lang kasama sila jaemin..
"Ako! Bakit? Totoo naman eh!" Sabi ni mae at tumawa.
"Partner ko si Chaehee!" Sabi ni Jaemin at bigla kaming nagkatinginan.
ANO?!?
A.Y.O.K.O ayoko ayoko ayokoooo!
Dun na siya kay cathy! Hmp.
"Eh? Bakit ako? Ayoko." Sabi ko sakanya pero ngumiti lang siya
"Ikaw gusto ko eh." Sabi niya at mas lalo pa siyang ngumiti!!
"Yieeeee! Kayo ha!"
"Oy nandito din kami kayo ha!!"
"Kinikilig si Chae oh!!!"
"Bati na yan!!"
Ang ingay talaga ng mga kaibigan ko!!! My goodness kung ano-ano nanaman pinagsasabi nila!!
"Ewan ko sainyo!" Sabi ko sakanila at mas lalo pa nila kami inasar! Ugh ano ba naman tong mga kaibigan ko
Pumasok na kami sa loob ng haunted building. Nandito pa kami sa lobby kung saan parang ineexplain pa kung anong kailangan gawin.
Hanggang 5th floor pala yung building na yon. Hindi siya normal na haunted house parang ano may kailangan pa kayong hanapin na bagay from 1st floor to 5th floor. Tapos may oras pa kayo! 2Hours lang! At pagnatapos daw kayo ng maaga may prize!
Ang daming alam talaga ng mga teachers! Hanggang dito ba naman pinapahirapan nila kami!
"Guys! May naisip akong plano. Maghihiwalay-hiwalay tayo. Apat sa first floor, lima sa second floor at dalawa sa third floor. Magkikita kita na lang tayong lahat sa 4th floor or 5th floor para mas mabilis." Sabi ni Maerri
"Agree ako diyan! Pero sino yung apat sa 1st at lima sa 2nd floor? At sino yung dalawa sa 3rd???" Sabi ni Haechan
"Yung sa first floor, si Renjun, Jeno, Mark at Kaitlyn. Sa Second floor naman, Si Sammy, Ako, Chenle, Jisung at Donghyuck. Yung dalawa naman, siyempre si Chaehee at Jaemin!!" Tuwang tuwang sabi ni Maerri at pumalakpak
Hindi talaga ako natutuwa!!
:(
BINABASA MO ANG
C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]
Short Story❝Uy crush ko talaga si jeno❞ ❝Pano ba yan, hindi ka niya crush.❞ Epistolary + Narrations [COMPLETED] #10 in Short Story #2 in epistolary ⓒSeoulJinjjas_2018